Category Archives: Tula
Puting Buhok
Paguwi ni Pedro galing paaralan
Nadaanan ang nanay sa tarangkahan
“Pedro, bihis na’t, dito ako’y balikan
Bilisan mo’t ako’y bunutan ng uban.”
“Ina, may puting buhok na pala kayo.”
Wika sa nanay ng nakangising Pedro.
“Hoy Pedro! Magtigil ka’t kasalan mo.
Kung bakit pumuputi na ang buhok ko.”
“Sa bawat katangahan ng anak nila
Pumuputi ang isang buhok ng ina”
At ang sagot ni Pedo – “Ay… kaya pala
Puro puti na mga buhok ni lola”
ANALYSIS PARALYSIS
You’re very intelligent.
Very smart.
Really?
You can drag a topic in a discussion,
To the core of its foundations.
Historical.
Philosophical.
Sociological.
Psychological.
Legal.
And yeah –
Including economics.
The fine prints you never miss.
You’re very intelligent.
Very smart.
Hmm.
You make arguments go round and round.
You run round in circles!
You philosophize till death.
You scrutinize all matters
Even the simplest.
You investigate –
From sunrise to sunset,
From dusk till dawn!
You use all available isms as your lens.
But what?
You find no answers.
No solutions.
No compromise.
Stalemate!
You make no decisions.
Your high IQ –
Paralyzes you!
You’re very intelligent.
Very smart!
Yet you fail to realize this –
All it takes is COMMON SENSE
To understand life.
All you need is COMMON SENSE
To comprehend
The mysteries of the universe.
Ang Tatay Ni Juan
Excited si Juan nang ama’y kinausap –
“Itay, sa wakas ay aking nang nahanap
Iibigin, ko’t pakakasalang dilag
Bukod sa maganda’y ubod pa ng sipag.”
Nangiti si mang Pedro anak niyakap
“Yes! Magkakaapo na ako sa wakas.”
At tinanong ng ama ang kanyang anak –
“Eh Juan, sino ba itong bago mong sweetheart?”
“Siya po’y si Helen anak ni aling Bebang
Sila’y nakatira sa kabilang kanto lang.”
“Anak, si aling Bebang bang nagpapakwan?”
“Opo itay… ‘yong madalas ninyong bilhan.”
“Naku anak, ako sana’y iyong sundin
Iyang si Helen ‘di mo pwedeng ibigin”
“Bakit po itay? Inyo ngang liwanagin.
“Anak si Helen… sa akin din nanggaling.”
“Itay… si Helen pala’y aking kapatid!
Talagang sa babae kayo’y malupit.
Si aling Bebang kayo ang nakabuntis,
Di ka nasindak sa mister niyang pulis.”
“Si Helen ay pilit kong kakalimutan
Si Joy na lang po ang aking liligawan
Mukha’y maamo’t maganda ang katawan
Siya’y anak ng kumpare ninyong si Teban.”
“Hep! Hep! Hep! Ikaw nga anak eh tumigil
Anak… kay Joy eh huwag ka sanang mang-gigil
Bunga din s’ya nang aking pagtataksil
Nang si kumare ay hindi ko napigil.”
“Ang liligawan ko na lang eh si Gracia,
Nag-iisang anak ni aling Maria.”
“Naku hijo, sorry, pero pasensya na,
Si Gracia’y galing rin sa aking semilya.”
Naglasing ng todo ang dismayadong Juan
Mga kapatid kasi ‘di pwedeng ligawan
Kaya’t ang nanay niya’y kanyang nilapitan.
“Inay…ako po ba’y pwedeng pagpayuhan?”
“Tatlong dilag… aking pinagpipilian
Isa sa kanila nais kong ligawan
Ngunit si itay ako ay pinigilan
Siya daw ang tatay ng mga naturan.”
“Inay si itay ika’y pinagtaksilan
Kataksilang aking pinagdudusahan.”
“Tama na anak pag-iyak ay tigilan
Itong sasabihin ko’y iyong pakinggan.”
“Si Helen at Gracia pwede mong ligawan
Tanging si Joy lang ang dapat mong iwasan.”
Eh bakit po inay? Pwede bang malaman?
“Anak… tunay mong ama’y si pareng Teban.”
One-sided
I love you.
I worship you.
Like a goddess.
My heart,
Mind,
Soul…
Your pedestal.
I care for no one but you.
I dream of a world where there’s only you and me.
Together.
Forever.
And you?
I feel needed.
Not loved.
You never loved me.
You never cared…
Never dreamt about you and me.
There’s no us.
There’s only you.
Your wants.
Your needs.
Your whims.
Your fancies.
You’re so in love.
With…
Yourself!
Me?
Loved me?
You never did.
Never will.
Perpekto Ka Ba?
Kahit walang kwenta pilit pinapansin
Walang kabagay-bagay ay pupunahin
Kaunting kibot ika’y may sasabihin
Animo’y perpekto ka’t ubod ng galing
Mala-artista ba ang tindig mo’t hubog
Kaya’t mahilig kang mamintas at bumatikos
Ikaw ba’y sobrang matino’t maaayos
Kaya’t pinapansin bawat maling kilos
At ikaw man ng ganda’y nabiyayaan
Ang mamintas ay hindi mo karapatan
Nuknukan ka man ng talino at yaman
Dangal ng kapwa’y hindi pwedeng yapakan
H’wag ipagyabang talino mo’t yaman
Kursong tinapos h’wag ipangalandakan
Ganda mong taglay sanay h’wag ipagyabang
Dahil sa pagtanda mo’y kukupas din yan
Tandaang kukupas ganda’t kakisigan
Pagtanda’y ‘di mapipigil ng iyong yaman
Matalino ka man at sikat na paham
Ika’y babalik sa abong pinanggalingan
Bisyo
Hindi ako naninigarilyo.
Lalong hindi ako lasingero.
Sa sugal – hindi ako mahilig.
Hindi rin ako adik.
Iisa lang ang aking bisyo…
Ikaw!
Bakit hindi kita pagsawaan?
Hindi makalimutan.
Parang bisyo…
Kay hirap iwasan.
Para kang putahe ng ulam,
Na nang aking matikman –
Lalo akong nagutom.
Tubig na nang aking mainom,
Hindi natighaw
Ang aking uhaw.
Swabe kang magmahal.
Kung ika’y humalik –
Ubod ng tamis.
Kay higpit mong yumakap
Ang tama mo’y kay sarap.
Para kang alak,
Kay sarap mong tunggain.
Gustong-gusto kong sa iyo malasing.
Para kang sigarilyong kay sarap hithitin.
Para kang damo.
Kay tindi mong tumama.
Parang bato.
Delikado.
Mahal.
Bawal.
Okay lang na makulong.
Basta’t bisig mo ang rehas.
Susugal ako sa iyo.
Sige –
Hala!
Puso ko’y balasahin mo na.
Sigurista ka ba?
Ako?
Oo!
Walang katalo-talo!
Sino man kasi ang mahalin mo…
Tiyak panalo.



