Hindi Nga Ba Ukol? (7)

(Last of 7 parts)

“Okay… okay… I feel like… I feel like…”

“Feel what?” Ang tanong ni Kath.

“I feel like doing a selfie.”

Natahimik kami pareho ni  Kath. Kung nasa tabi ko lang sana siya. Gusto ko siyang yakapin, halikan… angkinin.

Napansin kong hinawakan ni Kath ang kanyang dibdib. Dahan-dahan niya itong hinimas.

“Marco… Marco… what is this that I am feeling? Shit!”

“Kath… sando mo… please take it off.”

“Marco… please… don’t make me do this. Let’s stop.”

“Please Kath…”

“Shit… Marco… bakit ang hirap mong tanggihan.”

Mula sa study table ay binitbit ni Kath ang kanyang laptop at nagpunta sa kanyang kama. Sumandal siya sa headboard ng kama at sa harapan niya’y nakalapag ang laptop.

I did the same. Nagpunta rin ako sa aking kama’t sumandal sa headboard. Nasa harapan ko rin ang gamit kong laptop.

Halos sabay kaming naghubad ni Kath… pantaas… pambaba… panloob.

“Kath… baby…”

“Marcooo…”

**********

Maraming beses naming ginawa iyon.  Mula noon ay sa ganoon  namin tinatapos ang aming pag-uusap halos tuwing gabing may video calls kami. Parehong sa kama na kami nakapuwesto tuwing nag-uusap.

Dumating ang pagkakataon na hindi na sapat sa akin na ganoon lang kami ni Kath. Gusto kong umuwi muna sa Pilipinas upang makasama ko siya.

Isang gabi…

“Marco… ano ba talaga ang plano mo sa akin… sa atin…”

Matagal ko ring hinintay ang pagkakataong iyon… na magtanong si Kath tungkol sa kung ano ang mga gusto kong gawin para sa aming  dalawa.

“Kath… may gusto lang akong itanong bago ko sabihin sa iyo ang mga plano ko.”

“Go ahead… What is it?”

“Who do you love more… me or Jay?”

“Ridiculous!!!”

“Ang alin?” Ang tanong ko kay Kath.

“That’s a ridiculous question Marco.”

“Why!?”

“Why!!??… Are you playing dumb or are you really dumb Marco.”

Nasorpresa ako sa mga sinabing iyon ni Kath.

“Do you recall Marco when we talked before you left for Korea?”

Tumango na lang ako bilang tugon.

“I and Jay had a fight… right?”

Tumango ulit ako.

“…a  fight that almost led to our separation.”

“Kath… please cut the story short. Why are you telling me about that.”

“Ha… Because you were the reason we fought you stupid shit.”

I couldn’t believe what I heard. Hinayaan ko na lang siyang magsalita.

“Jay knows everything about us at that time. I told him. He was so jealous. He was mad. Iyan din ang tinanong niya sa akin. Sino ang mas mahal ko siya o ikaw. I had to be honest with my answer. I told him it’s you. Nagalit siya. Naghamon ng hiwalayan. That’s why I talked to you that day. I wanted to tell you about it.”

Natandaan ko lahat ng iyon.

“But what did you tell me ha… napakagago mo Marco… You we’re so indifferent that day. I was expecting that you would be warm and would give me  a hint that your feelings were still there. Pero ano ginawa mo? You told me na pag-usapan namin ni Jay ng mabuti ang problema namin and it’s best for us to reconcile. Itinaboy mo ako papunta sa kanya.”

Nakakagulat. Hindi ko akalaing ganoon. Had I known ay maaaring hindi na ako tumuloy ng pagpunta ng Korea at dinala ko na lang sana si Kath kung saang lupalop ng mundo man kami mapadpad.

“So. What did I do? The moment na nag-sorry si Jay at nangakong buburahin ka niya sa isip ko eh I grabbed the opportunity. Pero ano? Nabura ka ba niya sa isip ko? Hindi… di ba? Hindi ka naman siguro tanga para ipaliwanag ko pa kung bakit ko sinabing hindi ka niya nabura sa isip ko.”

Hindi pa rin ako nagsalita. Nakinig na lang ako kay Kath.

“Sa halip na siya ang kausap ko sa mga ganitong pagkakataon, iton disoras na ito ng gabi, eh pinili kong ikaw ang kausapin. I never miss him. Not a bit. Pero ikaw… hindi kasya ang halos magdamag na magka-chat tayo. Minsan kahit sa araw tinatawagan kita.  I want to see you all the time. Tapos ngayon tatanungin mo ako kung sino ang mas mahal ko… ikaw o siya? Stupid!!! Ikaw kaya ang sumagot ng tanong mong iyan. Sige Marco. Answer your own question. Who do I love more… you or  Jay?”

“So… sorry Kath…”

“Don’t ‘sorry’ me Marco! Answer your own question!!!”

“Okay… Okay Kath. It’s clear to me. Mas mahal mo ako.”

“Gago… Ikaw lang ang mahal ko… I can’t say if I really love Jay. I just needed him. I needed somebody because you were not there.”

Nagsimulang umiyak si Kath.

“Tahimik na ako Marco. Bakit ba kasi nagparamdam ka pa ulit. Tanggap ko na hindi tayo ukol. Tanggap ko na eh. Pinapagaralan ko nang mahalin si Jay. Pero pumasok ka nanaman sa eksena.”

Kath stopped talking. She just kept sobbing. Ako naman ang nagsalita.

“Sino nga ba ang nakakaalam talaga at makakapagsabi kung ukol ba tayo sa isa’t isa o hindi? Kath… tayo ang magdedesisyon if we’re meant for each other or not.”

Nakayuko si Kath. Patuloy lang sa pag-iyak.

“Iiwanan ko si Anna. Makikipaghiwalay na ako sa kanya. Gusto ko magsama na tayo.”

Muling humarap sa webcam si Kath. Pinunasan ang kanyang luha at suminga ng bahagya.

“Ikaw… kaya mo bang iwanan si Jay?” Tanong ko sa kanya.

“Seryoso ka Marco?”

“Bakit? Nagbibiruan lang ba tayo dito? Is everything between us just a joke?”

“Paano ang mga anak ko?”

“Tatanggapin ko sila. Aariing ko bilang mga tunay na anak.”

Maraming bagay kaming pinagusuapan ni Kath. Sinabi ko sa kanya ang mga bagay na dapat naming gawin bago kami tuluyang makipaghiwalay sa aming mga asawa. Sinabi ko sa kanya na handa na ako. Hinihintay ko na lang ang kanyang magiging desisyon.

“Give me time Marco… give me time to think. Nalilito ako, Naguguluhan. I really don’t know what to say. I don’t know what to do.”

“Kath… baby… I will give you all the time you need to think. I have made up my mind a long time ago. The ball is in your court. Ikaw ang magpapasiya kung ukol ”

“Okay… Marco… it’s goodnight for now. Masakit ang ulo ko. I want to rest.”

Pinagbigyan ko ang kahilingan ni Kath.

“By the way, tomorrow’s Saturday… wala muna tayong video call. I need to go to Church early on Sunday. We have a very important activity.”

“I’ll see you on Sunday night then.”

“I’m not sure Marco. Let’s see.”

Hindi ako sigurado kung iiwanan ni Kath si Jay. Alam kong mahal niya ako pero maraming bagay siyang dapat i-consider bago siya mag-decide na sumama sa akin.

Maraming haharaping complications si Kath. Isa na doon ay ang posibleng iskandalo na haharapin namin kapag nalaman ni Jay o ni Anna ang tungkol sa amin. Kaya sinabi ko sa kanya na we would be keeping our relationship secret for some time kahit humiwalay na kami sa aming mga asawa. Isyu rin ang tungkol sa kanilang mga anak. Kapag nalaman ni Jay later na dahil sa akin kaya nakipaghiwalay sa kanya si Kath ay siguradong kapag hindi babawiin ang mga anak nila ay pagbabawalan ang mga itong makita ang kanilang ina. Kung tutuusin ay mas maraming isasakripisyo si Kath kaysa akin kung magdesisyon siyang sumama sa akin.

Pero sa tingin ko,  lahat ng mga isyung naturan ay kayang harapin ni Kath alang-alang sa akin. Gagawin niya ang mga sakripisyong iyon para sa akin. Ganoon ako ka-confident. Confident rin ako na kung mamimili lang siya between me ang Jay ay ako ang pipilian niya.

Kaya lang,  may involved na third party. Alam kong hindi lang si Jay ang karibal ko kay Kath. May kaagaw ako.

**********

Dumating ang Linggo ng gabi…

Si Kath na mismo ang tumawag. Parang mugto ang mga mata niya.

Sa study table nakalagay ang laptop na gamit ni Kath… hindi na sa kama. Ako’y sa kama pa rin nakapuwesto.

“How are you?” Ang panimula ko.

Inilapit ni Kath ang kanyang mukha sa direksyong ng webcam na gamit niya.

“I’m not okay Marco… not okay.”

“May… may I know why.”

Umiling-iling si Kath bago nagsalita.

“Sapol na sapol nanaman ako sa preaching ni pastor kanina.”

Nagsimula nanamang umiyak si Kath. Wala akong puwedeng sabihin na maaaring magpagaan ng kalooban niya. Nakinig lang nanaman ako sa kanya.

“Hindi lang kanina Marco na ganoon. Tuwing aattend ako ng midweek o Sunday service mula nang magsimula tayong to be seriously get involved with another, eh pakiramdam ko lagi ang pinatatamaan ng kung sino man ang naka-assign na mag-preach.”

Kung tutuusin, hindi si Jay ang matinding karibal ko kundi ang pananampalataya ni Kath sa Panginoon.

“Marco, are you not bothered by what we are doing?”

 Hindi man ako pala-simba eh I believe in Him. Paano ko ba sasabihin kay Kath na ako man ay may struggles din katulad ng sa kanya. But I keep asking Him for forgiveness and understanding. Para kasing itinapon ko na sa basurahan ang aking konsensya. Wala na akong gustong mangyari kung hindi iyong makasama ko si Kath.

“I can’t take it anymore Marco. Every time we do those things we did, I feel so dirty.”

Mas lumakas pa ang iyak ni Kath.

“I am sorry Kath… This is all my fault.”

“No Marco. Hindi na ako bata. May isip naman ako. May sarili akong desisyon. Ginusto ko lahat ng ginawa natin. Ginusto kong pumasok sa relasyong ito na walang pumipilit sa akin. Kaya pareho lang tayong may fault dito.”

Gusto kong bigyan ng justification ang mga ginagawa namin. Pero anong justification ang puwede kong ibigay. Puwede ko bang sabihin na tao lang ang may gawa ng lahat ng existing moral standards?

“We love each other Kath. That’s all that matters.”

“Stop that Marco. Mahal nga natin ang isa’t isa pero mali eh. Patuloy ba tayong mamumuhay sa kasalanan?”

 Puwede ko bang sabihin na mas malaking kasalanan na patuloy silang nagsasama ni Jay… at kami ni Anna… na alam naman namin pareho na hindi namin sila mahal?

“It has to stop Marco. We have to stop. Bago pa man na mabisto ni Jay… o ni Anna… o ninoman… ang mga ginagawa natin eh itigil na natin.”

Ano pa ba ang puwede kong sabihin para ma-convince ko si Kath na huwag tapusin ang relasyon namin.

“Marco… I am sorry. I am not choosing between you and Jay. I am choosing between what is right and what is wrong.”

Gusto ko sanang sabihin kay Kath na ako nama’y hindi namili sa pagitan ng kung ano ang tama at mali. Tatlo ang pinagpipilian ko – ang tama, ang mali, at si Kath. At si Kath ang pinili ko.

“Let’s just be friends  Marco. But no more calls. Let’s go back to what it used to. Puwede tayong magkumustahan once in a while pero PM na lang.”

“Kath please… allow me to still call you…”

“Marco… we both know what will happen if we still do video calls. So please… Hayaan mo na ako. Tulungan mo ako sa gusto kong gawin. Mahihirapan din ako. Nasanay na ako na lagi kang kausap at alam mo kung gaano ako karupok pagdating sa iyo. But I have to bear it.”

“Basta Kath… I will still call you.”

“If you do that Marco, I will be forced na i-block ka sa Facebook. If you will call me using your phone, I will block your number as well.”

Wala na akong masabi. Tinignan ko na lang si Kath.  Maaring iyon na nga ang huling pagkakataon na makausap ko siya.

“If you have nothing more to say, I have to end this call. Jay will be calling anytime soon. Ni-request ko iyon. Parte ng prosesong pagdadaanan ko. Sa halip na ikaw, siya dapat ang kausapin ko.”

Nasaktan ako sa narinig kong iyon. Pero ano ang magagawa ko.

“Ano, may sasabihin ka pa ba?”

Iling na lang ang naitugon ko kay Kath.

“Marco, for the last time… let me say this. I love you. But I have to learn to forget you.  Sana maintindihan mo kung bakit ko kaylangang gawin ito. I am sorry.”

“I love you to Kath.”

“Goodbye now Marco. Pilitin mo sanang matutuhang mahalin si Anna. I wish the best for the two of you.”

Wala na si Kath. If that is for good, only God knows.

I lost Kath… not to Jay… but to her strong faith.

Mahirap talagang karibal ang Panginoon. Wala akong panalo.

Siguro nga eh tama si Kath… hindi kami ukol para sa isa’t isa.

– W A K A S –

Advertisement

About M.A.D. LIGAYA

Teacher-Writer-Lifelong Learner I have three passions - teaching, writing, and learning. I am a Filipino currently residing and teaching in South Korea. I blog and vlog the things I write. I have two websites and two YouTube channels where I publish my works in my areas of interest. I also use Wattpad and Pinterest to publish my creative works. I am into research as well. Some of my articles were presented at conferences and published in indexed-journals. TO GOD BE THE GLORY!

Posted on August 11, 2021, in Creative Writing, Fiction, Infidelity, Maikling Kuwento, Prose and Poetry, Short Story and tagged , , , , , . Bookmark the permalink. 3 Comments.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: