Hindi Nga Ba Ukol? (5)
(5th of 7 parts)
“Si… sino siya?”
“You mean hindi mo alam kung sino siya Kath?”
“Damn you Marco! Why don’t you just answer me. Sino siya?”
Pagkasabi niyon eh iniba ni Kath ang puwesto ng kanyang upuan. Halos nakatalikod na siya sa akin.
“Kath…”
Hindi sumagot si Kath. Wala siyang kibo.
“Kath… It’s you. It has always been you. You know that. I should have waited for you and not hastily committed to marry Anna. Hind ako dapat nakinig kay mama noon. Dapat itinuloy ko iyong balak kong dalhin ka sa Cebu noon.”
“Stop Marco… please stop.”
“Ang dahilan kung bakit ko piniling manatili sa piling ni Anna eh wala naman akong pupuntahan. Walang Kath akong pupuntahan. Wala ka.”
“I said stop!”
“Kung magkakaroon ulit ako ng relasyon, sa iyo lang dapat. Kung hindi din lang ikaw eh huwag na lang. I l love you Kath. I still love you after all those years. I never stopped loving you.”
“ANO BA MARCO!!! SABI KO TUMIGIL KA!!!”
Pagkasabi niya niyon ay tumayo si Kath. Umupo siya sa kama. Natatanaw ko siya. Hindi siya tumitingin sa monitor ng laptop. Tinatawag ko pangalan niya pero hindi niya ako nadidinig. Nakasaksak ang earphone sa laptop.
Hindi ko pinagsisihan na sinabi ko lahat ng iyon kay Kath. Lahat ng sinabi ko ay totoo. Hindi nawala ang pagmamahal ko kay Kath. Hindi ko lang sinabi iyon the last time we talked kasi very playful ang mode namin noon. That was not the right time to say it.
Binalikan ako ni Kath. Inilagay ulit sa kanyang tenga ang kanyang headset.
“Marco… do you know what you’re doing?”
Napaisip ako matapos sabihin iyon ni Kath. Alam ko namang pareho kaming married. Pero bakit ko piniling sabihin lahat ng iyon kay Kath.
“Naririnig mo ba ako Marco… I am asking… Do you know what you’re doing?”
“I do know Kath. I know what I am doing. I’m old enough to know what I am doing?”
“Okay… What are you doing?”
Seryoso si Kath.
“I am being honest about how I feel for you.”
“NO!!! Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo? Ginugulo mo ang tahimik kong buhay. Ginulo mo ako noon… ginugulo mo nanaman ako ngayon.”
After saying that, Kath dropped the call. Hindi ko masasabing galit si Kath nang sabihin niya iyon. Ang nakita ko sa kanya ay parang struggle. Nahihirapan siya. Nalilito.
Gusto kong tawagan ulit si Kath. But I chose not to. Baka kasi lalo siyang magalit… halimbawa mang galit nga iyong nakita kong emotion niya.
Nahiga na lamang ako.
Tama naman si Kath. Tahimik na ang buhay niya at heto ako parang ginugulo ko nanaman siya. Nanaman dahil katulad noong naging intern ko siya eh wala siyang gustong gawin noon kundi magtrabaho at simulant ang kanyang career. At ano ang ginawa ko? Hinayaan kong mahulog ang damdamin niya sa akin samantalang alam ko naman na kasal na ako noon kay Anna.
Bakit nga ba ako na in love kay Kath? Dahil ba sa may problema kami noon ni Anna at nangangaylangan lang ako noon ng taong makikinig sa akin… ng taong makakaunawa sa mga pinagdadaanan ko noon? Dahil ba sa nakita ko kay Kath iyong mga qualities na gusto ko, qualities na wala kay Anna?
Hindi eh. Kahit siguro noong panahon na iyon ay wala kaming problema ni Anna, I would still fall in love with Kath. Napakadaling ma in love kay Kath. She is very smart and pretty. And she is more than beautiful. She is charming and sweet. Clingy. Kapag kausap ko siya noon eh parang ayaw kong matapos ang paguusap na iyon. Hindi lang naman tuwing may problema lang kami ni Anna na saka ko lang siya kakausapin. Iyon bang excited akong makarating noon sa opisina dahil alam kong nandoon siya.
Napakswerte lang ni Jay at siya ang pinakasalan ni Kath. Pero parang gusto kong subukang agawin sa kanya si Kath. It sounds ridiculous pero iyon ang gusto kong gawin.
Pero mukhang sablay ang naging first move ko. Mukhang natuliro ko si Kath. Parang I forced the issue at mukhang na-turn off siya. Sana naghinay-hinay lang ako.
*****
Hating-gabi na. Naisip kong baka tulog na siya. Minabuti kong huwag na lang siyang tawaga ulit. Parang nawalan ako ng confidence na tawagan siya.
Nagpasiya akong matulog na lang. Pero ko sana i-off ang laptop ko ang nagsend ako ng message kay Kath sa Facebook Messenger. After saying sorry I told her not to worry anymore dahil iyon na huling tawag ko sa kanya. Sinabi kong kahit kaylan eh hindi ko na siya guguluhin.
Hindi niya sinagot ang message ko… nag-video call siya.
I accepted the call.
Napakatagal bago may nagsalita sa amin.
“Kath…”
“O…”
“I’m sorry for telling you all those. Hindi ko intention na guluhin ka, na guluhin ang tahimik mong buhay.”
“Ginawa mo na, nagulo mo na… nagulo mo na isip ko.”
Dapat ko pa bang tanungin kong bakit nagulo ko ang isip niya. Malinaw. Mahal pa rin niya ako. Aminin man niya o hindi, tiyak kong mahal pa rin ako ni Kath.
“O ano Marco masaya ka ba na ginugulo mo ako?”
“Kath…”
“O… ano ba!? Kath ka lang ng Kath. Wala ka na bang ibang sasabihin?”
“Again… I am so sorry that I told you what I told you.”
“So… What could your sorry do?”
“Gusto ko lang naman na mag-reconnect tayo. Gusto ko lang na makausap ka ulit palagi katulad noon.”
“Bakit? Hindi mo ba puwedeng kausapin si Anna? Kausap lang pala ang gusto mo eh.”
“Nakakausap ko naman siya.”
“Oh, why do you still need to talk to me?”
“Kath… Hindi pa ba malinaw sa iyo? I long for your presence. It’s not that I want to talk to you. I want to see you.”
Umiling-iling si Kath. Medyo matagal bago siya sumagot.
“Marco… bakit ba kasi ayaw mo pa akong tantanan. Puwede bang hayaan mo na lang ako. Kalimutan mo na lang ako.”
“I tried to forget you Kath. God knows I tried.”
“Then?”
“Kath… I failed. I miserably failed.”
Totoo iyon. Sinubukan kong kalimutan si Kath pero ang hirap talagang gawin.
“Okay. Walang akong magagawa kung talagang ganyan ang nararamdaman mo sa akin. Pero don’t expect anything from me. I am a married. We’re both married. We both have children.”
“Naiintidihan ko.”
“What we have now Marco is nothing but friendship.”
“I understand. But please allow me call you kahit once a week lang.”
“Once a week lang pala eh. Walang problema.”
“Thank you Kath. I love you.”
“Marco… as I said. What we have is nothing but friendship.”
“Why Kath? Can’t friends not say I love you to one another?”
“Palusot ka pa ha.”
“Hindi ah. What I said is true. Friends do say I love you to one another.”
“Okay… okay… I love you too my friend.”
Nangiti ako sa narinig ko at hindi iyon nalingid kay Kath.
“Hoy… bakit nangingiti ka diyan. What I said is clear… may friend sa dulo.”
“Yeah… yeah. Fair enough for me.”
“Sige na Marco. Let’s talk some other time. It’s very late now. Kaylangan kong gumising ng maaga. May pasok mga bata.”
“Ow sorry… kinain ko na oras mo.”
“No worries Marco.
“Okay Kath! Thanks for the time. See you soon. Sleep well.”
“I’m not sure of that Marco. We’ll see. I’ll drop the call now. Good night.”
**********
In the next two weeks ay nagkaka-video call kami ni Kath sa gabi kapag tulog na ang mga anak niya. Excited kaming nagkuwentuahan tungkol sa mga bagay na nangyari sa bawat isa sa amin since the last time na nagkita kami before ako pumunta dito sa South Korea.
Naging member daw siya ng isang Christian group kung saan siya uma-attend ng mid-week at Sunday worship. Very active daw siya sa church na iyon. Umaattend din daw doon si Jay kapag siya’y nagbabaksayon doond sa Pilipinas.
Sa parte ko naman ay sinabi ko sa kanya na sineryoso ko ang aking pagsusulat at nag-create ako ng website para sa mga sinusulat ko. At nasorpresa ako ng sabihin niyang alam niya ang tungkol sa website.
“Aaminin ko na updated ako sa mga posts mo sa website. Binabasa ko ang mga sinusulat mong tula at mga kuwento.”
“Ibig sabihin eh, alam mong ilan sa mga kuwento at tula ko ay tungkol sa iyo… tungkol sa nararamdan ko sa iyo.”
“Ayaw kong mag-assume Marco.”
“Are you playing naïve Kath?”
“Ayaw ko nga lang mag-assume. Ano ba?” Why don’t you just tell me?”
“Yes Kath. Whenever I need an inspiration or a motivation to write poems and stories. Iyong memories natin ang pinghuhugutan ko. Whatever emotion I need to portray … joy… love… pain… and what have you, I think of you. I think of the ‘we’. I mean iyong tayo na hindi nangyari.”

Posted on August 4, 2021, in Creative Writing, Fiction, Maikling Kuwento, Prose and Poetry, Short Story and tagged Creative writing, Fiction, Maikling Kuwento, Prose and Poetry, Short Story. Bookmark the permalink. 2 Comments.
Pingback: Hindi Nga Ba Ukol? (4) | M. A. D. L I G A Y A
Pingback: Hindi Ukol (Closure) – MUKHANG "POET"