Hindi Nga Ba Ukol? (6)
(6th of 7 parts)
“Well said… isa ba iyan sa mga inihanda mong speech para ma in love ulit ako sa iyo?”
“Bakit Kath… hindi ka ba in love.”
“Here we go again… Marco… we’re just friends now. Nothing more… nothing less.”
Tumahimik na lang ako matapos sabihin iyon ni Kath.
“Pero Marco… sino iyong tinutukoy mong puting rosas doon sa tula mong “Sa Hardin ng Puso Ko”?
Totoo ngang binabasa ni Kath ang mga tula ko. Alam niya ang ganoong ka-specific na detail sa tula kong iyon.
“Kath… obvious naman siguro na ikaw iyon di ba.”
“Ewan ko sa iyo Marco. Ewan ko sa iyo.”
**********
Mula noon, ang once a week naming video calls ay naging twice a week, minsan nga ay thrice. May mga pagkakataon na siya na mismo ang tumatawag sa akin. Minsan nga kahit hindi gabi ay nagugulat akong bigla na lamang siyang tatawag.
“O Kath, natawag ka. What’s up?”
“Sorry naabala yata kita… sige na cut ko na itong call.”
“No… no… no… Please don’t. Break ko ngayon. Nandito ako sa isang coffee shop. Balik ako sa office after 20 minutes.”
“Okay. What time ka uuwi mamaya?”
“You know my schedule Kath.”
“Ah yeah… Today’s Wednesday. You be home by 7:00 PM.”
“Yes baby!”
“BABBYY!? Me?”
“Yeah. Okay lang ba Kath kung tawagin kitang baby?”
“Magtigil ka nga Marco.”
“Sige na… just let me call you baby.”
“Bahala ka nga.”
“YEESS! Teka bakit nga pala natawag ka?”
Hindi sumasagot si Kath.
“Aha! Alam ko na. Miss ako ng baby ko.”
“Assuming ka Marco.”
Alam ko naman kung bakit tumawag si Kath. Hindi na niya kaylangang sabihin.
“Hoy Marco… sino iyang babae sa likod. Tingin ng tingin sa iyo ah.”
“Malay ko. Gusto mo tanungin ko pangalan?”
“Sira… Siguraduhin mo lang na hindi mo kasama iyan ha.”
“No baby. I don’t know her.”
“Okay Marco. I know you still need to go back to work. Ako naman eh preparing to attend our mid-week service sa church.”
**********
That night, excited akong tinawagan ulit si Kath. Katulad ng dati ay nagsend muna ako ng PM sa kanya.
“Hello Kath! Puwede po bang tumawag?”
Dati, it would take only a few seconds for Kath to respond indicating na hinihintay niya talaga na magparamdam ako. That time, ilang minuto na ang lumilipas ay hindi siya sumasagot. “Not seen” ang status ng message kong iyon.
Maraming bagay ang naglaro sa isip ko. Baka nakatulog siya o busy with something. O baka nagkaproblema at dapat niya ito ayusin.. O baka ayaw niya lang talaga akong kausapin.
After an hour, muli akong nagmessage.
“Kath… if there is something wrong… please tell me. But if you have just fallen asleep eh okay lang. I’ll just see you tomorrow. Goodnight baby.”
Nahiga ako pero hindi ako dalawin ng antok. Maya’t-maya eh tinitignan ko ang aking FB messenger checking if she has already responded. Pero wala.
**********
Hating-gabi na nang naglakas-loob akong tawagan siya sa Messenger.
Sinagot niya.
“Are you okay Kath?” Ang bungad ko sa kanya.
Umiling-iling siya.
“May I know why?” Ang tanong ko.
Matagal bago siya sumagot.
“Marco…”
“Sige lang… I am listening.”
“Marco… let’s stop this. Please stop calling me.”
“Why? Kanina nang tumawag ka okay naman tayo ah. Why all of a sudden eh ganito…”
“I’m sorry Marco… Ang tindi ng tama sa akin ng preaching ni pastor kanina. Sapol na sapol ako.”
“Bakit ka naman nasapol?”
“Can’t you see Marco? I long for your presence more than I long for Jay’s presence. Dati nag-uusap kami almost every night. Then you came back to my life. Now, I’d rather talk to you than to him.”
Natutuwa akong marinig ko iyon. Iyon ay isang pag-amin na mahal niya ako… na mahal pa rin niya ako hanggang ngayon. Pero hindi lubusan ang saya kong iyon dahil nararamdaman ko ang struggles ni Kath.
“Heto nanaman ako Marco. Nagpapakagaga sa iyo. Bakit ba pagdating sa iyo eh ang rupok-rupok ko.”
Hinayaan ko lang magasalita si Kath. Nakining lang ako.
“Tahimik na kasi ako noon Marco. Bakit kasi hindi mo na lang ako kinalimutan? Bakit kinulit mo pa ako ng kinulit? Kasalanan ko naman eh. I could have chosen to disengage earlier from that conversation when you greeted me on my birthday. Bakit kasi hinayaan ko na humaba ang paguusap natin noon? Bakit kasi sinagot ko iyong video call mong iyon?”
Pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon eh may namagitang katahimikan sa pagitan namin.
“Mali itong ginagawa natin Marco. Tigilan na natin ito. Kalimutan mo na ako.”
“Kalimutan ka Kath? Sabi ko nga sa iyo di ba. Sinubukan ko. Pero ang hirap mong kalimutan. And I think I will never ever do that. I am sorry. I love you baby.”
Nakita kong tumitig direkta sa webcam ng laptop niyang gamit si Kath. She probably searched for my eyes.
“I love you too Marco… I love you. May God forgive me… but I love you.”
**********
Almost every night na kami nagkakausap ni Kath since then. Minsan kahit sa araw ay bigla na lang siyang tatawag… ganoon din ako. Kapag nami-miss ko siya eh tatawag ako at kahit sandali eh maguusap kami.
Kung naglalakbay kami sa dagat eh masasabi kong lumaot na kami ng lumaot ni Kath. Hindi na namin tanaw ang dalampasigang pinanggalingan namin. At hindi din ako nakakatiyak kung gusto pa namin bumalik sa dalampasigang iyon.
Isang gabi…
“Marco… gaano katotoo na mula nang mapunta ka diyan eh hindi ka umaano?”
“Umaano? Ano iyon?”
“Sus… akala mo naman hindi niya alam kung ano sinasabi ko. O sige… dyugdyug na lang. Mula ba noong nag-Korea ka eh hindi ka naka-dyugdyug?”
“Sabihin ko mang hindi eh maniniwala ka ba?”
“Mahirap lang paniwalaan… sa ano mong iyan eh parang imposible.”
“Sa ano? Anong ano sinasabi mo?”
“LIBOG… Sa libog mong iyan eh parang imposibleng hindi ka umaano diyan.”
“Sabi nang hindi nga eh… Kung gusto kong tumikim ng babae dito eh may pambayad naman ako. Kayang-kaya ng budget ko. Puwede ring akong manyota ng mga babaeng Pinay dito kung gugustuhin ko.”
“So… how do you… you know.”
Natawa ako sa tanong na iyon ni Kath.
“Selfie. Do you get what I mean.” Sagot ko.
“Sus, pa-cute ka pa. Ayaw pang sabihin masturbate.”
Nagtawanan kaming dalawa.
“Ayon na nga… Nagse-selfie ako Kath. Not necessarily dahil horny ako. Kaylangan kong i-realease iyon. Naniniwala ako na one way of avoiding prostate cancer eh there should be a certain number of times na mag-ejaculate ang lalaki.”
“Talaga?”
“Yes Kath. That’s the only reason I need to do it. Kaya nga ako twice a week mag-selfie.”
“Do you need stimulation kapag gagawin mo iyon?”
“Yeah… may mga adult websites akong pinupuntahan whenever I have to do it.”
“Ay… kadiri ka Marco.”
Nagtawanan ulit kami ni Marco.
“By the way Kath, I hope you don’t mind me asking. Ikaw… do you…”
Parang nahiya akong ituloy ang tanong na iyon.
“Masturbate? Do I masturbate? Is that what you want to ask?”
Tumango ako.
“No! During the first few days of Jay sa barko eh minsang sinubukan naming gawin iyon online.”
“Kath…You mean cybersex.”
“Yup Marco. But I wasn’t able to attain orgasm. I don’t know why. Kaya hindi na namin inulit.”
“Kath…”
“Yes Marco.”
May iba akong naramdam dahil sa pinaguusapan namin.
“Why Marco? Are you okay?”
“Ahh.. sorry Kath. I just felt something.”
“What is it?”
“Never mind Kath. I’ll be fine.”
“No Marco… tell me what you feel.”
“I said never mind Kath.”
“Marco… I said tell me.”

Posted on August 9, 2021, in Creative Writing, Fiction, Infidelity, Maikling Kuwento, Prose and Poetry, Short Story and tagged Creative writing, Fiction, Infidelity, Maikling Kuwento, Prose and Poetry, Short Story. Bookmark the permalink. 1 Comment.
Pingback: Hindi Ukol (Closure) – MUKHANG "POET"