Blog Archives

Free Verse

poet

I am free to verse
Verse the way I want
Verse away from meter
Verse away from rhyme

I versify my heart
I versify my mind
Verse when hurt
Verse when glad
I verse whenever I want

I am free
My verse is free
I verse what I want
I verse the way I want

ON BEING A POET

M.A.D. LIGAYA's avatarM.A.D. L I G A Y A

poet

It’s never easy.

The literary genre most difficult to produce is the poem. Imagine putting together the elements of rhythm, rhyme, sound and imagery, not to mention the need to have a formidable vocabulary.

Writing stories may also have maze-like intricacies because mixing in bowl the elements of fiction within the bounds of the plot  is not a walk in the park.  But fiction writers have the luxury of using a lot of pages to serve their purpose. Leo Tolstoy needed more than half a million words for his novel “War and Peace.”

Conversely, a poet has a single page, sometimes not even the whole of it, to capture vivaciously and vividly the emotions and thoughts pervading within or around him. The Japanese, through their Haiku, would do it in a single-stanza poem with three lines consisting of a total of 17 syllables.

What adds difficulty when poets thread the…

View original post 421 more words

SMILE

 

smile

Smile…
shrouds the pain
conceals a strain

Smile…
clouds a sore
veils the real score

Smile…
could be sweet and authentic

But sometimes smile’s roguish

It could be a facade…
a dangerous camouflage

It could be a gift…
wrapped by a Greek

SMILE!!!

Huli Na Ang Lahat

boy

(Inspired by Bruno Mar’s “When I was Your Man”)

Kamang higaan ko biglaang lumuwag
Walang katabi’t sa aki’y yumayakap
Kanta natin noon na dulot ay galak
Kapag ngayon nadinig ako’y naiiyak

Kapag pangalan mo’y aking nadidinig
Magugunita naglaho mong pagibig
Walang magagawa kundi ang pumikit
Luha’y aagos magsisikip ang dibdib

Kung yakap sa iyo’y aking hinigpitan
Kung panahon ko sa iyo’y inilaan
Kung ng bulaklak kita ay hinandugan
Baka sakaling ako’y ‘di mo iniwan

Nakalimutang kita’y pahalagaan
Pinabayaa’t hinayaang masaktan
Hinayaang magdusa’t mata’y luhaan
Kaya’t nagpasya ka na ako’y iwanan

Nang mawala ka kita’y pilit hinanap
Ninais kong sa iyo’y magpaliwanag
Nanalanging hindi pa huli ang lahat
Tanggapin muli ako at mapatawad

Sa pasyalan natin kita’y pinuntahan
Nagbakasaling kita’y matagpuan
Sa nasumpungan labis akong nasaktan
Yakap ka ng iba’t masuyong hinahagkan

Pain’s But A Myth

Venomous pain the Algea injectedsad-woman
In anguish and torment my soul screamed
“Journey to dreamland” Hypnos muttered
“Drown misery in my lake of dreams.”

But Dionysus countered “Visit my vines,
Feast upon my sweet magical grapes
Submerge anguish in the lake of wine
Dream not in languor but while awake.”

Aphrodite said “I’ll bring Helen
She can kiss your anxieties away,
Frolic with her in Dionysus’ haven
While I hold Menelaus at bay.”

When Thanatos arrived he whispered –
“Down there anxieties have no domain
Hold tight my hands waiting is Hades
Let death vanquish distress and pain,”

Rhea came last took my hand and smiled
Her turret crown beamed comfort and ease
On her laps I cuddled like a child
Then she told me “Pain’s but a myth.”

H’wag Nang Itanong

love

(Inspired by John Farnham’s “Please Don’t Ask Me”)

Tatanungin mo pa ba laman ng isip
Batid mong ‘ngalan mo dito’y nakaukit
Batid mong masidhi ang aking pananabik
Na makita ka’t mayakap nang mahigpit

Tanong mo ay bakit ‘di kita lapitan
Kung sabik ako’y bakit ‘di kita hagkan
Sa halip yumakap kita’y nilayuan
Takot na pagtangi ko’y iyong malaman

Sa gabi ang diwa ko’y gising na gising
Ngiti mo’y ilaw sa silid kong madilim
Pagpikit ng mata’y kita na’y kapiling
Nagkukunwari na pwede kang angkinin

Sa pagkukunwari’y lalo lang nasasaktan
Ngunit hindi pwede na iyong malaman
Kaya’t mahal man kita’t pinananabikan
Sapat nang sa malayo kita’y pagmasdan

Kung bakit sana ay h’wag akong  tanungin
Kung mahal kita’y bakit ayaw kong sabihin
Kung malaya lang akong kita’y ibigin
Pagmamahal sa ‘yo di ibubulong sa hangin

Muling Mahalin

sad

(Inspired by Air Supply’s “Here I Am”)

Kahit anong gawi’y ‘di mapigilan
Na ang nakalipas muli kong balikan
Ala-ala mo’y naging aking kulungan
Ako’y sawing aliping sunud-sunuran

Tamis ng halik mo sa labi’y tumatak
Heto’t ramdam ko pa mahigpit mong yakap
Bakit ganito kahit saan sumulyap
Mata ko’y ikaw ang tanging hinahanap

Pinilit na kita’y sa limot ilibing
Ang mawala ka’y pinilit na kayanin
Ngunit nang ika’y malayo na sa akin
Mundo ko’y tumigil biglaang dumilim

Mabuhay nang wala ka’y aking sinubukan
Sinikap kong tanggapin ang iyong paglisan
Ngunit ala-ala mo’y ayaw akong iwan
Tinik itong bumaon sa aking isipan

Pangungulilang paigting nang paigting
Pinipilit man ay di ‘na kakayanin
Mahirap mabuhay nang di ka kapiling
Naninikluhod akong muli mong mahalin