Blog Archives
DELILAH
Based on Tom Jones’ “Delilah”
Buhay ang ilaw mo nang ako’y dumaan
Bukas mong bintana’y dagling nilapitan
Humihip ang hangin kurtina’y hinipan
Tagpong bumulaga ako’y ginulantang
Kambal-tukong anino sa aking harapan
Sumasayaw sa indayog ng kataksilan
At nang marating rurok ng kaliluhan
Luha’y sinalubong inyong kagalakan
Nanginig ang tuhod palayong humakbang
Ngunit impit mong tili ako’y sinundan
Katawang umindayog sa kahalayan
Umukit sa isip ayaw akong tantanan
Ako’y kumatok pintuan mo’y binuksan
Ako’y pumasok s’ya nama’y nagpaalam
Nang kita’y tanungin ako’y tinawanan
Ngunit tahimik ka nang punyal ko’y hawakan
Saan nga ba Delilah ako nagkulang
‘Di ba’t buhay ko sa iyo nakalaan
Nagtitiis kahit iyong sinasaktan
Ngunit ‘di tatanggaping iyong pagtaksilan
SIYA

(Inspired by Air Supply’s “Come What May”)
Palaisipan akong mahirap arukin
Isang suliranin na dapat lutasin
Sakit sa ulo na mahirap liripin
Ngunit siya ako’y kayang unawain
Sa mga sandaling ako’ nahihibang
Siya’y nasa tabi’t ‘di ako iiwan
Kapag ako’y nagapi ng karuwagan
Nang tapang sa kanya ako’y humihiram
Inibig ako nang walang agam-agam
Pagtangi niya’y walang gamit na sukatan
At kaylan ma’y hindi ako hinusgahan
Kapintasa ko’y pinagkibit-balikat lang
Kapag hinampas ng alon ng kahinaan
Lumilisan ako nang walang paalam
Basta ako’y kanya lamang hahayaan
Batid niyang siya’y aking babalikan
Sa tulirong isip siya ang katinuan
Sa bugtong ng buhay siya ang kasagutan
Kamay niya’y mahigpit nang hahawakan
Habang buhay ako’y ‘di na bibitawan
Mas Nanaisin
(A poem inspired by Vandross’ “I’d Rather”)
Tila naubos ang pulot sa sisidlan
Ngiting matamis biglang naging matabang
Tala man sa mata’y nawala ang kinang
Nanlamig mong kamay ayaw nang hawakan
Lito ako’t nagpasyang ika’y lisanin
Pilit na tinuldukan ang kwento natin
Ngunit nang ikaw ay malayo sa akin
Naging marubdob sa puso ang panindim
Pumasok ako sa pintuang bumukas
May ngumiti at sa akin ay yumakap
Siya’y ‘di ikaw kaya’t dagling lumabas
Aamining ikaw ang aking hinahanap
Mas nanaisin pala na kamay mo’y hawak
Kasinglamig man ng nyebe ang iyong palad
Hindi baleng ngiti mo sa tamis ay salat
Dulot nito sa puso’y walang hanggang galak
Mas nanaising nasa gitna ng dagat
Hampas-hampasin man ng along mataas
Handang magpaduyan sa hanging malakas
Basta’t kasama kitang hawak ang layag
Heto’t naninikluhod sa ‘yong harapan
Nakapinid na puso’y muli mong buksan
Kapag nang patawad ‘di mo gagawaran
Mas nanaising mapag-isa na lamang
Don’t Smile

Don’t smile
To shroud the pain
To conceal the strain
Don’t smile
To stop the bleeding of the heart
Smile not
Neither to cloud a sore
Nor to veil the real score
Offer not your smile as a gift…
Grinned from the cheeks of a Greek
Don’t wear it as a facade
…a dangerous camouflage
Pick not your smile
From the vines of sore
Let it fall
From the tree of joy
The Beat of the Climb
Breeze whistles
Branches creak
Leaves rustle
Birds sing
Crickets chirp
Beasts scream
Heart pounds
Joints crack
Muscles pop
The huffs
The puffs
Never stop
UPS AND DOWNS

Love you said was a roller coaster
Treacherous switchback it bestrides
Swirled up and twisted you under
You grinned and cried but loved the ride
Cried the tears of pain and delight
Just ride again when love rolls down
By then you know the twists and turns
Buckle up in delight be drowned
Before downwards the ride returns
Expect the many ups and downs
Expect the twizzles and the twines
When spun and twirled never whine
Sit tight never ever let go
Hold still and roll on with the flow
KAPAG UMIBIG

Winika ni Balagtas ating balikan
Pag-ibig daw labis makapangyarihan
Kapag pinana’t sa puso’y tinamaan
Utak ay lumilipat sa talampakan
Wika nila’y kapag tumibok ang puso
Pupungay ang mata tutulis ang nguso
Lutang at tulala parang tinotoyo
Nagiging pasaway tumitigas ang bungo
Kapag umibig lahat ay sasawayin
Mga bilin ni nanay ‘di papansinin
Upang ang kasintahan ay makapiling
Mataas man ang bakod ay aakyatin
Basta’t ang pag-ibig ay masunod lamang
Basta’t kasama mahal na kasintahan
Tatakas at lahat ay tatalikuran
Kakalimutan maging mga magulang
Animo’y bawal na gamot ang pag-ibig
Kapag tinamaan ka’y t’yak na maaadik
Harangan ka man ng sibat o ng kampit
Bisig ng sinta mo’y yayakaping pilit
Kaya’t kapag umibig ay kaiingat
Hangin ang pag-ibig ika’y ililipad
Minsan ay dadalhin ka sa alapaap
Minsan ay sa batuhan ka ibabagsak
