Category Archives: Tula
Salamin
Aking salaming nakasabit sa dingding,
Samo ko ay laging ibulong sa akin,
Na dungis ng iba, bago ko punahin,
Uling sa mukha ko dapat ay linisin.
Turuan mo nga akong maghunos-dili,
Na h’wag perpekto kung tignan ang sarili.
Pagsabihan ako na h’wag magmapuri,
Kasi ako ma’y puwedeng magkamali.
Sabihin mong wala akong karapatan
Na kapwa ko tao ay aking pulaan,
Dahil ako ma’y maraming kakulangan –
Pagkatao ko’y tadtad sa kapintasan.
Sa tuwing kita’y lalapitan sa dingding,
Paalalahanan ako oh salamin
Na sariling buhay ko’y dapat ayusin
At h’wag buhay ng may buhay ang punahin.
Sana’y tulungan mo akong unawain,
Na oras akin lamang sasayangin
Kung kakulangan ng iba’y laging papansinin
At pagkakamali nila ang laging hahanapin.
Pilitin mo namang ituro sa akin
Na galit sa puso’y hindi ko kimkimin,
Na inggit sa limot lagi kong ilibing,
Na kapwa-tao’y lagi kong unawain.
Oh salamin ako’y paalalahanan
Na dapat saliksiki’y tamang katwiran
Na kung tamang landas… aking dadaanan
Panginoong Diyos ako’y gagabayan.
MANALANGIN
Buksan ang bintana’t, kurtina’y hawiin
Pagsikat ng araw iyong salubungin
Kapag dumampi na ang sariwang hangin
Pumikit ka na’t umusal ng panalangin.
Ibulong sa hangin ang iyong hiling
At manalig sanang ikaw ay didinggin.
Pasasalamat sa Kanya’y iparating
Pagpapatawad Niya’y iyong hilingin.
Ibulalas sa hangin, iyong hinaing
Ipanalanging ito’y Kanyang lusawin.
Dusa’t kabiguan mo’y ibuga sa hangin
Sa iyong isipa’y burahi’t limutin.
Taimtim sanang manalangin sa Kanya
Kung ika’y naligaw, manumbalik ka na
Muli mong balikan ang tahanan Niya
Kung ikaw ay kakatok, pagbubuksan ka.
Matuto ka sanang tumawag sa Kanya
Nang ika’y puspusin ng saya’t pag-asa
Sa Kanya’y sumandal, manampalataya
Bubukal sa balon mo’y maraming biyaya.
Isang Pagninilay
Sa bundok ng Golgota’y umakyat
Pinasan ang krus hirap na hirap
Ikatlo ng hapon nang maganap
Pagkakatawang taong nagwakas
Kasalanan ay koronang tinik
Sibat na tumusok sa gilid
Kay Hudas tayo ay ang naghatid
Nang sa Mesiya s’ya ay humalik
Hinayaang si Hudas magtaksil
Di ba’t kusang loob nagpakitil
Utang nati’y sa Kanya siningil
Ang utang nating mga nagtaksil
Di ba’t dugo n’ya’y ipinanlinis
Sa pagkatao nating madungis
Kusang loob buhay ibinuwis
Nang tayo’y makapiling sa langit
DAHIL SA BIGAS, NOODLES, AT SARDINAS
Kung noong may pagkakataon kang magsikap
… pagkakataong mag-ipon
Eh nag-ipon ka.
Nagtabi.
Kung noong tag-araw
Sa halip na sa ilog naligo’t nagtampisaw
Ikaw sana’y namingwit.
Ang nahuli mong isda…
hindi lahat kinain.
Ang iba sana’y ginawa mong daing.
Kung noon ika’y nagsuksok
Ngayon sana ika’y may madudukot.
Ngayon sana’y hindi ka parang kawawa
Nagmumukhang timawa.
Aasa ka ngayon sa ibibigay
ng munisipyo… ng barangay.
At kapag hindi ka nabigyan…
Sa ano mang kadahilanan
Magagalit ka.
Ika mo…
MGA WALANGHIYA KAYO!!!
NASAAN ANG BIGAS KO…
ANG DE-LATA KO…
ANG NOODLES KO?
Nagkakandalaiti ka.
Halos sumabog ang iyong ngala-ngala.
Halos malagot ang lahat ng litid mo sa lalamunan.
Isinumpa mo ang pamahalaan.
Nanakot ka pa na hindi mo na iboboto si mayor… si kap.
Susme.
Eh ‘di huwag!
Ika mo pa…
YOU”RE SO UNFAIR KAP!
WALA KANG KUWENTA!
Bakit sila meron, ako wala?
Eh ano ang gagawin kung naubos na.
Hindi lahat mabibigyan.
Sa dami ng nangangaylangan.
Maghintay ka lang.
Baka sa susunod ikaw naman.
At FYI mare… pare
Hindi isang karapatan
ang bigyan.
Ang tanong kasi –
Bakit kaylangang mong manghingi?
Bakit kaylangan mong bigyan?
Bakit kaylangan mong iaasa ang iyong buhay
sa limos, sa donasyon, sa bigay?
Walang-wala ka ba talaga?
Sobrang gipit?
Sa gutom mamimilipit
Kapag walang relief?
Eh bakit nagkaganoon?
Bakit hindi mo ito pinaghandaan?
Bakit sa halip na ikaw ang tumulong
eh ikaw pa ang dapat tulungan?
Bakit ang pagkaing ihahandog mo sa hapag…
Ang kanin at ulam na isusubo ng asawa mo’t mga anak.
Eh kaylangan mong iaasa kay mayor o kay kap?
Noon kasing wala pang COVID…
Noon kasing wala pang krisis…
Ano ang ginawa mo? Papetiks-petiks.
Painom-inom… patong-its tong-its.
Kaya hayan tanging ang pag-asa mo ngayon eh relief.
Makikapagkagalit ka
dahil sa ilang piraso ng noodles at sardinas,
dahil sa ilang kilo ng bigas.
Nasaan ang iyong dignidad?
Paano kung ang krisis matagal matapos?
Paano kung ang gobyerno wala na sa iyong ilimos?
Paano kung wala nang magbigay ng noodles at sardinas?
Paano kung wala nang magpamudmod ng bigas?
Ano na?
Game over ka!
Nganga!!!
At iyon namang ilang tao diyan
Na alam nating may mapagkukunan
Bakit pati kayo eh gusto pang maambunan?
Bakit pati kayo eh kaylangan pang tulungan?
Mare… pare
Ikaw na de-kotse
Wala na ba kayong bigas?
Talaga lang ha.
Sawa ka na ba sa baka at salmon
Sawa ka na ba sa hamon
Sa sobra bang sarap ng ulam ninyo
kaya sa noodles at sardinas nasabik kayo?
CORONAng Tinik
CORONAng tinik
Bumaon ka sa aming anit.
Pangamba ang iyong hatid
Sa buhay namin ika’y balakid.
CORONAng tinik.
Kami’y naghihinagpis!
Sa takot ay alumpihit!
Heto kami’t nagkukulong lang sa silid,
Nangangambang kami’y iyong madagit,
Nandiyan ka lang kasi’t aali-aligid.
CORONAng tinik
Lubha kang malupit.
Wala kang kasing-bagsik!
Kay kamatayan ika’y nagpagamit,
Nagsilbi kang kanyang karit.
Oh mahabaging Amang nasa langit
Kami’y naninikluhod… tumatangis
Tanggalin ang CORONAng tinik
Na sa aming ulo’y nakasabit.
Halik Sa Pisngi

Nagpaliwanag.
Humingi ng tawad.
On Writing Poems
It’s challenging, to say the least.
For me, the literary genre most difficult to produce is the poem. Putting together the elements of meter, rhyme scheme, sound and imagery is not easy. It would take more than creativity to express thoughts and feelings using the most appropriate figures of speech.
My best poems are written in Filipino. I’ve been trying to write good ones in English but I have to admit that it’s a mighty struggle. I’m not sure if for example the following quatrain makes sense:
Whisper your woes on the flicker
Cover it with dried leaves and twigs
Whisper till the flame grows taller
Let it burn your anguish and grief
I have no problem with free-verse but my dream is to walk gloriously the “rhymed” and “metered” path while holding the hands of either Erato or Euterpe.
One time I tried to mix Greek mythology and poetry and this is what came out:
Writing stories is just as difficult because mixing in a bowl the elements of fiction within the bounds of the plot is not a walk in the park. But fiction writers have the luxury of using a lot of pages to serve their purpose. Leo Tolstoy needed more than half a million words for his novel “War and Peace.”
Conversely, a poet has a single page, sometimes not even the whole of it, to capture vivaciously and vividly the emotions and thoughts pervading within or around him. The Japanese, through their Haiku, would do it in a single-stanza poem with three lines consisting of a total of 17 syllables.
What adds difficulty when poets thread the rhyme zone is that they can not walk the path of sadness while wearing a smile. Neither can they frolic in the lake of happiness while riding the canoe of sadness.
Pain begets pain, joy engenders joy. This is seemingly the prevailing mood in the realm of poetry. Rare are the crying clowns who can masterfully inject sadness into the veins of their poems while they are cracking a joke.
The melancholic lyre sounds best when played by a poet who in one way or another licked some emotional wounds sometime ago in a desolate room. On the other hand, the trumpet of merriment can best be blown by a poet who has journeyed the clouds of ecstasy.
But life is a masterful musician who teaches poets to play both the melancholic lyre and the trumpet of merriment. Life enables a poet to play any of the said instruments at any given time.
If a poet intends to paint his canvas with gloom then he can easily prick an old emotional wound until it bleeds sadness. He can walk down memory lane and revive the pains inflicted by either a person or an event he would rather forget. That’s not masochism but rather a form of sacrifice, the poet ought to feel what he intends to write.
Conversely, it is from the same memory lane where the poet could revisit the happiest moments in his life if it is the lovely colors of joy he wants to be seen in his canvass.
That‘s the beauty of being a poet. Poets can switch with ease to any emotions that they desire. Like an actor in a theater, crying one moment then in a jiffy burst into laughter.
Sometimes poets get misconstrued. When a poem tackles sadness and regret for losing someone the readers would think that the poet still loves and wants that someone back. Worse, the person who felt alluded to may either be excited or feel vindicated.
Lest we forget that poets are men of arts who write for art’s sake. Yes, they draw inspiration from someone or something. They need a motivation in the pursuit of their art. But as it is, the end is the art and the motivation is but the means to achieve that end.
And what is the reward the poet receives for writing a poem? The reward is the poem itself. No reward can be sweeter than a poem that artistically conveys the joys and sorrows of the poet.
As to whether or not the poets who write a poem of gloom and bewail are sad and regretful, only them know. Who knows it may be Melpomene who visited them in their dreams.
