CORONAng Tinik
CORONAng tinik
Bumaon ka sa aming anit.
Pangamba ang iyong hatid
Sa buhay namin ika’y balakid.
CORONAng tinik.
Kami’y naghihinagpis!
Sa takot ay alumpihit!
Heto kami’t nagkukulong lang sa silid,
Nangangambang kami’y iyong madagit,
Nandiyan ka lang kasi’t aali-aligid.
CORONAng tinik
Lubha kang malupit.
Wala kang kasing-bagsik!
Kay kamatayan ika’y nagpagamit,
Nagsilbi kang kanyang karit.
Oh mahabaging Amang nasa langit
Kami’y naninikluhod… tumatangis
Tanggalin ang CORONAng tinik
Na sa aming ulo’y nakasabit.
Posted on March 20, 2020, in COVID 19, Creative Writing, Malikhaing Pagsulat, Poetry, Tula. Bookmark the permalink. 3 Comments.
Masakit na uri ng tinik talaga. Sana ok kayo diyan
LikeLiked by 1 person
Okay naman kami dito sa lugar na tinitirhan ko dito sa South Korea. Manalangin tayo na matapos na ang krisis na ito. Ingat po kayo diyan.
LikeLiked by 1 person
Salamat. Sana magiging maayos ang situwasyon sa loob ng maikling panahon
LikeLike