SA PAGBUHOS NG ULAN

(Spoken Poetry in Filipino)

Tuwing bubuhos ang ulan
Kagyat kang papasok sa aking isipan
Kaya paano kita makakalimutan
Hindi ito mangyayari, gustuhin ko man.
Sa dahilang  hindi ko kayang pigilin
Ang pagpatak ng ulan
Uulan kung kaylan nakatakdang umulan

Kung puwede lang ipanalangin na sana tag-araw na lang palagi
Para kahit kaylan ay hindi na bumuhos ang ulan
Kung puwede sana na laging may araw
Lalabas ako kahit katanghaliang-tapat
At hayaang sunugin nito
Hindi lamang ang aking balat
Kundi ang bawat hibla ng iyong ala-ala sa aking isipan
Gusto ko itong masunog… maging abo… at hipan ng hangin palayo sa akin
Ang ala-ala mo kasi’y parang tinik na dinuduro ang bawat bahagi ng pagkatao ko

Tuwing makikita ko na may namumuong kaulapan sa langi
Ay kasabay nitong mamumuo rin ang kalungkutan sa aking isip
At kapag ang hangin na ay umihip
At magbabadya nang umulan
Maghahanap na ako ng masisilungan
Sa dahilang kapag bumuhos na ang ulan
Bubuhos na rin ang mga ala-ala ng nagdaan

Kapag bumuhos na ang ulan
Bubuhos nanaman ang mga ala-ala ng nagdaan
Ala-ala ng iyong karupukan
Ala-ala ng gabing yakap ka ng iba doon
sa karimlan
Mga katawan ninyo’y umiindayog sa saliw ng kataksilan
Humihiyaw ka sa tindi ng kasiyahan
Hanggang marating ninyo ang rurok ng kaliluhan
Bakit kasi noo’y akin pang naisipan
Sorpresa kang dalawin sa iyong tahanan

Kapag bumuhos na ang ulan
Bubuhos nanaman ang mga ala-ala ng nagdaan
Ala-ala ng kung papaanong parang gamit ako na iyong pinalitan
Ala-ala ng kung papaanong para akong pusang iniligaw at itinapon kung saan

Kapag bumuhos na ang mga ala-ala ng nagdaan
Babahain ng lungkot ang aking kabuuan
At hindi ito huhumpay
Hanggat hindi ako nalulunod sa lumbay
Kapag bumuhos na ang mga ala-ala ng nagdaan
Wala akong puwedeng silungan
Ala-ala mo’y parang pilat… nakamarka sa aking balat
Ala-ala mo’y parang anino na lagi akong sinusundan
Aninong kahit walang araw aking nababanaag
Ayaw akong pakawalan
Lalo na kapag umuulan

Isipan ko’y parang bubong na may butas
At ang ala-ala mo’y parang tubig-ulan
Pilit nitong hahanapin ang butas na iyon
Para pasukin
Upang sa lungkot at pighati ako’y lunurin.
Wala akong magagawa kundi hintayin
Ang pagtila ng ulan at ipanalangin
Na sa muling pagsikat na araw
Ala-ala mo sa aking isip ay sunugin
Abuhin
At sana’y hipan ng hangin
Palayo sa akin

At ang marubdob kong panalangin
Sana kapag muling bumuhos ang ulan
May lumapit sa akin
Bitbit ay payong
Sa ilalim nito magkasama kaming sisilong
Doon sa bisig niya ako’y magkakanlong
Hanggang ang sugat sa puso ko’y maghilom

Advertisement

About M.A.D. LIGAYA

Teacher-Writer-Lifelong Learner I have three passions - teaching, writing, and learning. I am a Filipino currently residing and teaching in South Korea. I blog and vlog the things I write. I have two websites and two YouTube channels where I publish my works in my areas of interest. I also use Wattpad and Pinterest to publish my creative works. I am into research as well. Some of my articles were presented at conferences and published in indexed-journals. TO GOD BE THE GLORY!

Posted on July 9, 2022, in Creative Writing, General, Poetry, Spoken Poetry, Tula. Bookmark the permalink. 1 Comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: