Tuwing Bubuhos Ang Ulan (1)

(1st of 7 parts – A Novelette in Filipino)

sad rain2

Tuwing bubuhos ang ulan ikaw kaagad ang papasok sa isipan ko. Kaya paano kita makakalimutan gayong hindi ko naman kayang pigilin ang pagpatak ng ulan. Uulan kung kaylan nakatakdang umulan.

Kung puwede lang  ipanalangin na sana tag-araw na lang palagi para kahit kaylan ay hindi na bumuhos ang ulan. Kung puwede sana na laging may araw, lalabas ako kahit katanghaliang-tapat at hayaang sunugin  ng araw hindi lamang ang balat ko kundi ang bawat hibla ng iyong ala-ala sa aking isipan. Ang ala-ala mo kasi’y parang tinik na dinuduro ang bawat bahagi ng pagkatao ko.

Tuwing makikita ko na may namumuong kaulapan sa langit ay kasabay nitong mamumuo rin ang kalungkutan sa aking isipan. At kapag umihip na ang hangin at magbabadya nang umulan ay maghahanap na ako ng masisilungan sa dahilang kapag bumuhos na ang ulan ay bubuhos na rin ang mga ala-ala ng nagdaan at babahain ng lungkot ang buong pagkatao ko at hindi ito huhumpay hanggat hindi ako nalulunod sa lumbay.

Ngunit wala akong puwedeng silungan. Ala-ala mo’y parang aninong lagi akong sinusundan. Lalo na kapag umuulan. Isipan ko’y parang bubong na may butas at ang ala-ala mo’y parang tubig-ulan na pilit hahanapin ang butas na iyon para pasukin, upang ako’y lunurin sa lungkot at pighati.

Bakit kasi nagpasiya akong mamasyal sa labas noon? Dahil ba iyon ang unang pagkakataon na mapuntahan ko ang Sagada at napakahilig ko kasing maglakad-lakad sa ganoong bulubunduking lugar upang pagmasdan at kuhanan ng larawan ang kagandahan ng kalikasan? O dahil nakatadhanang tayo ay magkita? Nakalista na sa mga aklat ng mangyayari na magkukrus ang ating landas. Nakaguhit na iyon sa ating mga palad.

Pero hindi ako naniniwala sa tadhana eh. Walang gulong ang kapalaran. Sa pagkakaalam ko ang kakahinatnan ng tao ay resulta ng lahat ng desisyong gagawin niya. Katulad na lang nang sabihan ako ng kasintahan kong si Elena na magdala ng payong dahil nagbabadyang umulan. Nagpasiya akong baliwalain ang sinabi niyang iyon. Tutal kako may suot naman akong hoodie. Mahirap din kasing may bitbit na akong kamera at iba pang gadgets eh may bitbit pa akong payong. Dagdag pa niya’y ipagpabukas ko na lang ang pag-gagala dahil kararating lang namin halos sa bahay nila noon at gusto sana niyang samahan ako sa pamamasyal. Hindi ko rin siya pinagbigyan. Gustong-gusto ko nang maikot ang lugar nilang iyon. Kating-kati na ako na makakuha ng mga pictures at videos para sa sinimulan kong travel vlog sa YouTube.

Pagkatapos mananghalian, binitbit ko ang aking backpack at lumakad na ako. Nasa kuwarto noon si Elena. Umidlip. Napagod siguro sa mahaba naming biyahe, kaya sa nanay na lamang niya ako ako nakapagpaalam.

Pinagtitinginan ako ng mga tao habang ako’y naglalakad. Bagong-salta kasi ako sa lugar na iyon. Ilan lamang sa kanila ang nakita akong kasama si Elena pagbaba namin ng jeep sa tapat ng eskinita  malapit sa bahay nila. Ilan lamang sa kanila ang katulad kong may suot na mask. Mukhang hindi takot ang mga tao doon sa Covid. Tinatanguan ko lang sila’t nginingitian. Nang marating ko na ang dulo ng sityong iyon ay nagsimula na akong makakita ng taniman ng mga gulay , palayat, at sari-saring  punong-kahoy.

Hindi ako na-disappoint. Napakadami kong nakuhang magagandang pictures at videos. Naubos ko rin ang tatlong beer in can na baon ko.  Solve na solve ako. Beer lang iyong pero tinamaan ako.

Ganoon ako kapag hawak ko ang aking camera at kumukuha ng mga shots –  sinasabayan ko ng inom ng beer at sound trip gamit ang cell phone ko. Sinising-along ko ang lahat ng kanta ng Air Supply at ni Ed Sheeran. Ila-live ko nga sana sa Facebook ang mga videos na kinuha ko pero mahina ang signal.

sad rain

At naganap ang hula ni Elena – bumuhos nga ang ulan. Maabuti na lang at tiyempong may nadaanan akong masisilungan – isang maliit na kubo na yari sa pawid at kawayan. Bukas ang bintana nitong tinukuran ng isang patpat. Walang tao. Dali-dali akong pumasok.

Pero sana wala na lang ang kubong iyon doon. Sana eh hindi na lang ako nadaan doon.  Katulad  ng kahilingan ni Elena eh sana ipanagpabukas ko na lang ang pamamasyal.

Katamtaman lang para sa dalawa o tatlo ang sukat ng kubong iyon. Tanaw sa harapan  nito ang  isang hagdan-hagdang taniman ng palay na inukit sa gilid ng maliit na  bundok na iyon. Iyon pala ang nabanggit sa akin noon ni Elena na mini rice-terraces na malapit sa kanila. Hindi pa iyon ang talagang rice terraces na dinadayo ng mga turista doon perso sa wakas eh nakakita na rin ako ng ganoong uri ng taniman ng palay. Sa likurang bahagi naman ng kubo ay parang gubat, maraming iba’t-ibang punong-kahoy.

Ang kubong iyon marahil ay pahingahan ng may-ari ng taniman ng palay.  May isang maliit na kama na halos pang-isang tao lang at isang lamesita. Parehong yari sa kawayan.  Bukod doo’y wala ng ibang gamit sa loob.

Ipinatong ko sa lamesita ang aking kamera. Hinubad ko’t ipinatong rin doon ang nabasa kong hoodie. Mabilis akong nakasilong bago bumuhos ang ulan kay bahagyang nabasa lang ang aking hoodie. Hinubad ko ito’t isinampay sa pasimano ng bintana. Bahagya din lang na nabasa ang sapatos ko’t pantalon.

Medyo dumilim. Mabuti na lang at nasa backpack ko pa ang mini-rechargeable light na ginamit ko nang mag-camping kami sa isang beach noong isang linggo. Nagliwanag sa kubo ng buhayin ko ito.

Nang lumakas ang hihip ng hangin eh tinanggal ko ang tukod ng bintana upang ito ay magsara. At nang akmang isasara ko rin ang pintua’y… bigla kang  pumasok.  Siyempre nagulat ako. Hindi ko inasahang bukod sa akin ay may iba pang sisilong sa maliit na kubong iyon. Walang-kaabug-abog ay dumating ka sa buhay ko.

At bakit kasi nagpasiya ka ring lumabas ng bahay sa hapong iyon at katulad ko ay hindi ka rin nagdala ng payong? Sana namalagi ka na lang sa bahay ninyo. Kung may bitbit kang payong noon ay baka hindi ka sumilong sa kubo at sana eh hindi tayo nagkita. Kung sana ay nakinig na ako sa payo ni Elena na magdala ng payong. Simpleng desisyon – pareho tayong hindi nagdala ng payong kaya nagkita tayo sa kubong iyon. Kaya nag-krus nga ang ating mga landas.

“Makikisilong lang po, pasensiya na.” Wika mo.

“Hindi sa akin ang kubong ito. Nakikisilong din lang ako.”

Basang-basa ka at nanginginig. Tumingin ka sa akin. Ngumiti kang pilit. Napasandal ka sa dingding ng kubo. Hindi ko maiwasang matingin sa basa mong t-shirt na humapit sa magandang hubog ng iyong dibdib. Baka mapansin mong pinagmasdan ko ang dibdib mo kaya kunwari nangati ang isang mata ko’t kinusot ko iyon.

Maya-maya ibinaling ko sa mukha mo ang aking paningin. Maganda ka. Pero bakas sa mukha mo ang kalungkutan. Hindi naikubli ng iyong kagandahan ang  lungkot mong nararamdaman. Hindi ito kinayang burahin ng tubig-ulan. Tingin ko nga para kang aburido rin. Para ngang nakainom ka pa, tulad ko. Namumula ng kaunti ang inyong pisngi. Medyo mugto ang iyong mata.

Naupo ka sa kama. Kalauna’y lumakas ang iyong panginginig. Malamig sa lugar  na iyon at nabasa ka pa ng ulan.  Hinubad ko ang aking suot na damit. Inialok ko ito sa iyo. Malamig nga pero mas kaylangan mo iyon at kaya ko namang tiisin ang lamig na iyon. Kinuha mo ito at ikaw ay nagpasalamat. Nagatubili kang hubarin ang suot mong damit ngunit naiinitindihan mo na hindi naman ako puwedeng lumabas dahil malakas nga ang ulan. Bahagya na lang akong tumalikod upang magawa mo ang iyong nais gawin.

Nang mantantiya kong tapos ka na ay saka ulit ako humarap at sa iyo at tumingin. Napansin kong pinagmasdan mo ang aking mukha at hubad na katawan. Kalauna’y parang hiyang-hiya kang ibinaling sa kamera kong nakapatong sa lamesita ang iyong paningin. Iyon naman ang pagkakataon ko upang mas matagal kong mapagmasdan ang iyong anyo. Kasingtangkad mo halos si Elena, at katulad niya, maganda ka nga. Pero si Elena ay maputi  at ikaw naman ay morena. Mas mahaba ang buhok mo sa kanya at mas maganda ang iyong pangangatawan. Napansin kong hinubad mo pala ang suot mong skirt at underwear. Medyo tuloy ako naasiwa. Mabuti na lang at mahaba ang t-shirt na ipanahiram ko sa iyo.

Patuloy ang buhos ng ulan. Wala tayong imikan noong una. Parang tayong nagkakahiyaan. Minsan nagtitinginan at matipid na nagngingitian.

sad rain

“Mu…mukhang magtatagal ang ulang ito ah.” Wika ko.

“Oo nga eh. Ako nga pala si Camille.”

“Ako naman si Jeff. Ah… mukhang nakainom ka.”

“Kaunti lang.”

“Bakit ka naman uminom?”

“Bakit mo tinatanong?”

Parang nairita ka kaya tumahimik na lang ako.

Maya-maya’y napansin kong nanginginig ka pa rin. Parang mas lumakas pa nga ang panginginig mo.  Kung tama ang hula ko eh nagsisimula kang magka-hypothermia. Ganoon ang ilang eksenang napapanood ko sa pelikula. Masyado ka sigurong nababad sa tubig-ulan at malamig pa sa lugar na iyon. Patuloy ang panginginig mo. Sumiksik ka sa dulo ng kama. Parang nagdedeliryo at namimilipit ka na halos.

Wala ng ibang paraan. Naglakas-loob akong yakapin ka. Hindi ka tumanggi. Hinayaan mo ako dahil batid mong kaylangan kong gawin iyon. Yumakap ka sa akin nang mahigpit… pahigpit ng pahigpit. Aaminin kong may kakaiba akong naramdaman nang magdikit ang mga katawan natin. Lalo na nang bumundol ang dibdib mo sa aking dibdib.  Pilit kong iwinawaksi ang naramdaman kong iyon. Marahang kitang inihiga  nang patagilid at hinagod ko ng hinagod ang iyong likuran upang makaramdaman ka ng init. Idinantay ko ang aking hita sa hita mo.  Idinikit mo ang iyong mukha sa aking dibdib.

Ilang saglit pa’y nabawasan ang iyong panginginig. Patuloy lang ang paghagod ko sa likod mo. Unti-unti kong naramdam na ang katawan mo’y uminit. Mula sa dibdib ko’y itinaas mo ang iyong mukha at idinikit sa aking pisngi at dahil doon eh hindi sinasadyang panandaliang naglapat ang ating mga labi.

Nagulat ka. Gayon din ako. Iminulat mo ang iyong mga mata.

“Naku sorry…” ani ko.

Akma na sana akong kakalas mula sa pagkakayakap sa iyo subalit ako’y pinigilan mo. Bakit mo ako pinigilan. Sana’y hinayaan mong kumalas ako sa pagkakayakap sa iyo. Nagtinginan tayo. Parang lumamlam ang iyong mga mata. Parang may bato-balani sa bibig mo na hinihila ang aking mga labi.

Hindi na ako makaiwas… o ayaw kong umiwas. Nagdesisyon akong halikan ka. Desisyong kung mababalikan ko’y… hindi rin ako nakatitiyak kung gagawin ko ba o hindi.

Bakit nga kasi na nang kakalas ako mula sa sa pagkakayakap sa iyo eh pinigilan mo ako? Bakit kasi nang halikan kita sa labi eh pumayag ka at gumanti rin ng halik? Bakit hindi naapula ng bumubuhos na ulan ang nagliyab nating mga damdamin? Bakit dinilig ng ulan ang punla ng kapusukang biglang tumubo sa loob ng kubong iyon?

Sana’y bato na lamang tayo at walang pakiramdam.

Sana’y isa akong santo.

Pero hindi eh.

Tao lang ako.

Hindi banal.

Marupok.

Part 2

Advertisement

About M.A.D. LIGAYA

Teacher-Writer-Lifelong Learner I have three passions - teaching, writing, and learning. I am a Filipino currently residing and teaching in South Korea. I blog and vlog the things I write. I have two websites and two YouTube channels where I publish my works in my areas of interest. I also use Wattpad and Pinterest to publish my creative works. I am into research as well. Some of my articles were presented at conferences and published in indexed-journals. TO GOD BE THE GLORY!

Posted on August 13, 2020, in Creative Writing, Fiction, Maikling Kuwento, Short Story and tagged , , , . Bookmark the permalink. 1 Comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: