Sorry Wisely

5410884-352-k843797

Sorry Wisely!
Talo ka nanaman.

Paano ka ba naman mananalo…
eh di ka qualified.

Ano?

Ah college graduate ka kamo!
Eh ano naman… kahit ba may PhD ka pa.
Ang tanong eh – may datung ka ba?

Wala! Wala! Walang… DATUNG
Kaya di ka qualified.

Ano?
Bakit kaylangan ng datung?

Susme!
We’re you born yesterday?
Oh kaninang madaling araw lang.

Ha?
Malinis kamo record mo.
Who cares…?
Nobody… nobody but you.
Dahil ang tanong eh – “Meron ka bang datung?”

Ha? Handa ka kamong maglingkod.

Hindi pala dapat Wisely pangalan mo.
Mas bagay sa iyo ang pangalang engot.

Ang hanap ng botante…
hindi ang handang maglingkod
Ang hanap nila’y – ang handang magbayad.

Pera-pera ang labanan tsong.
Gets mo na?

Ha?
Bakit ganun?
Aba malay ko.
Itanong mo kaya sa lolo mong panot.

Kaya… sorry na lang Wisely.
Better luck next time.

Try mo kaya mag-budots.
Baka makakuha ka next time ng –
mahigit labing-apat na milyong boto.

 

Advertisement

About M.A.D. LIGAYA

Teacher-Writer-Lifelong Learner I have three passions - teaching, writing, and learning. I am a Filipino currently residing and teaching in South Korea. I blog and vlog the things I write. I have two websites and two YouTube channels where I publish my works in my areas of interest. I also use Wattpad and Pinterest to publish my creative works. I am into research as well. Some of my articles were presented at conferences and published in indexed-journals. TO GOD BE THE GLORY!

Posted on May 17, 2019, in 2019 Philippine Elections, Creative Writing, Poetry, Tula, Vote Buying and tagged , , , , . Bookmark the permalink. 4 Comments.

  1. Hi Hardpen, I think malayo pa at matagal pa ang tatakbuhin bago magkaroon ng mature na electorate sa atin. I hope I’m still breathing when the time comes.

    Like

    • Hello Miss N! I hope so too. I hope that during one election period in our lifetime we can hear news about Filipinos no longer selling their votes. Hope springs eternal.

      I have come to a point Miss N that I have become apolitical… although some may argue that deciding to be be “apolitical” is in itself a political stand. Napagtanto ko kasi na ang isang pinaguugatan ng mga problema natin sa Pilipinas eh ang pamimili natin ng mga politikong kakampihan. Hindi pala ito nakakatulong bagkus nakakasama. May isang sanaysay akong sinusulat tungkol dito.

      Bilang personal ko ngang protesta eh hindi ako bumoto nintong Mayo. Mahigit anim na taon na akong dito nagtuturo sa South Korea at noong eleksyon noong 2013 at 2016 eh dumayo pa ako ng Seoul para bumoto. Ngayong 2019 eh hindi na ako nag-aksaya ng panahon dahil wala na akong sampalataya sa electoral process natin sa Pilipinas.

      Ang sisi ay hindi ko ibunubunton sa mga kandidato kundi sa mga botanteng Pilipino na parang mga timawa na nagbebenta ng kanilang boto.

      Like

      • ‘Yan ang hindi ko talaga lubos maisip, ang kung bakit sa kaunting halaga, na ni hindi nga yata aabot sa halagang pang-isang buwan na gastusin at sa mga bayarin ay isasangla natin ang ating kinabukasan, ang napakaraming taon sa ating hinaharap.

        Liked by 1 person

  2. Kaya nga eh. Tuwang-tuwa ang mga kababayan natin kapag nakakatanggap ng limang daan o isang libo tuwing may eleksyon. Kaylangan talaga ng isang meaningful na voter’s education. Isama sana ng mga guro natin diyan sa Pilipinas sa “valuing” nila ang kahalagahan ng tamang pagpili ng mga lider at ipamulat sa kanila na isang malaking kahibangan ang pagbebenta ng boto. Umpisahan natin sa mga bata. Kasi ang mga matatandang nagbebenta ng boto nila eh mukhang hindi na tatablan ng ano mang paki-usap o parunggit.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: