Blog Archives
Punso Sa Likod Bahay
“Nagmamadali ka yata pareng Teban?”
Ang tanong ni Pedro sa kanyang kaybigan.
“Oo pare, albularyo’y pupuntahan,
Nagkaproblema inaanak mong si Juan.”
“Lumaki’t namaga ang paa ni bunso
Nang sa likuran namin sila’y naglaro
Paano ba naman sinipa ang punso
Kaya hayon nagalit yata ang nuno.”
“Pati nga iyong kaybigan n’yang kalaro
Aba eh dinuraan daw iyong punso
Kaya’t sa kanya ma’y nagalit ang nuno
Hayun ang pobre… namamaga ang nguso.”
“O… pareng Pedro saan ang tungo mo n’yan?
Biglaan mo yata akong nilayasan!”
“Pare… likod-bahay ninyo’y pupuntahan –
Iyong punso doo’y aking iihian.”