Salamin
Aking salaming nakasabit sa dingding,
Samo ko ay laging ibulong sa akin,
Na dungis ng iba bago ko punahin,
Uling sa mukha ko muna ang linisin.
Turuan mo nga akong maghunos-dili,
Na h’wag perpekto kung tignan ang sarili.
Pagsabihan ako na h’wag magmapuri,
Isiping ako ma’y pwedeng magkamali.
Sabihin mong wala akong karapatan
Na kapwa ko tao ay aking pulaan,
Dahil ako ma’y maraming kakulangan –
Pagkatao ko’y tadtad sa kapintasan.
Sa tuwing kita’y lalapitan sa dingding,
Paalalahanan ako oh salamin
Na sariling buhay ko’y dapat ayusin
At h’wag buhay ng may buhay ang punahin.
Sana’y tulungan mo akong unawain,
Na oras akin lamang sasayangin
Kung kakulangan ng iba’y laging papansinin
At pagkakamali nila ang laging hahanapin.
Pilitin mo namang ituro sa akin
Na galit sa puso’y hindi ko kimkimin,
Na inggit sa limot lagi kong ilibing,
Na kapwa-tao’y lagi kong unawain.
Oh salamin ako’y paalalahanan
Na dapat saliksiki’y tamang katwiran
Na kung tamang landas… aking dadaanan
Panginoong Diyos ako’y gagabayan.
Posted on June 1, 2018, in Poetry, Tula and tagged Poetry, Tula. Bookmark the permalink. 4 Comments.
I don’t know the meaning of following words: paahalanan, saliksik, sandalan, magtiwala, kakayanan, katwiran, kakulangan, punahin, maghunos-dili, samo, uling, dungis, bulangan, ets…. practically all words, ^_^ I can only understand conversational Tagalog…… I’m trying to learn more Tagalog words.
I left the country when I was 6 1/2 years old, so my vocabulary is a bit limited. But I do love to read Filipino poetry.
LikeLiked by 1 person
You were very young when you left the country that’s why. At least you can understand conversational Tagalog.
I have already written the items below before I saw that part of your comment saying “practically all words.” Anyway, sana makatulong ng kaunti ang mga isinulat ko sa baba. (Do you understand that?)
paalalahanan – remind
saliksik – search
sandalan – rely
magtiwala – trust
kakayanan – ability
katwiran – reason
kakulangan – something lacking
punahin – notice
maghunos-dili – calm down, take it slow
samo – request
uling – The literal meaning is CHARCOAL but I used it idiomatically in the poem to mean FAULT
dungis – blemish
bulungan – whisper
LikeLiked by 1 person
Thanks ! Are these words being used in everyday conversation ?
LikeLiked by 2 people
Yes. Except perhaps “SALIKSIK.” There’s an ordinary Tagalog word speakers of the language are more likely to use instead of it – HANAP/HANAPIN.
LikeLiked by 1 person