Ang Holy Water
Si lola Basyang ay isang biyuda,
Si aling Luring nama’y isang soltera,
Sila’y sanggang dikit, laging magkasama –
Silang dalawa’y tunay na magbarkada.
Sa kanilang baryo ay may isang kapilya
At doon, si Lola Basyang ay nagpunta.
“Luring… dalian mo, ako’y nandito na.”
Aniya sa kaybigan nang tumawag s’ya.
“Nandyan na kumare, nasa jeep na ako,
Heto kasing driver… mabagal magpatakbo.
AYY… hayan binilisan, narinig ako.
Sige mareng Basyang, pababa na ako.”
“Mama para… mama dyan na lang sa tabi.”
Di huminto ang driver, tila yata nabingi.
Sumigaw ang Luring…”PARA NA SABI!!!”
At biglang pumreno, driver na narindi.
Nagkabusiksikan mga pasahero
Napalakas yata sobra ang pagkakapreno
Si aling Luring hiyang-hiya’t dismayado
Katabing lalaki’y hawak sa pundiyo.
“Ay dalag!” Bulalas ni aling Luring.
“Hindi dalag… cobra po yan kung tawagin.
Aray! Teka po… h’wag ninyong sakalin,
Bitawan n’yo na’t baka kayo tuklawin.”
Buamaba ang hiyang-hiyang aling Luring,
Tahimik na umusal ng panalangin
“Ako’y patawarin Diyos na mahabagin,
Kamay kong nagkasala ay lilinisin.”
Dali-dali itong pumasok sa kapilya
“Ay ang aling Luring nandito na pala.”
Wika ni lola Basyang nang siya’y makita.
“O… aanhin mo iyang bitbit mong tasa?”
“O…bakit? Ang holy water sinalok mo?”
“Mareng Basyang, nagkasala ang kamay ko
May lalaking nahawakan ko ang pundiyo
Kaya’t holy water ang panlinis dito.”
Pagkahugas… si aling Luring lumuhod.
Ang Basyang dahan-dahang tasa’y dinukot,
At pasimpleng ng holy water sumalok
Ipinasok sa bibig… siya’y NAGMUMOG.
Posted on December 5, 2017, in Filipino Humor, Filipino Poetry, Poetry, Tula and tagged Filipino Humor, Filipino Poetry, Poetry, Tula. Bookmark the permalink. 1 Comment.
Hahaha ito kaagad ang nabasa ko after ‘nong makulit na mister. Relate! HAHAHA
LikeLiked by 1 person