Ang Tatay Ni Juan

confusedExcited si Juan nang ama’y kinausap –
“Itay, sa wakas ay aking nang nahanap
Iibigin, ko’t pakakasalang dilag
Bukod sa maganda’y ubod pa ng sipag.”

Nangiti si mang Pedro anak niyakap
“Yes! Magkakaapo na ako sa wakas.”
At tinanong ng ama ang kanyang anak –
“Eh Juan, sino ba itong bago mong sweetheart?”

“Siya po’y si Helen anak ni aling Bebang
Sila’y nakatira sa kabilang kanto lang.”
“Anak, si aling Bebang bang nagpapakwan?”
“Opo itay… ‘yong madalas ninyong bilhan.”

“Naku anak, ako sana’y iyong sundin
Iyang si Helen ‘di mo pwedeng ibigin”
“Bakit po itay? Inyo ngang liwanagin.
“Anak si Helen… sa akin din nanggaling.”

“Itay… si Helen pala’y aking kapatid!
Talagang sa babae kayo’y malupit.
Si aling Bebang kayo ang nakabuntis,
Di ka nasindak sa mister niyang pulis.”

“Si Helen ay pilit kong kakalimutan
Si Joy na lang po ang aking liligawan
Mukha’y maamo’t maganda ang katawan
Siya’y anak ng kumpare ninyong si Teban.”

“Hep! Hep! Hep! Ikaw nga anak eh tumigil
Anak… kay Joy eh huwag ka sanang mang-gigil
Bunga din s’ya nang aking pagtataksil
Nang si kumare ay hindi ko napigil.”

“Ang liligawan ko na lang eh si Gracia,
Nag-iisang anak ni aling Maria.”
“Naku hijo, sorry, pero pasensya na,
Si Gracia’y galing rin sa aking semilya.”

Naglasing ng todo ang dismayadong Juan
Mga kapatid kasi ‘di pwedeng ligawan
Kaya’t ang nanay niya’y kanyang nilapitan.
“Inay…ako po ba’y pwedeng pagpayuhan?”

“Tatlong dilag… aking pinagpipilian
Isa sa kanila nais kong ligawan
Ngunit si itay ako ay pinigilan
Siya daw ang tatay ng mga naturan.”

“Inay si itay ika’y pinagtaksilan
Kataksilang aking pinagdudusahan.”
“Tama na anak pag-iyak ay tigilan
Itong sasabihin ko’y iyong pakinggan.”

“Si Helen at Gracia pwede mong ligawan
Tanging si Joy lang ang dapat mong iwasan.”
Eh bakit po inay? Pwede bang malaman?
“Anak… tunay mong ama’y si pareng Teban.”

Advertisement

About M.A.D. LIGAYA

Teacher-Writer-Lifelong Learner I have three passions - teaching, writing, and learning. I am a Filipino currently residing and teaching in South Korea. I blog and vlog the things I write. I have two websites and two YouTube channels where I publish my works in my areas of interest. I also use Wattpad and Pinterest to publish my creative works. I am into research as well. Some of my articles were presented at conferences and published in indexed-journals. TO GOD BE THE GLORY!

Posted on December 1, 2017, in Filipino Poetry, Pinoy Jokes, Poetry, Tula and tagged , , , . Bookmark the permalink. 4 Comments.

  1. wiswiswiswiswis

    Lupit mo po haha

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: