Ang Bird ni Father
Umiiyak si Father isang umaga,
Bird kasi niya’y naglaho sa hawla.
May nagnakaw – ang kanyang suspetsa
Kaya’t nagpasya itong magimbestiga.
Bird na naturan mahal na mahal niya,
Hinihimas palagi gabi’t umaga,
Kasa-kasama kahit saan magpunta,
Maging sa pagtulog… hawak-hawak niya.
Kaya’t sumumpa s’yang ito’y hahanapin.
Sukdulang bawat bahay hahalughugin.
Pagiging pari sumumpang gagamitin,
Upang ang bird niya muling makapiling.
Nanawagan pagkasampa sa pulpito,
Pasimpleng tinanong ang mga Katoliko.
Ang tanong, “Sino ba ang may bird sa inyo?”
Syempre nagsitayo lahat ng ginoo.
Paring nagtanong tila nagulantang
Kaya’t ang tanong ay kagyat pinalitan.
“Anyone seen a bird?”… bagong katanungan,
Nagsitayo mga dalaga at ginang.
Posted on November 21, 2017, in Filipino Poetry, General, Poetry, Tula and tagged Filipino Poetry, Poetry, Tula. Bookmark the permalink. 1 Comment.
Reblogged this on HARDPEN'S PORTFOLIO.
LikeLike