Sa TIRAHAN Ni Father
Tinungo ni father likod ng simbahan
Doon si sister kanyang natyempuhan
Dahan-dahang ito’y kanyang nilapitan
Nalingong madre ay kanyang tinunguan.
Sila’y tumingin sa kaliwa’t sa kanan
Ang nandoon ay silang dalawa lamang
Pagkatapos niyon sila’y nagngitian
Halos pabulong silang naghuntahan.
“Wala ka bang gagawin mamayang gabi?”
Madre’y di makasagot, mata’y nanlaki.
“Okay lang naman sister kung kayo’y busy.”
Di naman sapilitan… pwedeng tumanggi.”
“Teka po father…pwede naman po ako
Tatapusin ko lang ang pagrorosaryo
Ayaw ko kasi na ika’y magtatampo
Sige mamayang gabi…magkita tayo.”
“Salamat sister…ako’y pinaunlakan
Sa kwarto ko mamaya, ako’y puntahan”
“Sa kwarto po n’yo?” Madre ay nagulantang.
Si father ngumiti’t tumango na lamang
Sumapit ang gabi, bandang alas-otso
Itong si sister ay kabadong-kabado
Sa TIRAHAN ni father siya’y tumungo
Nakita n’yang bukas pintuan ng kwarto.
At ang sabi ng madre, “I’m here now father.”
Kumatok pa’t nagtanong…”Father, are you there?”
Tugon ang pari…”Come in I’m waiting sister.”
Dugtong pa nito’y…”Please push the door then enter.”
“Ay Diyos ko po father… bakit po madilim?
Naku po… ano ba ang ating gagawin?
Naku po father… maawa ka sa akin,
Pwede po bang ilaw ay ating buhayin?”
Bumukas ang ilaw madre’y nagulantang –
Kasama ni father… dalawang sakristan.
Cake at ng regalo siya’y inabutan
At ng “Happy Birthday” siya’y kinantahan.
Posted on November 24, 2017, in Filipino Poetry, Poetry, Tula and tagged Filipino Poetry, Poetry, Tula. Bookmark the permalink. 4 Comments.
Hahahaha na eexcite ako sa ending ng kwento hahaha
LikeLiked by 1 person
Grabe talaga si Father…hehe
LikeLike
Akala ko kung anong gagawin ni Father hahaha
LikeLike
H’wag kasing pag-isipan si father ng kung ano-ano…hehe
LikeLike