KUWENTULAAN


Sina Ching at Banjun ay tubong Cagayan
Sila’y magkababata at magkaybigan
Hiwalay na pumanday ng kapalaran
Ngunit isa’t-isa’y ‘di kinalimutan

Nang sa Facebook sila ay nagkatuntunan
Buong pananabik silang nagkuwentuhan
Kuwentuhang pinadaloy sa taludturan
Ay siyang pinagmulan ng KUWENTULAAN

Simple lamang hinabi nilang mga tula
Walang sukat ngunit dulo’y tugma-tugma
Sila ma’y ‘di batikang mga makata
Pinagpaguran bawat tulang kinatha

Apat na buwan ng tula’y nagpalitan
Sabik na sabik na sila’y nagkwentuhan
Maraming bagay silang pinagusapan
Maging ng payo sila ay nagpalitan


Pagka-gradwyet ko ng elementarya, mula sa Cagayan, kung saan kami ng kababata at kaybigan kong si Banjun (Verbo S. Cabus, Jr. alyas Tibong Cagayano) ay isinilang, ay lumipat ang pamilya ko sa lalawigan ng Batangas. Doon na kami naninarahan kaya’t mula noon ay hindi na kami nagpangita ni Banjun.

Nagulat na lamang ako  nang noong ika-27 ng Enero, 2010 ay may nag-tag sa akin sa isang tula na naka-post sa Facebook. Ang nag-post ay si Banjun na matagal na palang panahon na naninirahan sa London kasama ang kanyang pamilya. Ang tula’y tungkol sa akin. Patula rin nang ako’y sumagot. Doon nagsimula ang halos apat na buwan na palitan namin ng tula. Karamihan ng aming mga akda’y nasulat noong Pebrero  at Marso ng taong iyon.

Nagkuwentuhan kami sa patulang paraan. Mahirap pero pilit naming pinanidigan. Katuwaan lang. Tinawag n’ya itong TULATORYAHAN at ang bansag ko naman dito ay KUWENTULAAN.

Ang kapatid niyang si Vivian (Bianang) at kapitbahay na si Vidang (Vida) ay napatula rin at paminsan-minsang sumingit sa aming kwentuhan.

Karamihan sa mga tula namin ay sumusunod sa malayang taludturan…ang mga dulo’y pilit namin pinagtugma ngunit walang sukat na sinunsunod. Mangilan-ngilan sa mgat ula nami’y merong sukat at tugma.

Kahit pareho kaming hindi taal na Tagalog at ang pagkatha ng tula’y libangan lang ay sinuong namin ang hamon na magkuwentuhan sa patulang paraan.

Narito ang aming KWENTULAAN…

Advertisement

About M.A.D. LIGAYA

Teacher-Writer-Lifelong Learner I have three passions - teaching, writing, and learning. I am a Filipino currently residing and teaching in South Korea. I blog and vlog the things I write. I have two websites and two YouTube channels where I publish my works in my areas of interest. I also use Wattpad and Pinterest to publish my creative works. I am into research as well. Some of my articles were presented at conferences and published in indexed-journals. TO GOD BE THE GLORY!

Posted on May 7, 2017, in Creative Writing, Poetry, Tula and tagged , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: