Blog Archives
Pain’s But A Myth
Venomous pain the Algea injected
In anguish and torment my soul screamed
“Journey to dreamland” Hypnos muttered
“Drown misery in my lake of dreams.”
But Dionysus countered “Visit my vines,
Feast upon my sweet magical grapes
Submerge anguish in the lake of wine
Dream not in languor but while awake.”
Aphrodite said “I’ll bring Helen
She can kiss your anxieties away,
Frolic with her in Dionysus’ haven
While I hold Menelaus at bay.”
When Thanatos arrived he whispered –
“Down there anxieties have no domain
Hold tight my hands waiting is Hades
Let death vanquish distress and pain,”
Rhea came last took my hand and smiled
Her turret crown beamed comfort and ease
On her laps I cuddled like a child
Then she told me “Pain’s but a myth.”
H’wag Nang Itanong

(Inspired by John Farnham’s “Please Don’t Ask Me”)
Tatanungin mo pa ba laman ng isip
Batid mong ‘ngalan mo dito’y nakaukit
Batid mong masidhi ang aking pananabik
Na makita ka’t mayakap nang mahigpit
Tanong mo ay bakit ‘di kita lapitan
Kung sabik ako’y bakit ‘di kita hagkan
Sa halip yumakap kita’y nilayuan
Takot na pagtangi ko’y iyong malaman
Sa gabi ang diwa ko’y gising na gising
Ngiti mo’y ilaw sa silid kong madilim
Pagpikit ng mata’y kita na’y kapiling
Nagkukunwari na pwede kang angkinin
Sa pagkukunwari’y lalo lang nasasaktan
Ngunit hindi pwede na iyong malaman
Kaya’t mahal man kita’t pinananabikan
Sapat nang sa malayo kita’y pagmasdan
Kung bakit sana ay h’wag akong tanungin
Kung mahal kita’y bakit ayaw kong sabihin
Kung malaya lang akong kita’y ibigin
Pagmamahal sa ‘yo di ibubulong sa hangin


