Category Archives: General
Reunion
(A Short Story in Filipino)

Dalawampu’t limang taon bago muling nagkita-kita ang magkakaybigang sina Jay, Chris, Mario at Mon. Masaya sila sa dahilang muli silang nagkasama-sama. Sila’y buong sabik na nagkumustahan at nagkuwentuhan.
Katulad ng dati ay nandoon ang kantiyawan at tawanan. At siyempre, hindi naiwasan na mapag-usapan din nila ang mga seryosong bagay – ang mga pagsubok at mga alalahanin, ang kanilang mga kabiguan at tagumpay, at ang kinahinatnan ng kanilang mga pangarap sa buhay.
At kadalasang pagkatapos ng reunion o pagkikita ng mga magkakaybigan o magka-klase ay malalaman kung sino sa kanila ang totoong nagtagumpay. At papaano ba susukatin ang tunay na tagumpay? Ano ang batayang gagamitin mo para sabihing nagtagumpay sa buhay ang mga kaybigan at mga kaklase mo?
