Category Archives: Fiction

Hindi Nga Ba Ukol? (2)

(2nd of 7 parts)

“Do you really need to ask me that?”

“Okay lang naman kung ayaw mong sagutin.”

Medyo may katagalan bago muling nagsalita si Kath.

“Bakit mo tinatanong iyan Marco.”

Bakit ko nga ba itinatanong iyon? Mahalaga pa ba na itanong ko iyon? Eh ano naman kung sabihin niyang oo. At paano kung sabihin niyang hanggang ngayon eh mahal pa rin niya ako? O gusto ko lang na may pag-usapan kami. Ano nga ba ang dahilan?

“Hey… bakit mo kako tinatanong.”

“Kath… ang dami nating dapat linawin. Mga bagay na tuwing nagkikita tayo noon after mo mag-resign eh ayaw nating pag-usapan. Mas pinili nating huwag pag-usapan. Hindi ko alam kung takot ba tayo na pag-usapan iyon o hindi naman mahalaga na dapat pang pagusapan dahil wala rin namang magandang pupuntahan.”

Hindi agad sumagot si Kath. Nakayuko ito at pailing-iling.

Hindi ko na mahintay ang sagot niya.

“I get it now. Assuming lang siguro ako na may mga bagay na dapat pag-usapan natin. All these years, ang dami kong assumptions na mali.”

Pagkasabi ko niyon eh pinili kong manahimik hangga’t hindi sumasabot si Kath.

Siguro nga eh ganoon. Ako lang ang nagiisip mula noon na meron kaming dapat pagusapan… na may mahalangang namagitan sa amin.

Hanggang…

“Ano na nga ang tanong mo?”

Sa wakas eh nagsalita siya. At inulit ko nga ang tanong ko.

“Did you really love me before?”

“Bakit Marco? Hindi mo ba alam ang sagot?

“Hany naku… why don’t you just answer?

Medyo yata nataasan ko siya ng boses.

“Siguro naman eh hindi ka galit niyan.”

“No… no… no… Sorry Kath. Bakit kasi ayaw mo pang sagutin?”

“Okay… okay… Did I love you before? Of course  I do… I do.  I mean I did. DIDDDD!”

Parang gusto kong matawa sa sagot niyang iyon.

“Oh ano ang nginingisi-ngisi mo diyan?”

“Wala… So it’s did. Not do.”

“You heard it!!!”

“Meaning… you…. you don’t love me anymore?”

“Napakagago mo talaga Marco.”

“Yes or no lang ang sagot doon di ba.” Ani ko.

“There are questions that are better left unanswered Marco.”

Hindi ko na pinilit si Kath na sagutin ang tanong kong iyon. Gusto ko sanang sabihin na I can read between the lines  pero tumahimik na lang ako.

“Masaya ako kapag nakikita ko ang mga photos ninyo ni Anna tuwing umuuwi ka dito sa Pinas. You are obviously happy living life together now.” Dagdag pa ni Kath.

“So tsine-check mo pala Facebook ko ha.”

“Bakit Marco, masama ba? Facebook ko ba hindi mo ino-open?”

Inamin ko sa kanya na tuwing bubuksan ko ang aking FB eh hindi ko nakakalimutang tignan ang kanyang timeline.

Pagkatapos niyon ay tinanong ko siya.

“Eh… ano naman iyong gusto mong itanong sa akin?”

“Alam mo na iyon Marco. Hindi ka naman siguro engot para hindi mo mahulaan ang gusto kong tanungin kanina ‘di ba?” But as I said… maging honest ka sana sa sagot mo.”

“Alin ba sa dalawa ang gusto mong saguting ko – Did I love you before? Oh Do I still love you now.”

Nakita kong napangiti si Kath.

“What? Which of the two?”

“I want you to answer both…”

“Do you really need to ask me that?”

Natawa si Kath sa sinabi kong iyon.

“Gara… parang linya ko yata iyang kanina ha Marco.”

“Honestly Kath… hindi mo alam ang sagot sa tanong na iyan?”

“Nakakainis ka. Sagutin mo na nga lang nang matapos na.”

“Okay… okay…” Aniko.

 Minahal kita noon Kath.”

Nangiti siya.

“Alam ko naman iyon. Eh mahal mo pa ba ako hanggang ngayon?”

“Kath… there are questions that are better left unanswered.”

Pagkasabi ko niyon ay nagkatawanan kami ni Kat.

“I can read between the lines Marco.”

“I can too Kath.”

At muli nanaman kaming nagtawanan.

“Hay naku Kath…”

“Teka nga… may I go out muna ako ha. Wiwi muna ako.” Aniya.

“Okay… go.”

Habang hinihintay ko  si Kath eh nagbalik nanaman sa ala-ala ko ang maraming bagay. Nasa iisang opisina lang kami at mula umaga hanggang hapon, minsan eh inaaabot ng gabi na nandoon kami. Noong una, lalo na noong intern ko pa lang siya, strictly business kaming dalawa, nothing personal. Pero unti-unti na ang mga kuwentuhan namin kapag hindi kami busy sa trabaho eh nasentro sa mga personal na bagay. Hanggang dumating ang punto, lalo na nang naging regular employee na siya, na inihihinga ko na sa kanya ang mga problema namin ni Anna. Nagkukuwento din siya noon tungkol kay Jay na nililigawan pa lang siya.

Mahirap i-define kung ano ang relasyon namin ni Kath.  Basta isang gabi noon habang may inoovertime kaming trabaho eh hindi ko napigilang hawakan siya sa kamay at halikan. Naghalikan kami. Matagal. Kung hindi malakas ang pangontrol ni Kath eh baka tuluyang bumigay siya noon.

Mas naging close kami ni Kath after that. Kapag darating ako sa opisina, halik ang isasalubong niya sa akin. Ganoon din ang gingawa ko minsan. At minsan binubulungan ko siya ng “I love you” oh “I miss you.” Kapag gabi at nasa opisina kami ay minsang may nangyayari. Pero hanggang halikan lang. Ayaw niyang lumampas pa doon. Naghahalikan man kami pero kahit minsan eh hindi niya ako nasabihan ng “I love you.” Never. Kaya nga ang hirap sabihin kung ano ang namagitan sa amin.

Kung ano mang meron sa pagitan namin ni Kath eh tiniyak naming pareho na walang makikitang unusual ang mga kasamahan namin sa trabaho. Lalo na nga’t sa katabing opisina lang naka-assign si Anna.

Malaking travel agency ang pagmamay-ari na iyon ng tito ko na dating sundalo, kapatid ng aking ina. Recruitment agency siya at the same time. May kasosyo siyang Koreano na naging  matalik niyang kaybigan noong Korean war. May malaking factory din dito sa Korea ang partner ng tito ko at maraming Pinoy na nagtatrabaho doon. Iyon ang dahilan kung bakit ako napunta ng Korea, ako ang nagsusupervise sa mga Pinoy factory workers dito na kami mismo ang nagre-recruit. Ayaw ko sana pero pinilit akong i-assign dito ng tito at nanay  ko dahil sa isang problema na nagawa ko sa opisina sa Pinas.

Maya-maya pa’y…

“I am back. Okay lang ba na nakahiga ako while we’re chatting? Ngalay na kasi puwit ko.”

Tumango lang ako. Nahiga si Kath sa sofa na kinauupuan niya. Naka-shorts pala siya. Maikli. Medyo din manipis ang suot niyang t-shirt. Halatang wala siyan bra. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Kahit nagkaedad na’t may anak na si Kath eh maganda pa rin siya at slim pa rin ang pangangatawan.

“Hoy Marco, baka lumuwa ang mata mo niyan ha. Bawal maakit.”

“Matagal mo na akong naakit.”

“Susme, kumana nanaman ang bolero.”

You’re still very attractive Kath.”

“I know.”

“Naniwala ka naman?”

“Hindi! Alam ko nga kasing bolero ka. Kaya nga siguro lahat ng naging intern mo eh naging dyowa mo ano?”

“Hoy, hindi ah.”

“Talaga lang ha. O sige. May isa pa akong tanong.”

Tanong? Napaisip ako. Mukhang alam ko na kung ano ang itatanong ni Kath.

“Sabi mo nga kanina, ang dami nating mga isyu na dapat linawin ‘di ba? Ang dami nating mga bagay na ayaw pag-usapan noon. Sige… humanda ka… ngayon pag-usapan natin. Lahat ng dapat natin pag-usapan eh pag-usapan na natin.”

Tumango lamang ako bilang tugon.

“Marco… may kilala ka bang Mayette?”

Part 3

Advertisement

Hindi Nga Ba Ukol? (1)

(1st of 7 parts)

Nang matapos ko na ang pangatlong pelikula ay pinatay ko muna ang aking desktop computer. Mamaya eh laptop naman ang aking bubuksan kapag nagbrowse ako sa Internet. Ganoon lang umiikot ang buong araw ko kapag walang trabaho – Nexflix… Internet… at kapag inspired eh magsusulat ako ng kuwento, tula, o essay at ipo-post ko sa aking website. Kapag wala ako magustuhang pelikula at tinatamad akong mag-browse o magsulat eh nagbabasa na lang ako . Basta nasa loob lang ako ng bahay. Ayaw ko naman kasing gumala dahil sa Covid. Weekend kaya siguradong matao ngayon sa labas. Mahilig mamasyal ang mga Koreano kapag wala silang pasok. Bukod doon eh malamig, Hindi pa tapos ang winter.

Bukas eh tatapusin ko naman iyong librong binabasa ko. Nangako kasi ako sa sarili na hindi muna ako gagawa ng ano mang bagay kaugnay sa trabaho buong weekend. Bawas stress muna. Sa opisina ko na lang tatapusin iyong report na pinapagawa ni boss.

Pumunta ako sa terrace ng two-bedroom apartment na inuupahan ko upang sumagap ng sariwang hangin at mag-stretching ng kaunti. Madilim na. Pasado alas-otso na kasi.

Maliit lang ang terrace ng apartment unit na inuupahan ko. Isang upuan at maliit na lamesita lang ang inilagay ko doon. Doon ako umuupo kapag gusto kong magpapresko, magbilad sa araw kapag umaga, nagbabasa ng libro, o tuwing ako’y nagkakape o umiinom ng beer.

Pero sandali lang ako naglagi sa terrace. Gutom na kasi ako kaya nagpunta ako sa kitchen. Makapananghalian pa nang magsimula akong manood. Iyong natira kong chicken at pizza eh minaycrowave kong upang hapunanin. Dinagdagan ko na lang ng ramen para may sabaw akong mahigop.

Bitbit ang aking pagkain eh bumalik ako sa kuwartong ginawa kong study room at mini-theatre. Iyon ang nagsilbi kong workplace noong nagdesisyon ang mga employers ko na work from home muna kaming mga nasa opisina dahil marami ang cases ng covid. Kamakaylan lang kami ulit na nirequire na mag-report na sa opisina.

Habang kumakain, binuksan ko na ang laptop at sinimulan ko mag-browse. At katulad ng dati, bago ko bisitahin ang mga websites at social media platforms na regular kong ino-open eh inuna ko muna ang FB. Nagmessage ako kay Anna, misis ko, para kumustahin kung okay na siya. Hindi kasi kami nakapagchat maghapon dahil masama daw ang kanyang pakiramdam.

Mukhang offline siya, hindi kulay green ang active status niya sa Messenger. Sinubukan kong i-video call ang anak naming si Kenneth. Hindi sumagot. Dalawang bagay lang tulog na siya oh busy sa paglalaro ng Mobile Legends.

Tinignan ko na lang ang mga posts ng mga FB friends ko. Binuksan ko rin ang profile ng ilan sa mga malalapit kong kaybigan at mga mahal sa buhay. Ganoon ko na lang nasusubaybayan kung ano ang nangyayari at ginagawa nila sa Pilipinas. Kapag may gusto akong kumustahin o maka-chat eh mine-message ko sila. Isa sa kanila ang nagse-celebrate ng birthday – si Katherine.

Binuksan ko ang profile ni Kath. Pumili ako ng magandang birthday image sa Google at sinend ko sa kanya sa Messenger. Dinagdagan ko iyon ng isang maikiling message sabay na rin ang pangungumusta.

Pagkatapos niyon eh inopen ko ang website ng ESPN para tignan kung ano resulta ng mga games sa NBA. At mula doon ay lumipat ako sa You-Tube para panoorin naman ang highlights ng mga NBA games. Sa ganoon na naubos ang oras ko. Alas-onse na pala. Ubos na rin ang pagkain ko.

Sawa na ako sa pagba-browse. Manonood na lang ulit ako ng isa pang pelikula. Pero nagtimpla muna ako ng kape.

Bago ko i-turn off ang laptop ay binuksan ko muna ulit ang FB. Hindi ko pa pala nako-close ang profile ni Kath. Tinignan ko kung nabasa na niya ang pinadala ko sa kanyang birthday greetings.

Hindi pa “seen.” Tulog na siguro iyong ale. Baka bukas na niya makikita ang message ko.

Naisipan ko biglang tignan ang convo namin sa Messenger.

Iniskrol up ko.

Wala pala kaming seryosong naging usapan mula noong nagtrabaho ako sa Korea. Tuwing  birthday niya eh babatiin ko siya. Pagkatapos niyang mag-thank you at maikiling kumustahan eh babay na.  Gusto ko sanang makipagkuwentuhan ng medyo mahaba-haba pero ang hirap tantyahin kung gusto ba niyang maki-pag chat ng matagal o hindi… kung gusto ba niya akong maka-usap katulad ng dati.

Inikskrol down ko naman.

May balak pala sana kaming magkita noong isang taon nang ako’y magbakasyon. Pero sanay na ako sa mga ka-chat kong  kaybigan, ma-babae o ma-lalaki,  na yayayain akong magkape at magkuwentuhan kapag nagbabakasyon ako sa Pinas pero hindi naman natutuloy. Puro drawing lang. Pero siguro kung hindi nagka-covid noon isang taon eh baka nga nagkita kami ni Kath. Hindi ko palalampasin ang pagkakataong makita siya at makausap. Hindi ko lang alam kung ganoon din siya.

Nang iko-close ko na sana ang FB para makapanood na ulit ako ng pelikula eh biglang naging “seen” iyong message ko kay Kath. Naka online pa siya. At nakita kong nagsisimula na siyang mag-type ng message.

“Sirrr!!!” Iyong ang unang message ni Kath.

Hanggang ngayon sir pa rin ang tawag niya sa akin. Naging intern kasi siya sa travel at recruitment agency ng tito ko kung saan kami nagtatrabaho pareho ni Anna bago ako napunta dito sa Korea. Ang misis ko na lang ang nandoon ngayon.  Ako ang head ng HR office at mismong sa office ko  ini-assign noon ng tito ko si Kath. Fresh graduate siya noon at ang kasunduan nila ng tito ko eh internship muna ang unang buwan, pero with pay, at kung iha-hire siya o hindi bilang fulltime employee eh depende sa recommendations ko.

“Kumusta po?”

“Ano ba Kath… kanina sir… ngayon pinopo mo naman ako. First name ko na lang.”

“Okay… okay. Sige… take two… Kumusta Marco?”

“Ma-beauty pa rin?” Ang pabiro kong sagot sa message niya.

“Wow! Same here… at mas ma-beauty ako sa iyo.”

Nagpalitan kami ng mga smileys pagkatapos niyon.

 “Salamat naman at hindi mo nakalimutan ang birthday ko.”

“Paano ko makakalimutan eh nakalista sa mga dapat kong batiin tuwing magbe-birthday sila.”

“Talaga lang ha. Salamat kasi nakasama ako sa listahan mo.” Ang sagot ni Kath matapos niyang pusuan ang message kong sinagot niya.

“Ano nga pala ang pinagkakabalahan mo ngayon?” Ang tanong ko sa kanya.

Sa tanong kong iyon nagsimula ang mahabang kuwentuhan namin. Noon lamang nangyari ang ganoon, ang mag-chat kami ng matagal sa FB. Dati matapos ang siguro’y palitan ng tatlo hanggang limang messages eh nagpapaalaman na kami.

Kinumusta ko ang kanyang pamilya.

“I and Jay… we’re happy together. We’re blessed as a couple.” Wika niya.

Ang tinatanong ko eh buong pamilya. Sa totoo lang eh hindi ko naman naisip si Jay ng kumustahin ko pamilya niya. Pero dahil doon na din lang niya dinala ang usapan eh tinanong ko na kung nasa Pinas ang asawa niya. Alam ko kasi na seaman ang kanyang napangasawa.

Aniya’y nakasampa daw ito kasalukuyan at sa South America daw bumibiyahe ang barko nila.

“Kumusta naman kayo ni Anna?”

Matagal bago ko sinimulang i-type sa convo namin ang sagot ko. Pinag-isipan ko ito ng mabuti. Kumusta na nga ba kami ng asawa ko?

“We’re okay.”

“Wow. Ang tagal bago sumagot tapos sasabihin lang na okay sila.”

Actually may karugtong iyon. Napindot ko lang kasi ang enter after ko i-type iyong isinagot ko.

“Nang tumigil na akong mag-set ng standards, eh mas naging maayos ang lahat sa amin.”

“Has she changed?”

Hindi ko agad nasagot ang tanong ni Kath.

“Marco… sorry for asking.”

“No worries Kath…. Actually… Anna is Anna. She is who she is. Tanggap ko na iyon.”

Thumbs up na lang ang isinagot ni Kath.

Naala-ala ko tuloy iyong mga pagkakataon na kapag nag-aaway kami ni Anna noon eh si Kath ang nagiging hingahan ko ng sama ng loob. Kapag pumapasok siya sa opisina ko noon at ako’y tahimik lang eh alam na niyang nagkaroon kami ng diskusyon ng misis ko.  Ipagtitimpla na niya ako ng kape at pagkatapos ay sasabihin na nitong huwag na akong mahiyang mag-share.

Akala ko na pagkatapos niyang mag-thumbs up eh magpapaalam na siya. Instead eh nag-send ito ng malungkot na emoji.

Nag-type ako sa convo namin.

“Okay lang ako Kath.”

Pinusuan niya ang message kong iyon.

Siya naman ang tinanong ko.

 “Kayo, kumusta set-up ninyo ni Jay? Restored na ba? As in back to what it used to be.”

“Yeah, back to normal. Naayos namin lahat ng problema. We both realized na kaylangan naming pagdaanan ang mga pinagdaanan namin. Katulad nang pinagdaanan ninyo ni Anna noon. You know na pareho kaming Christians kaya we chose to stay together and allowed God to lead the healing process.”

Thumbs-up ang isinagot ko sa kanya.

“I think mas matured na kami ngayon when handling our problems.” Dagdag pa niya.

Bago kasi ako nagpunta na Korea ay nagkita kami ni Kath. May pinagdadaanan daw silang mag-asawa na krisis noon at kaylangan lang niya ng kausap. Ako naman ang nakinig sa mga hinaing noon ni Kath. Mukhang hahantong daw sa hiwalayan ang problem nila noon. Tinanong ko kung ano ang dahilan pero nag-alangan siyang sabihin.

Sa bigat ng problemang pasan niya noon eh hindi ko na nagawang ihinga din sa kanya ang mga saloobin ko… ang mga pinagdadaanan ko noong panahong iyon. Ang matiniding krisis na pilit kong nilalampasan noon. Tiyak kong mas mabigat kung ikukumpara sa mga pasanin niya noon… na kinaylangan ko pang maresetahan ng anti-depressants noong mga panahong iyon. Ni hindi ko na rin nasabi sa kanya noon na malapit na akong umalis papuntang South Korea.

“Naku mukhang busy na si Marco.”

“Oops… no Kath. Naalaala ko lang kasi iyong last time na nag-usap tayo. Nanood tayo noon ‘di ba? ”

“Alin ang naalaala mo, pelikula o iyong pananantsing mo… iyong  kunwari eh yayakapin mo ako to comfort me pero sumisimple ka nang halik sa pisngi ko?”

“Hoy hindi ah.” Ang sagot ko sa message ni Kath. “I was just really comforting you then. Kung iba ang intention ko noon eh di sana…”

“Stop it Marco…”

“Okay… but I had no other intentions that time.”

“Sige na nga, sabi mo eh.”

Smileys ang isinagot ko kay Kath.

Tatlong puso naman ang sinend niya sa akin.

“I miss you Kath. I really do.”

Hindi ko alam kung tama ba na mag-message ako sa kanya ng ganoon. Para lang kasing may bigla akong naramdaman. Pamilyar ako sa pakiramdam kong iyon sa kanya.

Nasend ko na bago ko na-realize na baka masamain niya iyon.

“Naku… naku Marco… Sige goodnight na. It’s getting late. Sige na.”

Minasama nga siguro ni Kath ang sinabi kong iyon.

“Sorry Kath.”

“Sorry? Sorry for what?”

Hindi ako makapindot sa keyboard ng kahit anong letra. Matagal.

“Kako sorry for what?”

Hindi ko na matantiya kung gaano katagal na para akong natulala. Ang daming nanumbalik sa aking ala-ala.

Nag-type ako ng message. Pero hindi ko alam kung nandoon pa rin si Kath  o nag-logout na siya.

“Wala iyon Kath. Ay siya. Sabi mo nga kanina eh goodnight na. Thanks for the time.”

Sumagot si Kath. Galit na mga emoji ang isinagot niya. Sunod-sunod.

“Sige Marco, ibitin mo ako ulit. Sanay naman na ako na ganyan ka.”

Napahawak ako sa noo nang mabasa ko iyon.  Itong ganitong pagkakataon talaga ang dahilan kaya kahit gusto ko mang maka-chat si Kath eh umiiwas ako. Ganoon din siguro siya. Pareho sigurong ayaw naming may maungkat na hindi na dapat pang ungkatin.

Sa halip na mag-type ako ng message eh sinubukan kong i-video call si Kath.

Ni-reject niya.

Sinubukan ko ulit.

Rejected pa rin.

“Please answer my call. Hirap na akong mag-type sa keyboard.” Ang sumamo ko kay Kath.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan.

Sa wakas eh sinagot na niya. Pero naka-off ang cam niya.

Nag-type ako ng message…

“Pa-on naman ng video mo… please.”

“Why?” Ang sagot niya.

“I want to see you.”

Matagal-tagal rin bago pinagbigyan ni Kath ang kahilingan ko.

Pinagmasdan ko si Kath nang naka-on na ang kanyan cam. Tantiya ko parang ganoon din ang ginagawa niya. Tingin ko parang walang nagbago sa kanya. Halos walong taon na ang lumipas matapos ang huling pagkikita namin.

“Umiiyak ka ba?” Ang tanong ko.

“Buwisit ka kasi Marco. Nakakainis ka. Oh… bakit kaylangan pa natin mag-video call?”

“Eh ngalay na kamay ko’t mga daliri sa kaka-type. Saka kasi…”

Hindi ko maituloy ang gusto kong sabihin.

“Kasi ano?”

“Hay… sige na nga… nami-miss kita Kath.”

“Aywan ko sa iyo Marco. Ang hirap tantiyahin kung nagsasabi ka ng totoo o nambobola ka lang.”

“Ganyan ba talaga tingin mo sa akin.”

“Oo matagal na. Mula nang hindi ka sumipot noong araw na iyon.”

Wala akong maisagot kay Kath. Iyon pa rin ang isyu niya sa akin kapag napupunta sa ganito ang usapan namin. Isyu na hindi ko rin alam kung bakit hindi ko pa nasasagot hanggang ngayon.

“Marco, may itatanong ako sa iyo. At sana once in your life eh maging honest ka sa pagsagot. Kahit ngayon lang.”

Masakit iyon. Brutal. Para bang napakasinungaling kong tao talaga.

“Okay… okay…  Promise. I’ll be honest. Ano iyon?”

Hinintay ko ang tanong niya. Alam kong tinititigan niya ako sa monitor ng computer na gamit niya. Pilit kong hinuhulaan kung ano ang tanong na iyon. Iyong nanaman bang hindi ko pagsipot sa usapan naming magkitkita noon? Siguro iyong ginawang paglilipat sa kanya ng tito ko sa ibang branch ng pinagtatrabahuhan namin. Halos six months kaming magkasama sa office ko pagkatapos ng kanyang internship bago siya inilipat. After two months ng paglipat sa kanya eh nag-resign siya at naghanap ng ibang trabaho. Baka gusto niyang itanong kung bakit hindi ko siya pinigilan noong sinabi niyang magre-resign siya o bakit parang balewala lang sa aking nooong sinabi niyang magpapakasal na sila ni Jay. Hindi namin kasi napag-usapan ang mga isyung iyon kahit ilang beses kaming nagkita bago ako nag-Korea. O baka itatanong niya kung bakit hindi ako nagsabi sa kanya na mangingibang-bansa ako at bakit hindi ako gumawa ng paraan na kontakin siya madalas mula noong nagtrabaho ako sa dito.

Aling kaya sa mga naisip ko ang itatanong niya?

Matagal-tagal din bago siya nagsalita.

“Ay huwag na lang. Nakakahiya”

 “Ganun? Teen-ager ba ang peg.”

  “Sobra ka Marco ha.”

  “Okay. Ano ang gusto mong itanong?”

  “Hindi na nga kako. Forget about it?”

  Napabuntung-hininga tuloy ako. Parang alam ko na kung ano ang gustong itanong ni Kath.

  “Okay Kath. Ako na lang ang magtatanong.”

  “Sige…sige… huwag lang sa Math ha. Weakness ko iyon.”

  Nangiti ako sa sinabing iyong ni Kath. Nandoon pa rin ang kanyang trademark na sense of humor.

  “Kath… did you really love me before?”

  Napapikit si Kath. Bumuntong-hininga.

Part 2

On Stories and Storytelling (3)

(Last of 3 Parts)

One subject that I miss teaching  is Creative Writing. I consider it an ultimate challenge as an English and literature teacher to teach the said subject. It is quite challenging to lead a study of the different forms of discourse with the end goal of developing in the students the ability to write narrative, descriptive, expository, and argumentative compositions. What adds to the challenge is making the students understand the principles of stylistics, literary criticism, and linguistic and literary devices. As course requirements, I required them to submit a movie review, a short story analysis, two essays, and a short story.

When I created the syllabus for the course, I intentionally did not include poetry. It wasn’t just possible for me to cover both prose and poetry in one semester. It would  be difficult for them had I included a poem among those they should submit at the end of the term.

My students had struggles with writing stories. It was easier for them to produce essays. They just toyed with the movie review and short story analysis. Yes, it was easy for them to deconstruct a story and break it down into its different parts –  the so-called elements of fiction. But most of them had difficulty putting those component parts to  construct their own stories.

I told them that I had the same struggles when I began writing. My first stories then were terrible (I hope they are better now.) Writing a story is a skill that would require time to develop. I explained to them that the most famous and talented writers had to hone their craft over  a period of many years. Admittedly, I didn’t have statistical data to support that statement but it was (and still is) safe to assume that the literary greats had “burned oil in many midnights” before they attained their greatness.

I did not mention about Gladwell’s 10,000 hour-rule for it might just instantly extinguish any flickering hope of any one of them to become a writer. Perhaps some of them may have bumped into that idea later on. If during those times I have already known about Kaufman’s 20 hour-rule, I would not be mentioning it either for I don’t like to give them false hope that it would take that so short a time to become good at writing stories.

To become good at writing stories, you have to attain a certain degree of fluency or proficiency in the language you are using to write your stories. If saying that your sentences should be syntactically correct is a mouthful then let me just say that they (your sentences) should be correct and comprehensible.

You already have an advantage if the language you intend to use to write your stories is your native language. You very well know how important is vocabulary in writing. Consider this: Native-level fluency (this is from Wikipedia) is estimated to require a lexicon between 20,000 to 40,000 words.

But it doesn’t mean that being a native speaker of that language automatically makes one a good writer. If so, we could have had lots of Shakespeares, Hemmingways,  Tolstoys, Hugos, Tagores, Xuns, and Rizals.   Many native speakers of their own languages could not write a simple story or a poem.

Proficiency in a language is only one of the many skills you have to develop. There are other skills necessary to writing well including the ability to choose the right words to develop related ideas, organize those ideas into a cohesive whole, and to creatively combine and contrast those ideas. And as I reiterated in part 1 of this 3-part series… “Writing stories require that you should be able to knit together the elements of fiction within the frame of the plot, to make sure that the most important element of fiction – conflict – is laid down clearly and passes through exposition, complication, crisis, falling action, and resolution.” 

In short, writing stories is an art and I doubt if anybody could learn it in just 20 hours. Just developing proficiency in a language, if you are not a native speaker of that language, is not achievable in 20 hours.  However, you might think spending 10,000 hours to develop a specific skill would probably be too much – unless you want to acquire true expertise in a specific field. If you do it for 5 days a week, because you might need a 2-day break, that’s 4 hours a day in nine years. 

You probably would like to start developing your writing skills at least one hour each day. That’s what I have been doing. It works for me.

Prior to writing the short story, I would require my students to submit a 10-sentence story line of the story that they are planning to write. One time, when I was giving them examples of story lines off the top of my head, one of them asked me where am I getting ideas for my stories.

Before answering that question, I asked them to, again, define literature. Then one of them gave exactly the definition upon which I intended to anchor my answer to the question one of them asked  – “Literature is a faithful reproduction of life executed in an artistic pattern.”

I explained that what we read in stories mirror the things happening in real life. Writers draw ideas for their stories from the experiences of people around them and from theirs as well. That’s how I do it.

“Literature,” I added, “is an artistic expression of significant human experiences.” (I can’t recall anymore who said that.) That’s the reason why when we are reading stories or watching movies we feel like it’s our personal story being told.

I told my students that rarely do I borrow someone’s experience to write a story because my life itself is a fountain of many story lines.

Part 1

Part 2

%d bloggers like this: