Category Archives: Fiction

Hindi Nga Ba Ukol? (6)

(6th of 7 parts)

“Well said… isa ba iyan sa mga inihanda mong speech para ma in love ulit ako sa iyo?”

 “Bakit Kath… hindi ka ba in love.”

“Here we go again… Marco… we’re just friends now. Nothing more… nothing less.”

Tumahimik na lang ako matapos sabihin iyon ni Kath.

“Pero Marco… sino iyong tinutukoy mong puting rosas doon sa tula mong “Sa Hardin ng Puso Ko”?

Totoo ngang binabasa ni Kath ang mga tula ko. Alam niya ang ganoong ka-specific na detail sa tula kong iyon.

“Kath… obvious naman siguro na ikaw iyon di ba.”

“Ewan ko sa iyo Marco. Ewan ko sa iyo.”

**********

Mula noon, ang once a week naming video calls ay naging twice a week,  minsan nga ay thrice. May mga pagkakataon na siya na mismo ang tumatawag sa akin. Minsan nga kahit hindi gabi ay nagugulat akong bigla na lamang siyang tatawag.

“O Kath, natawag ka. What’s up?”

“Sorry naabala yata kita… sige na cut ko na itong call.”

“No… no… no… Please don’t. Break ko ngayon. Nandito ako sa isang coffee shop. Balik ako sa office after 20 minutes.”

“Okay. What time ka uuwi mamaya?”

 “You know my schedule Kath.”

“Ah yeah… Today’s Wednesday. You be home by 7:00 PM.”

 “Yes baby!”

“BABBYY!? Me?”

 “Yeah. Okay lang ba Kath kung tawagin kitang baby?”

 “Magtigil ka nga Marco.”

 “Sige na… just let me call you baby.”

 “Bahala ka nga.”

 “YEESS! Teka bakit nga pala natawag ka?”

 Hindi sumasagot si Kath.

 “Aha! Alam ko na. Miss ako ng baby ko.”

 “Assuming ka Marco.”

 Alam ko naman kung bakit tumawag si Kath. Hindi na niya kaylangang sabihin.

 “Hoy Marco… sino iyang babae sa likod. Tingin ng tingin sa iyo ah.”

 “Malay ko. Gusto mo tanungin ko pangalan?”

 “Sira… Siguraduhin mo lang na hindi mo kasama iyan ha.”

 “No baby. I don’t know her.”

 “Okay Marco. I know you still need to go back to work. Ako naman eh preparing to attend our mid-week service sa church.”

**********

That night, excited akong tinawagan ulit si Kath. Katulad ng dati ay nagsend muna ako ng PM sa kanya.

“Hello Kath! Puwede po bang tumawag?”

Dati, it would take only a few seconds for Kath to respond indicating na hinihintay niya talaga na magparamdam ako. That time, ilang minuto na ang lumilipas ay hindi siya sumasagot. “Not seen” ang status ng message kong iyon.

Maraming bagay ang naglaro sa isip ko. Baka nakatulog siya o busy with something. O baka nagkaproblema at dapat niya ito ayusin.. O baka ayaw niya lang talaga akong kausapin.

After an hour, muli akong nagmessage.

“Kath… if there is something wrong… please tell me. But if you have just fallen asleep eh okay lang. I’ll just see you tomorrow. Goodnight baby.”

Nahiga ako pero hindi ako dalawin ng antok. Maya’t-maya eh tinitignan ko ang aking FB messenger checking if she has already responded. Pero wala.

**********

Hating-gabi na nang naglakas-loob akong tawagan siya sa Messenger.

Sinagot niya.

“Are you okay Kath?” Ang bungad ko sa kanya.

Umiling-iling siya.

“May I know why?” Ang tanong ko.

Matagal bago siya sumagot.

“Marco…”

“Sige lang… I am listening.”

“Marco… let’s stop this. Please stop calling me.”

“Why? Kanina nang tumawag ka okay naman tayo ah. Why all of a sudden eh ganito…”

“I’m sorry Marco… Ang tindi ng tama sa akin ng preaching ni pastor kanina. Sapol na sapol ako.”

“Bakit ka naman nasapol?”

“Can’t you see Marco? I long for your presence more than I long for Jay’s presence. Dati nag-uusap kami almost every night. Then you came back to my life. Now, I’d rather talk to you than to him.”

Natutuwa akong marinig ko iyon. Iyon ay isang pag-amin na mahal niya ako… na mahal pa rin niya ako hanggang ngayon. Pero hindi lubusan ang saya kong iyon dahil nararamdaman ko ang struggles ni Kath.

“Heto nanaman ako Marco. Nagpapakagaga sa iyo. Bakit ba pagdating sa iyo eh ang rupok-rupok ko.”

Hinayaan ko lang magasalita si Kath. Nakining lang ako.

“Tahimik na kasi ako noon Marco.  Bakit kasi  hindi mo na lang ako kinalimutan? Bakit kinulit mo pa ako ng kinulit? Kasalanan ko naman eh. I could have chosen to disengage earlier from that conversation when you greeted me on my birthday. Bakit kasi hinayaan ko na humaba ang paguusap natin noon? Bakit kasi sinagot ko iyong video call mong iyon?”

Pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon eh may namagitang katahimikan sa pagitan namin.

“Mali itong ginagawa natin Marco. Tigilan na natin ito. Kalimutan mo na ako.”

“Kalimutan ka Kath? Sabi ko nga sa iyo di ba. Sinubukan ko. Pero ang hirap mong kalimutan. And I think I will never ever do that. I am sorry. I love you baby.”

Nakita kong tumitig direkta sa webcam ng laptop niyang gamit si Kath. She probably searched for my eyes.

“I love you too Marco… I love you. May God forgive me… but I love you.”

**********

Almost every night na kami nagkakausap ni Kath since then. Minsan kahit sa araw ay bigla na lang siyang tatawag… ganoon din ako. Kapag nami-miss ko siya eh tatawag ako at kahit sandali eh maguusap kami.

Kung naglalakbay kami sa dagat eh masasabi kong lumaot na kami ng lumaot ni Kath. Hindi na namin tanaw ang dalampasigang pinanggalingan namin. At hindi din ako nakakatiyak kung gusto pa namin bumalik sa dalampasigang iyon.

Isang gabi…

“Marco… gaano katotoo na mula nang mapunta ka diyan eh hindi ka umaano?”

“Umaano? Ano iyon?”

“Sus… akala mo naman hindi niya alam kung ano sinasabi ko. O sige… dyugdyug na lang. Mula ba noong nag-Korea ka eh hindi ka naka-dyugdyug?”

“Sabihin ko mang hindi eh maniniwala ka ba?”

“Mahirap lang paniwalaan… sa ano mong iyan eh parang imposible.”

“Sa ano? Anong ano sinasabi mo?”

“LIBOG… Sa libog mong iyan eh parang imposibleng hindi ka umaano diyan.”

“Sabi nang hindi nga eh… Kung gusto kong tumikim ng babae dito eh may pambayad naman ako. Kayang-kaya ng budget ko. Puwede ring akong manyota ng mga babaeng Pinay dito kung gugustuhin ko.”

“So… how do you… you know.”

Natawa ako sa tanong na iyon ni Kath.

“Selfie. Do you get what I mean.” Sagot ko.

“Sus, pa-cute ka pa. Ayaw pang sabihin masturbate.”

Nagtawanan kaming dalawa.

“Ayon na nga… Nagse-selfie ako Kath. Not necessarily dahil horny ako. Kaylangan kong i-realease  iyon. Naniniwala ako na one way of avoiding prostate cancer eh there should be a certain number of times na mag-ejaculate ang lalaki.”

“Talaga?”

“Yes Kath. That’s the only reason I need to do it. Kaya nga ako twice a week mag-selfie.”

“Do you need stimulation kapag gagawin mo iyon?”

“Yeah… may mga adult websites akong pinupuntahan whenever I have to do it.”

“Ay… kadiri ka Marco.”

Nagtawanan ulit kami  ni Marco.

“By the way Kath, I hope you don’t mind me asking. Ikaw… do you…”

Parang nahiya akong ituloy ang tanong na iyon.

“Masturbate? Do I masturbate? Is that what you want to ask?”

Tumango ako.

“No! During the first few days of Jay sa barko eh minsang sinubukan naming gawin iyon online.”

“Kath…You mean cybersex.”

“Yup Marco. But I wasn’t able to attain orgasm. I don’t know why. Kaya hindi na namin inulit.”

“Kath…”

“Yes Marco.”

May iba akong naramdam dahil sa pinaguusapan namin.

“Why Marco? Are you okay?”

“Ahh.. sorry Kath. I just felt something.”

“What is it?”

“Never mind Kath. I’ll be fine.”

“No Marco… tell me what you feel.”

“I said never mind Kath.”

“Marco… I said tell me.”

Part 7

Advertisement

Hindi Nga Ba Ukol? (5)

(5th of 7 parts)

“Si… sino siya?”

“You mean hindi mo alam kung sino siya Kath?”

“Damn you Marco! Why don’t you just answer me. Sino siya?”

Pagkasabi niyon eh iniba ni Kath ang puwesto ng kanyang upuan. Halos nakatalikod na siya sa akin.

“Kath…”

Hindi sumagot si Kath. Wala siyang kibo.

“Kath… It’s you. It has always been you. You know that. I should have waited for you and not hastily committed to  marry Anna. Hind ako dapat nakinig kay mama noon. Dapat itinuloy ko iyong balak kong dalhin ka sa Cebu noon.”

“Stop Marco… please stop.”

“Ang dahilan kung bakit ko piniling manatili sa piling ni Anna eh wala naman akong pupuntahan. Walang Kath akong pupuntahan. Wala ka.”

“I said stop!”

“Kung magkakaroon ulit ako ng relasyon, sa iyo lang dapat. Kung hindi din lang ikaw eh huwag na lang. I l love you Kath. I still love you after all those years. I never stopped loving you.”

“ANO BA MARCO!!! SABI KO TUMIGIL KA!!!”

Pagkasabi niya niyon ay tumayo si Kath. Umupo siya sa kama. Natatanaw ko siya. Hindi siya tumitingin sa monitor ng laptop. Tinatawag ko pangalan niya pero hindi niya ako nadidinig. Nakasaksak ang earphone sa laptop.

Hindi ko pinagsisihan na sinabi ko lahat ng iyon kay Kath. Lahat ng sinabi ko ay totoo. Hindi nawala ang pagmamahal ko kay Kath. Hindi ko lang sinabi iyon the last time we talked kasi very playful ang mode namin noon. That was not the right time to say it.

Binalikan ako ni Kath. Inilagay ulit sa kanyang tenga ang kanyang headset.

“Marco… do you know what you’re doing?”

Napaisip ako matapos sabihin iyon ni Kath. Alam ko namang pareho kaming married. Pero bakit ko piniling sabihin lahat ng iyon kay Kath.

“Naririnig mo ba ako Marco… I am asking… Do you know what you’re doing?”

“I do know Kath. I know what I am doing. I’m old enough to know what I am doing?”

“Okay… What are you doing?”

Seryoso si Kath.

“I am being honest about how I feel for you.”

“NO!!! Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo? Ginugulo mo ang tahimik kong buhay. Ginulo mo ako noon… ginugulo mo nanaman ako ngayon.”

After saying that, Kath dropped the call. Hindi ko masasabing galit si Kath nang sabihin niya iyon. Ang nakita ko sa kanya ay parang struggle. Nahihirapan siya. Nalilito.

Gusto kong tawagan ulit si Kath. But I chose not to. Baka kasi lalo siyang magalit… halimbawa mang galit nga iyong nakita kong emotion niya.

Nahiga na lamang ako.

Tama naman si Kath. Tahimik na ang buhay niya at heto ako parang ginugulo ko nanaman siya. Nanaman dahil katulad noong naging intern ko siya eh wala siyang gustong gawin noon kundi magtrabaho at simulant ang kanyang career. At ano ang ginawa ko? Hinayaan kong mahulog ang damdamin niya sa akin samantalang alam ko naman na kasal na ako noon kay Anna.

Bakit nga ba ako na in love kay Kath? Dahil ba sa may problema kami noon ni Anna at nangangaylangan lang ako noon ng taong makikinig sa akin… ng taong makakaunawa sa mga pinagdadaanan ko noon? Dahil ba sa nakita ko kay Kath iyong mga qualities na gusto ko, qualities na wala kay Anna?

Hindi eh. Kahit siguro noong panahon na iyon ay wala kaming problema ni Anna, I would still fall in love with Kath. Napakadaling ma in love kay Kath. She is very smart and pretty. And she is more than beautiful. She is charming and sweet. Clingy. Kapag kausap ko siya noon eh parang ayaw kong matapos ang paguusap na iyon. Hindi lang naman tuwing may problema lang kami ni Anna  na saka ko lang siya kakausapin. Iyon bang excited akong makarating noon sa opisina dahil alam kong nandoon siya.

Napakswerte lang ni Jay at siya ang pinakasalan ni Kath. Pero parang gusto kong subukang agawin sa kanya si Kath. It sounds ridiculous pero iyon ang gusto kong gawin.

Pero mukhang sablay ang naging first move ko. Mukhang natuliro ko si Kath. Parang I forced the issue at mukhang na-turn off siya. Sana naghinay-hinay lang ako.

*****

Hating-gabi na. Naisip kong baka tulog na siya. Minabuti kong huwag na lang siyang tawaga ulit. Parang nawalan ako ng confidence na tawagan siya.

Nagpasiya akong matulog na lang. Pero ko sana i-off ang laptop ko ang nagsend ako ng message kay Kath sa Facebook Messenger. After saying sorry I told her not to worry anymore dahil iyon na huling tawag ko sa kanya. Sinabi kong kahit kaylan eh hindi ko na siya guguluhin.

Hindi niya sinagot ang message ko… nag-video call siya.

I accepted the call.

Napakatagal bago may nagsalita sa amin.

“Kath…”

“O…”

“I’m sorry for telling you all those. Hindi ko intention na guluhin ka, na guluhin ang tahimik mong buhay.”

“Ginawa mo na, nagulo mo na… nagulo mo na isip ko.”

Dapat ko pa bang tanungin kong bakit nagulo ko ang isip niya. Malinaw. Mahal pa rin niya ako. Aminin man niya o hindi, tiyak kong mahal pa rin ako ni Kath.

“O ano Marco masaya ka ba na ginugulo mo ako?”

“Kath…”

“O… ano ba!? Kath ka lang ng Kath. Wala ka na bang ibang sasabihin?”

“Again… I am so sorry that I told you what I told you.”

“So… What could your sorry do?”

“Gusto ko lang naman na mag-reconnect tayo. Gusto ko lang na makausap ka ulit palagi katulad noon.”

“Bakit? Hindi mo ba puwedeng kausapin si Anna? Kausap lang pala ang gusto mo eh.”

“Nakakausap ko naman siya.”

“Oh, why do you still need to talk to me?”

“Kath… Hindi pa ba malinaw sa iyo? I long for your presence. It’s not that I want to talk to you. I want to see you.”

Umiling-iling si Kath. Medyo matagal bago siya sumagot.

“Marco… bakit ba kasi ayaw mo pa akong tantanan. Puwede bang hayaan mo na lang ako. Kalimutan mo na lang ako.”

“I tried to forget you Kath. God knows I tried.”

“Then?”

“Kath… I failed. I miserably failed.”

Totoo iyon. Sinubukan kong kalimutan si Kath pero ang hirap talagang gawin.

“Okay. Walang akong magagawa kung talagang ganyan ang nararamdaman mo sa akin. Pero don’t expect anything from me. I am a married. We’re both married. We both have children.”

“Naiintidihan ko.”

“What we have now Marco is nothing but friendship.”

 “I understand. But please allow me call you kahit once a week lang.”

“Once a week lang pala eh. Walang problema.”

“Thank you Kath. I love you.”

“Marco… as I said. What we have is nothing but friendship.”

“Why Kath? Can’t friends not say I love you to one another?”

“Palusot ka pa ha.”

“Hindi ah. What I said is true. Friends do say I love you to one another.”

 “Okay… okay… I love you too my friend.”

Nangiti ako sa narinig ko at hindi iyon nalingid kay Kath.

“Hoy… bakit nangingiti ka diyan. What I said is clear… may friend sa dulo.”

“Yeah… yeah. Fair enough for me.”

“Sige na Marco. Let’s talk some other time. It’s very late now. Kaylangan kong gumising ng maaga. May pasok mga bata.”

“Ow sorry… kinain ko na oras mo.”

“No worries Marco.

“Okay Kath! Thanks for the  time. See you soon. Sleep well.”

“I’m not sure of that Marco. We’ll see. I’ll drop the call now. Good night.”

**********

In the next two weeks ay nagkaka-video call kami ni Kath sa gabi kapag tulog na ang mga anak niya. Excited kaming nagkuwentuahan tungkol sa mga bagay na nangyari sa bawat isa sa amin since the last time na nagkita kami before ako pumunta dito sa South Korea.

Naging member daw siya ng isang Christian group kung saan siya uma-attend ng mid-week at Sunday worship. Very active daw siya sa church na iyon. Umaattend din daw doon si Jay kapag siya’y nagbabaksayon doond sa Pilipinas.

Sa parte ko naman ay sinabi ko sa kanya na sineryoso ko ang aking pagsusulat at nag-create ako ng website para sa mga sinusulat ko. At nasorpresa ako ng sabihin niyang alam niya ang tungkol sa website.

“Aaminin ko na updated ako sa mga posts mo sa website. Binabasa ko ang mga sinusulat mong tula at mga kuwento.”

“Ibig sabihin eh, alam mong ilan sa mga kuwento at tula ko ay tungkol sa iyo… tungkol sa nararamdan ko sa iyo.”

“Ayaw kong mag-assume Marco.”

“Are you playing naïve Kath?”

“Ayaw ko nga lang mag-assume. Ano ba?” Why don’t you just tell me?”

“Yes Kath. Whenever I need an inspiration or a motivation to write poems and stories. Iyong memories natin ang pinghuhugutan ko. Whatever emotion I need to portray … joy… love… pain… and what have you, I think of you. I think of the ‘we’. I mean iyong tayo  na hindi nangyari.”

Part 6

Hindi Nga Ba Ukol? (4)

(4th of 7 parts)

Part 1

Part 2

Part 3

Iba ang siglang nadama ko pagkatapos ng video call at palitan namin ng messages ni Kath.  Pakiramdam ko’y nagkaroon ng closure ang napakarming issues sa pagitan namin. Nagkaroon ng linaw ang maraming bagay tungkol sa aming dalawa.

Sinimulan ko nang i-erase ang mga messages namin. Nabasa ko ulit ang message niyang  nagsasabing hindi raw kami ukol sa isa’t-isa… that we were not meant to be with each other.

I gave that a serious thought.

Hindi nga ba kami ukol para sa isa’t-isa? Are we really not meant for each other?

**********

After two days, nang inopen ko ang Facebook  ay tinignan ko ulit ang profile ni Kath, katulad ng madalas kong gawin. Tinignan ko nanaman ang mga solo shots niya sa kanyang album na profile pic.

Hindi na ako nakatiis.  Nagmessage ako sa kanya.

“Hello Kath! Busy?”

Mga five minutes siguro bago siya nag-respond.

“Hindi naman. Just reading to kill time.”

“I see.”

“So… what’s up Marco?”

“Kung hindi ka pa sana matutulog eh can I call?”

“What if I say no?”

“Please Kath, kahit saglit lang.”

“Why? Napagusapan na natin lahat 2 nights ago ‘di ba? So, tell me… why do you need to call me?”

May ilang sandali din ang lumipas bago ako nakasagot.

“Kath… please. Let me talk to you kahit few minutes lang.”

“Bakit nga kako… Bakkittt?”

I told her the truth.

“I miss you Kath. Iyon lang. I just want to see you again.”

Nabasa ni Kath ang sinabi kong iyon. Naging “seen” ang status ng message.

Feeling ko eh hindi ako pagbibigyan ni Kath.

Nag-send ulit ako ng message.

“I am sorry Kath. I’m just being true to myself. Sobrang na-miss talaga kita.”

Pagkatapos niyon, nagulat ako pero tuwang-tuwa dahil si Kath na mismo ang tumawag.

In-accept ko ang video call.

“Thank you Kath!”

“Thank you ka diyan. Makulit ka pa rin hanggang ngayong Marco.”

Ang sabi ni Kath habang inaayos ang earphones sa kanyang mga tenga.

Naka lady sando at shorts lang si Kath. Malawak ang sakok na kuha ng gamit niyang webcam kaya nakikita ko siya mula hita hanggang mukha.

“O… saan ka nakatingin?”

Nangiti ako.  Nag-adjust ng puwesto si Kath kaya mula dibdib hanggang mukha na lamang niya ang aking nakikita.

“Sa mukha mo ako nakatingin ano.”

Hindi nga talaga kumupas ang kagandahan ni Kath.

“Hay naku Marco. Hanggang ngayon eh napakahirap mong hindian. Ang kulit-kulit mo.”

“Sorry Kath. Talaga lang na sabik akong makita ka.”

“O sige na… sige na. Naniniwala na ako.”

“Ikaw ba Kath… do you miss me?”

Napayuko si Kath. Bumuntong-hininga.

“Ano ba Marco. Bakit ba kaylangan mo pang tanungin iyan?”

“Yes or no lang naman. Mahirap bang sagutin ang tanong ko.”

“Oo na… oo na… miss rin kita. O ano masaya ka na?”

“Thank you Kath.”

“Thank you ka diyan. Marco lilinawin ko lang ha.”

“Ang alin?”

“May asawa’t anak na tayo pareho. Tahimik na pareho ang mga buhay natin. Okay.”

Tumango lang ako bilang tugon.

“Pumapayag akong mag-usap tayo dahil magkaybigan tayo. May pinagsamahan tayo. Nothing more… nothing less.”

“Loud and clear  Kath.”

“Mabuti naman!”

“Nasaan nga pala mga tsikiting mo.”

“Nasa kani-kanilang kuwarto. Mga 9:00 PM eh pinapasok ko na sila sa mga kuwarto nila para matulog.”

“So okay lang na tawagan kita a little past 9:00 PM diyan.”

“Hoy Marco… huwag kang assuming… last na video call na natin ito.”

“Huwag naman… sana kahit once a week at least eh magkausap tayo.”

“What made you think na gusto kita kausapin at least once a week?”

“Basta… tatawagan kita Kath. Magbabakasakali na maawa ka sa akin eh sasagutin mo.”

“Bahala ka… hindi ko sasagutin ang tawag mo. Kaya nga lahat ng gusto mong sabihin eh sabihin mo na ngayon.”

Alam kong hindi totoo iyon. Alam kong kapag tumawag ulit ako kay Kath eh sasagutin at sasagutin niya ito.  Nararamdaman kong mahal pa rin  niya ako.  At hindi ako puwedeng magkamali sa kung ano ang nararamdam ko – mahal ko pa rin si Kath.

Sana mali ako sa aking assumption tungkol sa nararamdaman sa akin ni Kath. Sana nga mali ako sa dahilang kapag hindi ko napigilan ang aking sarili sa sa pagpapakita ng kung ano ang nararamdaman ko sa kanya eh paano kung bumigay din siya?

“Kaylan nga pala uuwi si Jay?”

“I don’t know. Baka next year. Every two years siya umuuwi. Pero dahil sa covid eh baka madelay. Ikaw… kaylan ka magbabakasyon dito sa atin?”

“Next year din. Ang tagal pa nga eh. Uwing-uwi na ako.”

“Wow! Mukhang miss na miss mo na si Anna ah. Tama?”

“Siyempre lahat ng mga mahal ko sa buhay eh miss ko na.”

“At siyempre kasama doon si Anna… di ba?”

“Bakit ba lagi mong isinisingit si Anna?”

“Aba siyempre… sino ang gusto mong tanungin ko na nami-miss mo? Si Mayette?”

I chose not to respond.

Si Kath ang tumapos sa dead air na namagitan sa amin.

“O sige na Marco. Mukhang ayaw mo na akong kausapin. Drop this call now.”

“Bakit ko naman mami-miss si Mayette?”

“Malay ko sa iyo? Hindi mo ba namimiss iyong dyugdyugan ninyo noon?”

“Kath please.”

“Naku Marco… sa libog mong iyan at dahil hindi mo kasama diyan si Anna eh siguradong…”

“No! I never fucked anyone here. I have not fucked anyone in 8 years.”

Tumawa nang tumawa si Kath. Parang nanunuya.

“Do you expect mo to believe that?”

“I don’t care if you believe it or not. Kahit naman kaylan hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko.”

Tumigil sa pagtawa si Kath. Bigla siyang naging seryoso.

“Granting na wala kang tinira diyan Marco, what about your wife tuwing nagbabakasyon ka dito?”

Ipinaliwang ko kay Kath na after niyang ipangangak si Kenneth ay hindi na kami nakapag-sex ni Anna. Nagkaroon siya ng diabetes  at isa sa mga naging epekto ng kondisyon niyang iyon ay ang pagbaba ng kanyang libido. Bukod doon ay may sumasakit sa kanyang ari tuwing gagawin namin iyon.

“Sorry to hear that Marco.”

“We don’t even sleep in the same room kapag umuuwi ako.”

“Ha!?  Why?”

“Don’t ask Kath. Sabihin na lang natin na that’s the kind of arrangement that made both of us happy and enabled us to preserve our marriage.”

Natahimik nanaman kami pareho ni Kath.

Mahirap sabihin kung naniwala ba sa mga sinabi ko si Kath. Mahirap naman talaga paniwalaan na may ganoon kaming arrangement ni Anna. Pero dahil nga sa sakit niya eh hindi ako makapag-insist na  magsiping kami. At kahit  nga  hindi kami tuluyang naghiwalay noon at nagkaanak pa kami bago siya nagkasakit eh hindi ko masasabing naging maaayos ang pagsasama namin. Away-bati pa rin kami. Para talaga kaming aso’t pusa. Napatawad naman niya ako sa pagkakaroon ko ng relasyon kay Mayette at ako nama’y tinigilang kong mag-expect ng mga bagay na hindi niya kayang ibigay. Pero wala talaga kaming tinatawag na chemistry. Tinanggap ko na nga lang noon na ganoon siya… na hindi siya katulad ni Kath. Pero mayroon din naman siyang magandang mga qualities. Unfair naman na sabihin kong puro negative ang nakikita ko sa kanya. Hindi lang talaga kami magkasundo sa mga napakaraming bagay

Puwede kong sabihin na isa sa mga naging magandang resulta ng pagtatrabaho ko dito sa South Korea ay ang pagkakaroon ng physical distance ni Anna. Mahirap kasi talaga na magkasama kami sa iisang bahay. Nakakapagtakang bigla na lang kaming magkakaroon ng disagreement kahit tungkol sa mga napaka-petty na mga bagay.

“Ang gara naman ng arrangement ninyo. Why did you decide to stay with her despite… you know…”

“Despite the absence of sex… despite the fact that we literally sleep in different rooms kapag nandiyan ako sa Pilipinas?”

Hindi sumagot si Kath. Parang nakatingin lang siya sa akin.

“Tell me what I should have done Kath. Find another Mayette!  Is that what I should have done?”

“I don’t know Marco! I don’t know!”

“Kath… I realized when I was here in South Korea who I should have had as a wife. I finally came to know kung sino ang gusto ko na makasama hanggang sa pagtanda ko kung mabibigyan kami ng pagkakataon. Kung magkakaroon ulit ako ng bagong relasyon I want it with only one person… with her. Kung hindi siya… huwag na lang.”

Part 5

%d bloggers like this: