Hanggang Sa Kawalang-Hanggan

Kita’y katabi, tag-araw o tag-lamig
Kaulayaw ka maging sa panaginip
Mga puso nating iisa ang pintig
Binigkis tayo sa tunay na pag-ibig

Sinamahan akong maglakbay sa dagat
Bangka ko’y nilagyan ng katig at layag
Araw kang sa umaga ko ay sumikat
Sa buhay naging sandigan ko’t lakas

Lagi kang nandoon, ‘di ako iniwan
Handa ka palagi na ako’y damayan
Matindi mang dagok sa buhay dumaan
Sa lungkot at saya ako’y sinamahan

‘Di ako iniwan, lagi kang nandoon
Buhay mo tila sa akin nakatuon
Kasama kita sa paglipas ng panahon
Mga pagsubok, sabay nating sinuong

Ano man ang ating mga pinagdaanan
Kamay ko ay mahigpit mong hinawakan
Pagmamahal mong sa aki’y pinaramdam
Ang ligayang dulot walang mapagsidlan

Pagmamahal mo ri’y tila isang paham
Gurong araw-araw akong tinuturuan
Kay daming aral sa ‘yo ko natutuhan
Pintig ng puso mo ako’y ginagabayan

Napakaraming taon man ang lumipas
Pagmamahal mo nanatiling matingkad
Tamis ng ngiti mo ay hindi kumupas
Hindi ko nanaising ito’y magwakas

Pag-ibig ko sa ‘yo, mananatiling wagas
Daang taon man sa panaho’y malagas
Mga kamay mo’y mananatiling hawak
Kawalang-hanggan ma’y marating ang wakas

Advertisement

About M.A.D. LIGAYA

Teacher-Writer-Lifelong Learner I have three passions - teaching, writing, and learning. I am a Filipino currently residing and teaching in South Korea. I blog and vlog the things I write. I have two websites and two YouTube channels where I publish my works in my areas of interest. I also use Wattpad and Pinterest to publish my creative works. I am into research as well. Some of my articles were presented at conferences and published in indexed-journals. TO GOD BE THE GLORY!

Posted on November 1, 2020, in Creative Writing, Poetry, Tula and tagged , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: