Ako’y Hinog Na

Ika’y nagbantay,
Matyagang naghintay.
Sa wakas, ako’y nahinog.
Hinog na hinog!
Pagmasdan mong mabuti ang aking alindog.
Hayaan mo munang mata mo’y mabusog.
Ika’y lumapit.
Di ba’t ako’y walang kasing-kinis?
Batid mo nang ako’y ubod tamis.
Batid mo ring ako’y makatas…
na ako’y walang kasing-sarap.
Halina.
Lapit pa.
Hawakan mo ako.
Hinay-hinay lang.
Ako’y hinog na.
Hinog na hinog.
Ako’y haplusin,
Dahan-dahang pitasin.
Amuyin…
Kagatin…
Gutom mo’y iyo nang pawiin.
Posted on June 22, 2020, in Creative Writing, Poetry, Tula and tagged Creative Writig, Poetry, Tula. Bookmark the permalink. 2 Comments.
maganda ngang maghintay sa tamang panahon ng paghinog… kaysa mapasayo ng hinog sa pilit….
LikeLiked by 1 person
Tama. Ang mansanas sa larawan ay maaring sumimbolo sa pagmamahal o sa tagumpay. Ang mga linyang “Ika’y nabantay” at “Matyagang naghintay” ay puwedeng kumatawan sa “pagsisikap” at “pagsisikhay.” Ang tagumpay ay hindi puwedeng pahiran ng kalburo. Ang tagumpay ay kusang nahihinog, katulad ng pagmamahal, sa tamang panahon. Madalas na hindi na natin kaylanga pang pitasin mula sa puno ng buhay ang pagmamahal at tagumpay dahil kusa itong mahuhulog sa ating mga kamay.
LikeLiked by 1 person