Kay Hirap Paniwalaan

(Mula sa kantang “Never Thought” ni Dan Hill)

asian-couple-love-playing-acoustic-song-guitar-sitting-grass-park_39730-855

Giliw…
Puwede bang hawakan kita?
Upang matiyak ko na totoo ka
Para kasing panaginip ka lamang
Panaginip na tumapos…
nagsilbing tuldok sa aking mga bangungot.

Pangarap na tumapos sa lahat ng aking mga bangungot.

Hindi ako inakalang ako’y magmamahal
Nang kasing-sidhi ng pagmamahal ko sa iyo.
Mahirap paniwalaan, ‘di ba?
Pero iyan ang totoo.
Labis ko ring pinagtatakhan
Kung bakit sobra-sobra kitang kaylangan.

Mahal na mahal kita.
Bakit nga ba?

Giliw… puwede ba kitang hawakan?
Puwede bang makitang muli ang mga ngiti mo
Ngiting parang mga tala
Talang nagbigay liwanag sa dating madilim kong mundo.

Pahintulutan sana akong masdan
Ang taglay mong kagandahan
Kagandahang walang salitang makakapaglarawan.

Akalain mong nagmahal ako ng ganito.
Kay hirap paniwalaan
Pero totoo!
Ikaw ang tibok sa aking puso
Ikaw ang dahilan kung bakit ako buhay.

Hangarin kang naisakatuparan
Labis-labis kitang kaylangan
Mahirap paniwalaan
Di ba!
Pero iyan ang katotohanan.

https://madligaya.com/_works-in-filipino/tula/tinulang_kanta/

Advertisement

About M.A.D. LIGAYA

Teacher-Writer-Lifelong Learner I have three passions - teaching, writing, and learning. I am a Filipino currently residing and teaching in South Korea. I blog and vlog the things I write. I have two websites and two YouTube channels where I publish my works in my areas of interest. I also use Wattpad and Pinterest to publish my creative works. I am into research as well. Some of my articles were presented at conferences and published in indexed-journals. TO GOD BE THE GLORY!

Posted on March 15, 2019, in Creative Writing, Poetry, Tula and tagged , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: