Patungkol sa Pagtuturo ng English Sa South Korea
Kahit na nga na mas gusto (o ang tanging gusto) ng mga unibersidad dito sa South Korea ang mga native speakers upang magturo ng English ay may ilang mga Pinoy na English teachers na nataggap at dito ay nakapagturo. Kung ang pagbabatayan ay ang statisctics na noong 2013 ay nakalap ng Association of Filipino Professors in South Korea (AFEK), samahan ng mga gurong Filipino sa South Korea, ay mayroong higit kumulang na 100 na mga gurong Pinoy sa bahaging ito ng mundo.
Bukod sa English ay mayroon ding mangilan-ngilang mga Pinoy na nagtuturo ng “content subjects” dito. Ngunit ang karamihan sa amin ay English ang itinuturo, ang ilan ay sa mga unibersidad at ang iba’y sa mga elementarya at hayskul. Hindi ko pa nababalitaan kung may mga Pinoy ding nagtuturo sa mga tinatawag ditong hagwon (academy.)
Ayaw kong sabihing pinalad o maswerteng na-hire ang mga kababayan …
Posted on October 23, 2016, in Filipino Teachers Abroad, Filipinos in South Korea, Overseas Filipino Workers and tagged Filipino Teachers Abroad, Filipinos in South Korea, Overseas Filipino Workers. Bookmark the permalink. Leave a comment.
Leave a comment
Comments 0