Blog Archives
On Filipinos Teaching English In South Korea
Most universities here in South Korea (and other Asian countries) prefer to recruit English teachers from countries where English is the native language. That is a matter of policy but it does not follow that the best English teachers are the ones coming from those countries… they could be somewhere else just waiting to be given an opportunity to prove their mettle in ESL teaching. And whether that policy reaped dividends and made the students in those countries better at English or ripped those countries of their precious dollars is an interesting topic for discourse.
There are a few tertiary institutions in this country employing teachers from the Philippines to teach English. These are the universities that believe that teaching English is not a monopoly of the teachers labeled as “native speakers” coming from the following countries: USA, UK, Canada, Australia, New Zealand, South Africa, and Ireland. I have also written an article about the Filipinos and their romance with the English language. I also discussed in the same article a little bit about the thesis that ACCENT is getting in the way of INTELLIGIBILITY and COMPREHENSIBILITY. I am planning to explore the topic further in future articles.
If the statistics gathered in 2013 by the Association of Filipino Professors in Korea (AFEK) is accurate then there are more or less 100 teachers from the Philippines in this part of the Korean peninsula. That could still be the same number as of 2022. Reportedly, there are more in elementary and secondary schools and academies (hagwon). This AFEK came to know when they launched in May, 2017 the program “Skills Enhancement for Filipino Teachers Teaching English in Korea.” Several of the attendees were Filipino women married to South Koreans and are employed as English teachers. The Philippine Embassy in Seoul, however, doesn’t have any official record that could give the exact number of Filipinos teaching in the basic education schools and academies here.
Filipino professors are not limited to teaching English subjects only. They are E-1 visa holders and are allowed to teach content subjects depending on their fields of specialization.

E-2 visa holders are allowed by the Ministry of Education here to teach strictly English subjects only. One advantage of hiring Filipino professors, because theirs is E-1 visa, is they can be asked to teach content subjects related to their fields especially if the curriculum requires that the content subjects should be taught in English. Currently, in the university where this writer is teaching, three teachers from the Philippines, aside from teaching English subjects, would once in a while be invited to teach content subjects in the university’s Graduate School or serve as advisers to foreign students writing their dissertation.
I wouldn’t say that Filipino professors in universities in South Korea are lucky to have been hired. Why? They have to go through the proverbial eye of the needle to have a chance of getting hired. They applied alongside teachers who are native speakers of English who have the upper hand, not because of their qualifications and pedagogical skills, but because of their geographical roots.
Most of the Filipino professors here are PhD degree holders. The minimum requirement FOR THEM is Masters. Surprisingly, some native speakers of English, are allowed to teach in universities here even if they don’t have Masters.
To the universities that opened the opportunity for Filipino professors and hired them, the applicants needed to prove that they are as equally capable as their counterparts from the native English-speaking regions of the world. When they got hired, it was because they are qualified and have proven that they have what it takes to be English teachers. It wasn’t luck.
Filipino teachers are trained in the Philippines to both know what to teach and know how to teach what they know.

Modesty aside, the Philippines has a very good education curriculum implemented through the Commission on Higher Education which closely monitors TEIs (Teacher Education Institutions) to ensure strict compliance. Thus, Education graduates from the Philippines can be relied upon not only in terms of the knowledge, skills, attitude, and values in their field of specialization but also in pedagogy and in research. Filipino teachers are good in both instruction and research.
One of the best features of “teacher training” in the Philippines is teachers are made to understand that the most important stakeholder in a school is the STUDENT, not the TEACHER. When they need to, Filipino teachers know how to adhere to the philosophy that the teaching-learning process should be student-centered.
One reason, if not the main and only reason, most universities in Asian countries (like South Korea, Japan and China) prefer to hire teachers from those seven countries is ACCENT.
The Filipinos are good at English with the said language being the official medium of instruction in the Philippines from kindergarten to college – even in graduate school. Filipinos, at an early age, write and speak English. They hear and read it everywhere. It is also the official language of communication in the Philippines. All business and government transactions are done in English. The country also has the 3rd largest group of English speakers in the world. Their accent is not bad. It’s neutral, to say the least. This is the reason why the Philippines is one of the leading countries for BPO. But notwithstanding all the aforementioned, still the said universities prefer native English speakers and do not include Filipino teachers in their lists of preferences.
But there are two things that would make hiring a Filipino teacher a wise investment – two things far more important than ACCENT… their PASSION for teaching and COMPASSION for the learners.
It is easy to learn to mimic somebody’s way of creating vowel and consonant sounds and diphthongs but it is hard for teachers to be passionate about the job and compassionate with the students…. especially if they are not really trained to be one and were only forced to accept the teaching job for lack of better options.
Bakit Espesyal Ang Unang Araw Ko Sa South Korea
Madaling araw ng ikalawa ng Marso taong 2013 nang ako’y umalis ng Pilipinas sakay ng Asiana Airlines. Bandang alas-otso na ng umaga nang ito’y lumapag sa Pusan International Airport. Kasabay ko noon si G. Kenn Lachenal. Pareho kaming patungo sa South Korea upang magturo ng English sa Gyeoungju University.
Aaminin kong sabog ako noong panahong iyon, hindi sa droga, kundi sa napakadaming isipin tungkol sa mga mahal ko sa buhay at pangamba sa panibagong hamon na pinili kong harapin.
Labag sa kalooban kong lisanin ang mga mahal ko sa buhay, ngunit kaylangan. Ayaw ko rin sanang talikuran ang paraaalang pinaglikuran ko bilang Principal ng halos isang taon. Subalit ayaw na ayaw kong nagpapadaig sa aking emoyson, ayaw kong hindi gawin ang isang desisyon dahil nagpatalo ako sa mga emosyon. Pinag-isipan kong mabuti ang aking pag-punta sa South Korea upang magturo. Hindi ito biglaang desisyon. Bahagi ito ng mga plano ko. Isa itong balak na dumating na ang panahon upang isakatuparan at hindi ko papayagan ang mga emosyon ko upang ako’y pigilan.
Hindi ang pagnanais na makatanggap ng mas malaking sahod ang pangunahing dahilan kaya ako nagbalak mangibang bansa. Malaki ang sahod na tinatanggap ko bilang Principal noong panahong iyon. Malaking magpasahod sa mga principal nila ang mga Pakistani employers ko. Bukod pa nga sa may kinikita ako bilang academic consultant sa isang technical school at part-time teacher sa isang kolehiyo. Sapat ang kinikita ko sa Pilipinas kung tutuusin. Nakapagpatayo nga ako ng bahay. Ang problema – hindi na ako komportable sa loob ng aking “comfort zone.”
Nakaramdam kasi ako noon ng matinding pagkaumay sa pagsu-supervise ng mga guro’t empleyado. Parang walang pagbabago – wala ng hamon. May kulang… kulang na gusto kong hanapin. Hindi nakatulong na may ilang personal na problema akong dapat ayusin. Napakalinaw na kaylangan ko ng isang napakalaking pagbabago sa aking buhay kung nais kong manatili ang aking katinuan. Kinaylangan kong mangibang bayan para sa isang panibagong panimula.
Pakiramdam ko noo’y nasa isang deadend ako at batid kong merong mundo sa likod ng mga deadends. Iyon ang gusto kong puntahan… lakbayin.
Ang sabi nga ni Jake Sully, ang main character sa pelikulang “Avatar,” “Sometimes your whole life boils down to one insane move.” At katulad din ni Jake, may pangamba man ay sigurado ako sa aking gagawin bago ako tumalon upang makipagbuno at mapaamo ang sariling kong “Toruk.”
Dalawang bagay ang baon ko ng magpunta ako sa South Korea – tiwala sa sarili at pananalig sa Diyos. Laging ito ang kumbinasyong ginagamit kong panangga sa lahat ng pagsubok at panungkit sa ano mang inaasam kong makamit.
Ang tiwala ko sa sarili at pananalig sa Diyos ay parang sandwich. Meron itong palaman – sipag at tiyaga.
Hindi swerte ang hanap ko sa bansang pinuntahan, hindi ako naniniwala sa swerte. Naniniwala ako na “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.” Ang pakay ko ay sumulat dito ng bagong kabanata sa aking buhay – bagong yugto sa tadhanang naniniwala akong ako ang dapat gumuhit. Batid kong dapat lang na doblehin ko ang aking sipag at tiyaga.
Unang byahe ko iyon palabas ng bansa at mabuti na lamang na nakasabay ko si G. Lachenal. Bukod na sa matulungin ay sanay siyang bumiyahe sa labas ng bansa. Kaya medyo kampante ako. Sa Gyeoungju University nga din s’ya pupunta kaya nakakatiyak na akong hindi ako maliligaw.
Nang makarating kami sa Pusan International Airport ay nagulantang ako sa lamig. Nanuot ito sa suot kong jacket. Buong akala ko ay dahil tapos na ang winter at noo’y papasok na ang spring ay parang sa Baguio na lang ang lamig. Mabuti na lang at ang nasakyan naming bus papuntang Gyeoungju-si ay nakaandar ang heater. Antok na antok ma’y hindi ko magawang matulog sa biyahe dahil tinitignan ko ang bawat lugar na madaanan. Lahat ay bago sa aking paningin. Wika ko sa sarili’y, “Heto na ako sa South Korea.”
Matapos ang halos dalawang oras na biyahe ay nakarating kami sa Gyeoungju-si. Ang sumalubong sa amin ay G. Mark Celis. Siya ang naghatid sa amin sa apartment na aming titirhan, si G. Lachenal sa “white house,” ako nama’y sa “blue house.” Hindi sa Washington D.C. at Seoul ang “white house” at “blue house” na nabanggit ko. Iyon lang ang tawag sa mga apartments na provided ng Gyeoungju University para sa mga professors nila na galing ng ibang bansa. Kulay iyon ng pintura ng apartment. Meron din “yellow house” at “green house.”
Bago umalis si G. Celis ay tiniyak n’yang maayos ang unit na magsisilbi kong tirahan at ipinakilala din n’ya sa akin ang isa pang Pinoy na professor din sa Gyeongju University – si Dr. Randy Tolentino, nakatira rin sa “blue house.”
Pumasok na ako sa aking kwarto at doon ko unang naramdaman ang pakiramdam ng literal na nag-iisa, malayo sa mga mahal sa buhay at nasa isang lugar na hindi ko kabisado. Nakatayo lamang ako, hindi ko malaman kung ano ang una kong gagawin.
Nang medyo mahimasmasan ako’y binuksan ko ang aking maleta at unti-unti inayos ang mga dala kong gamit.
Tahimik ang paligid, wala akong marinig kundi ang mga sarili kong yabag at kaluskos. Nakakapanibago. Wala ang nakasanayan kong tahol ng mga aso, tilaok at putak ng mga manok, maingay na tambutso ng motor at ang malakas na stereo ng mga kapitbahay ko sa Pilipinas.
Matapos kong ayusin ang mga damit at gamit ko’y bigla nanamang naramdaman ko ang sobrang lamig at nagsimula na rin akong makaramdam ng gutom. Walang laman ang refrigerator na nandoon. Nakakapanibago talaga. Sanay akong kapag kumalam ang sikmura ko, buksan ko lang ang refrigerator at solve ang problema ko. Malinis ang maliit kong lamesa. Sa ibabaw nito’y walang tray na may lamang prutas. May gas stove kaya lang wala naman akong lulutuin. Wala na nga ako sa Pilipinas. Pinagtyagaan ko na lang ang biscuit na ipinabaon sa akin ng aking butihing may.bahay
Naalala ko na kaylangan ko nga palang tawagan ang aking mga mahal sa buhay sa Pilipinas upang ibalitang nakarating ako ng malualhati sa South Korea. Nang kuhanin ko ang aking cellphone ay noon ko pa lamang na-realize na hindi ko nga pala na-activate ang aking sim na roaming. Pakiramdam ko’y napakatanga ko, napamura ako ng hindi oras. Hindi ako makakatawag, ang cellphone ko’y magagamit ko lamang na parang music player.
Aaminin kong sa pagkakataong iyon ay inatake ako ng matinding kalungkutan. Gutom pa rin ako kahit naubos ko na halos ang baon kong biscuit. Nanginginig sa lamig. Nabibingi sa katahimikan – nagiisa’t walang makausap. Nangangamba rin ako na na baka nagaalala na nang masyado ang mga mahal ko sa buhay na naghihintay ng balita mula sa akin.
Sa pagkakataoong iyon ay naramdaman ko ang totoong kahulugan ng HOMESICK. Iyon eh matapos lamang ang ilang oras pagkalapag ko sa South Korea.
Pero sa kalagitnaan ng kalungkutang iyon ay napatingala ako sa langit at naala-ala kong ang pagtungo ko sa bansang ito’y naidulog ko na sa panalangin ng maraming beses. Hindi ko alam kung bakit pero sa pagkakaalam ko’y wala akong panalanging hindi n’ya dininig kaya. Ginawan ko nga iyon ng tula sa English. Anim na pantig lang…
HE answers.
Just wait.
Have faith!
Hihiga na sana ako upang lunurin na lang sa tulog ang gutom ko’t kalungkutan nang makarinig ako ng mga katok sa aking pintuan. Si Dr. Tolentino. Pumasok s’ya at nakipagkwnentuhan sa akin. Taga Iloilo siya. Hayun, at least may kausap na ako. Habang kami’y nag-uusap ay tinignan niya ang lutuan ko’t itinuro kung paano iyon i-operate. Maaring napansin n’yang giniginaw ako kaya’t itinuro din n’ya kung papaano gamitin ang floor heater. Medyo na-relax ako sa pagtulong na ginagawa n’ya noon. Binuklat n’ya ang mga drawer sa bandang kusina at doo’y nakakita s’ya ng ilang de-lata na hindi pa naman expired na maaaring sadyang iniwan ng dating nakatira doon. Umalis siya sandali at pagbalik ay may bitbit siyang ilang balot ng noodles at mga 3-in-1 coffee.
Nagulat ako sa generosity na ipinakita ni Dr. Tolentino na kalauna’y tinawag ko na lamang na sir Randy. Animo’y matagal na n’ya akong kakilala. Umalis ulit s’ya sandali at nang pagbalik niya’y sinabing, “Halika na brod, nakaluto na girlfriend ko, kain tayo.” Sumunod ako sa kanyang unit. Nagulat ako pero hindi na ako nagpakipot pa, hindi dahil sa talagang ako’y gutom sa pagkakataong iyon kundi dama ko ang sinseridad ng imbitasyon n’ya at nakakahiyang tanggihan.
Mainit ang mga inihaing pagkain, ngunit mas higit ang init ng pagaasikasong ipinakita sa akin nina sir Randy at ng kasintahan n’yang si Nikki na taga-China. Susubo na sana ako nang biglang nagdasal muna si sir Randy bilang pasasalamat, lumalalim at tumataas ang pagtingin ko sa kanya sa nakita kong iyon. Sa unang subo ko ay nangilid ang luha ko sa kabutihang loob na nasaksihan ko sa kanila at sa kung gaano sumagot ng panalangin ang Panginoon. Nang napatingin sa akin ang magkasintahan ay pasimple kong sinabi na sinisipon yata ako kaya ako naluluha.
Pagkakain ay inihatid ako ni sir Randy sa aking unit, may bitbit pa s’yang ilang lutong pagkain. Sabi ko’y, “Sobra-sobra na ito bro!” Ngumiti siya’t sinabing aalis silang magkasintahan papuntang Daejon at gusto lang n’yang matiyak na may kakainin ako hanggang kinabukasan. Tapos bumalik s’ya sa kanyang unit at kumuha ng kasirola, kawali ang pakuluan ng tubig, pati ilang coffee sticks. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya noon, gusto ko s’yang yakapin sa pagtulong na ginagawa n’ya.
Hindi doon natapos ang pagtulong sa akin ni sir Randy. Nang malaman n’yang hindi ko magamit ang SIM ko na roaming ay ipinahiram nya sa akin ang isa n’yang smart phone at ang kanyang i-pod bago sila umalis at iniwang bukas ang kanyang wifi sa kwarto upang makagamit ako ng internet.
Wala na akong masabi sa pagkakataong iyon. Gasgas na paulit-ulit na “thank you” na sinasabi ko. Gusto ko sana s’yang yakapin pero nagmamadali s’yang umalis. Nang makalabasa siya ng unit ko’y napapikit na lamang ako at tahimik na nagpasalamat sa Kanya. Hindi naman ako mabait na tao. Mahina ako’t makasalanan. Mapagpala’t mapagmahal lamang talaga ang Panginoon sa mga tumatawag sa Kanya.
Napakapalad ko na sa unang araw ko pa lamang sa South Korea ay nakatagpo ako ng mga kaybigang katulad nina Randy at Nikki. Higit pa sila sa kaybigan – sila’y mga kapatid kong nanggaling sa ibang sinapupunan. Sila ang dahilan kung bakit espesyal ang unang araw ko sa South Korea.
Sina Randy at Nikki ay mga patotoo na napakabuti ng Panginoon.
Limang Taon Na…Limang Taon Pa Sana
Mahigit limang taon na pala ako dito sa South Korea. Salamat sa Dakilang Maykapal sa pagkakataong ito. Mahaba-habang panahon na rin akong nagtatrabaho dito bilang guro sa isang unibersidad. Sana’y kaloobin ng Panginoon na manatili ako dito ng mas matagal pa.
Napakagandang oportunidad para sa akin na makapagturo dito. Hindi lamang dahil sa sahod. Alam na ng lahat na mas mataas ang kinikita ng mga “professionals” na nabigyan ng pagkakataon na sa ibang bansa makapagtrabaho. Dito kasi, bukod sa pagtuturo ay nakakapagsulat ako. Napakahalagang bahagi ng buhay ko ang pagsusulat – isang bagay na napakahirap gawin sa Pilipinas dahil maghapon ang trabaho. Kung school administrator ka pa, katulad ko noon, ay kakainin ng trabaho mo pati ang gabi. Kung may accreditation eh pihadong nanakawin nito maging ang madaling araw mo. Minsan (o kadalasan?), maging Sabado’t Linggo eh may mga gagawin pa rin. Kaya sa Pilipinas hindi ako nabigyan ng oras ang hilig ko sa pagsusulat.
Dito sa South Korea eh magtuturo lang ako ng walong (8) 2-hour subjects sa loob ng isang linggo at naglalagi sa office ko ng dagdag na tatlong (3) oras para sa student consultation at paperwork. Ang bawat 2-hour subject pa eh kaylangang ituro lang ng 100 minutes. Apat na araw lang ang pasok ko, dalawa doon eh half-day pa.
Kaya napakadami ng oras ko para makapagsulat. Sa dami nga ng bakanteng oras eh may panahon pa akong makapag-basa at pag-aralan ang mga gusto kong matutuhan. Dito nga eh natuto akong gumawa ng sarili kong website kung saan lahat ng mga katha ko eh doon ko ipina-publish.
Hindi swerte ang naghatid sa akin sa bansang ito. Hindi ako naniniwala sa swerte. Nagsunog ako ng kilay at naglaan ng panahon para dito. Gumastos ako’t nagsakripisyo. Pinaghandaan ko ito’t ipininalangin ng taimtim. Ang maging ESL teacher at makapagturo sa ibang bansa ay bahagi ng “career path” na inilatag ko para sa aking sarili maraming taon na ang nakakaraan.
Nasa crossroads ako noong taong 2011. Kung totoo ngang may mid-life crisis ay iyon na marahil ang pinagdaanan ko noon. Naramdaman kong may mga drastic changes akong dapat gawin sa buhay at sa aking propesyon. Napakarami kong tanong noon at alam kong ang kasagutan eh wala sa Pilipinas. Dalawang taon pa ang lumipas bago sa wakas eh napunta ako dito sa South Korea.
Marami akong inaplayang universities sa ibang bansa noong 2011 hanggang 2012. Kadalasang native speakers of English na mga guro ang hinahanap nila. Pero alam ko ring may ilang Pilipino na nagtuturo ng English sa ibang bansa kaya hindi ako sumuko sa paghahanap. At sa wakas, matapos akong mabigo sa 2 personal interviews para sa 2 universities sa Middle East, sa pangatlong pagkakataon, isang university sa South Korea ang nagbukas ng pintuan at ako’y pinatuloy.
Heto nga’t naka-limang taon na ako. Nagtuturo ako hindi lamang ng English. E-1 visa holder ako kaya pwede rin akong magturo ng content subjects. Sa kasalukuyan ay pinagtuturo din ako ng university namin sa Graduate School nito. Hindi lamang mga Koreano ang tinuturuan ko, maging mga foreigners man. May mga PhD at MBA students ako na galing sa mga bansa sa Africa as iba’t-ibang sulok ng Asia.
Dalawang beses akong nakakauwi ng Pilipinas sa isang taon – tuwing winter at summer break dito sa South Korea. Bayad kaming mga professors na nagtuturo sa mga universities sa bansang ito sa buong isang taon kaya kahit bakasyon eh tuloy ang sweldo namin.
Sa isang taon eh katumbas ng tatlong buwan na nasa Pilipinas ako kapiling ng mga mahal ko sa buhay. At kapag nandito naman ako eh mula umaga hanggang ako’y gising na nakabukas lang ang aking Skype kapag wala akong pasok. Parang nasa bahay din lang ako dahil nakikita ko ang ginagawa ng mga mahal ko sa buhay. Naririnig ko hindi lamang ang kanilang mga boses kundi pati ang mga kantang pinapakinggan nila, ang tahol ng mga aso namin, at maging ang tilaok at putak ng mga manok doon. Kaya hindi ako tinatalaban ng homesick. Hindi rin ako dinadalaw ng inip dahil sa lakas ng internet connection eh napakadaming pelikula ang pwedeng ma-download at napakadaming educational and motivational videos na pwedeng panoorin sa YouTube. Dagdag pa na alam ko kung paano hanapin sa Internet ang mga live na palabas ng paborito kong NBA. At kung ayaw ko naman manood eh may sariling gym ang university na pwede kong puntahan at mga hiking trails sa mga bundok na pwedeng lakaran. May hideway ako sa isang bundok dito kung saan ako minsan nagbababad para magbasa, magsulat, uminom ng beer mag-isa, at matulog.
Pangalawang tahanan ko na ang South Korea. Kapag kinaloob nga ng Panginoon ay gusto kong maka-limang taon o higit pa na makapagturo dito. Totoo ngang “Land of the Morning Calm” ang bansang ito. Dito ay kumalma ang katauhan ko. Natutuhan kong maging mahinahon, maghinay-hinay. Dito ay natuto akong mag-isip ng maayos bago gumawa ng desisyon. Nagkaroon ng mas malinaw na direksyon ang aking buhay dito.
Dito, dahil nga sa nakakahalubilo ko ang mga taong iba’t-iba ang wika at kulay ng balat ay natutuhan ko ang mas malalim na kahulugan ng respeto sa kapwa-tao.
Dito sa South Korea ay mas nakilala ko ang aking sarili. Higit sa lahat, natutuhan ko kung paano manalangin ng mas taimtim.