Blog Archives
Hindi Nga Ba Ukol? (4)
(4th of 7 parts)
Iba ang siglang nadama ko pagkatapos ng video call at palitan namin ng messages ni Kath. Pakiramdam ko’y nagkaroon ng closure ang napakarming issues sa pagitan namin. Nagkaroon ng linaw ang maraming bagay tungkol sa aming dalawa.
Sinimulan ko nang i-erase ang mga messages namin. Nabasa ko ulit ang message niyang nagsasabing hindi raw kami ukol sa isa’t-isa… that we were not meant to be with each other.
I gave that a serious thought.
Hindi nga ba kami ukol para sa isa’t-isa? Are we really not meant for each other?
**********
After two days, nang inopen ko ang Facebook ay tinignan ko ulit ang profile ni Kath, katulad ng madalas kong gawin. Tinignan ko nanaman ang mga solo shots niya sa kanyang album na profile pic.
Hindi na ako nakatiis. Nagmessage ako sa kanya.
“Hello Kath! Busy?”
Mga five minutes siguro bago siya nag-respond.
“Hindi naman. Just reading to kill time.”
“I see.”
“So… what’s up Marco?”
“Kung hindi ka pa sana matutulog eh can I call?”
“What if I say no?”
“Please Kath, kahit saglit lang.”
“Why? Napagusapan na natin lahat 2 nights ago ‘di ba? So, tell me… why do you need to call me?”
May ilang sandali din ang lumipas bago ako nakasagot.
“Kath… please. Let me talk to you kahit few minutes lang.”
“Bakit nga kako… Bakkittt?”
I told her the truth.
“I miss you Kath. Iyon lang. I just want to see you again.”
Nabasa ni Kath ang sinabi kong iyon. Naging “seen” ang status ng message.
Feeling ko eh hindi ako pagbibigyan ni Kath.
Nag-send ulit ako ng message.
“I am sorry Kath. I’m just being true to myself. Sobrang na-miss talaga kita.”
Pagkatapos niyon, nagulat ako pero tuwang-tuwa dahil si Kath na mismo ang tumawag.
In-accept ko ang video call.
“Thank you Kath!”
“Thank you ka diyan. Makulit ka pa rin hanggang ngayong Marco.”
Ang sabi ni Kath habang inaayos ang earphones sa kanyang mga tenga.
Naka lady sando at shorts lang si Kath. Malawak ang sakok na kuha ng gamit niyang webcam kaya nakikita ko siya mula hita hanggang mukha.
“O… saan ka nakatingin?”
Nangiti ako. Nag-adjust ng puwesto si Kath kaya mula dibdib hanggang mukha na lamang niya ang aking nakikita.
“Sa mukha mo ako nakatingin ano.”
Hindi nga talaga kumupas ang kagandahan ni Kath.
“Hay naku Marco. Hanggang ngayon eh napakahirap mong hindian. Ang kulit-kulit mo.”
“Sorry Kath. Talaga lang na sabik akong makita ka.”
“O sige na… sige na. Naniniwala na ako.”
“Ikaw ba Kath… do you miss me?”
Napayuko si Kath. Bumuntong-hininga.
“Ano ba Marco. Bakit ba kaylangan mo pang tanungin iyan?”
“Yes or no lang naman. Mahirap bang sagutin ang tanong ko.”
“Oo na… oo na… miss rin kita. O ano masaya ka na?”
“Thank you Kath.”
“Thank you ka diyan. Marco lilinawin ko lang ha.”
“Ang alin?”
“May asawa’t anak na tayo pareho. Tahimik na pareho ang mga buhay natin. Okay.”
Tumango lang ako bilang tugon.
“Pumapayag akong mag-usap tayo dahil magkaybigan tayo. May pinagsamahan tayo. Nothing more… nothing less.”
“Loud and clear Kath.”
“Mabuti naman!”
“Nasaan nga pala mga tsikiting mo.”
“Nasa kani-kanilang kuwarto. Mga 9:00 PM eh pinapasok ko na sila sa mga kuwarto nila para matulog.”
“So okay lang na tawagan kita a little past 9:00 PM diyan.”
“Hoy Marco… huwag kang assuming… last na video call na natin ito.”
“Huwag naman… sana kahit once a week at least eh magkausap tayo.”
“What made you think na gusto kita kausapin at least once a week?”
“Basta… tatawagan kita Kath. Magbabakasakali na maawa ka sa akin eh sasagutin mo.”
“Bahala ka… hindi ko sasagutin ang tawag mo. Kaya nga lahat ng gusto mong sabihin eh sabihin mo na ngayon.”
Alam kong hindi totoo iyon. Alam kong kapag tumawag ulit ako kay Kath eh sasagutin at sasagutin niya ito. Nararamdaman kong mahal pa rin niya ako. At hindi ako puwedeng magkamali sa kung ano ang nararamdam ko – mahal ko pa rin si Kath.
Sana mali ako sa aking assumption tungkol sa nararamdaman sa akin ni Kath. Sana nga mali ako sa dahilang kapag hindi ko napigilan ang aking sarili sa sa pagpapakita ng kung ano ang nararamdaman ko sa kanya eh paano kung bumigay din siya?
“Kaylan nga pala uuwi si Jay?”
“I don’t know. Baka next year. Every two years siya umuuwi. Pero dahil sa covid eh baka madelay. Ikaw… kaylan ka magbabakasyon dito sa atin?”
“Next year din. Ang tagal pa nga eh. Uwing-uwi na ako.”
“Wow! Mukhang miss na miss mo na si Anna ah. Tama?”
“Siyempre lahat ng mga mahal ko sa buhay eh miss ko na.”
“At siyempre kasama doon si Anna… di ba?”
“Bakit ba lagi mong isinisingit si Anna?”
“Aba siyempre… sino ang gusto mong tanungin ko na nami-miss mo? Si Mayette?”
I chose not to respond.
Si Kath ang tumapos sa dead air na namagitan sa amin.
“O sige na Marco. Mukhang ayaw mo na akong kausapin. Drop this call now.”
“Bakit ko naman mami-miss si Mayette?”
“Malay ko sa iyo? Hindi mo ba namimiss iyong dyugdyugan ninyo noon?”
“Kath please.”
“Naku Marco… sa libog mong iyan at dahil hindi mo kasama diyan si Anna eh siguradong…”
“No! I never fucked anyone here. I have not fucked anyone in 8 years.”
Tumawa nang tumawa si Kath. Parang nanunuya.
“Do you expect mo to believe that?”
“I don’t care if you believe it or not. Kahit naman kaylan hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko.”
Tumigil sa pagtawa si Kath. Bigla siyang naging seryoso.
“Granting na wala kang tinira diyan Marco, what about your wife tuwing nagbabakasyon ka dito?”
Ipinaliwang ko kay Kath na after niyang ipangangak si Kenneth ay hindi na kami nakapag-sex ni Anna. Nagkaroon siya ng diabetes at isa sa mga naging epekto ng kondisyon niyang iyon ay ang pagbaba ng kanyang libido. Bukod doon ay may sumasakit sa kanyang ari tuwing gagawin namin iyon.
“Sorry to hear that Marco.”
“We don’t even sleep in the same room kapag umuuwi ako.”
“Ha!? Why?”
“Don’t ask Kath. Sabihin na lang natin na that’s the kind of arrangement that made both of us happy and enabled us to preserve our marriage.”
Natahimik nanaman kami pareho ni Kath.
Mahirap sabihin kung naniwala ba sa mga sinabi ko si Kath. Mahirap naman talaga paniwalaan na may ganoon kaming arrangement ni Anna. Pero dahil nga sa sakit niya eh hindi ako makapag-insist na magsiping kami. At kahit nga hindi kami tuluyang naghiwalay noon at nagkaanak pa kami bago siya nagkasakit eh hindi ko masasabing naging maaayos ang pagsasama namin. Away-bati pa rin kami. Para talaga kaming aso’t pusa. Napatawad naman niya ako sa pagkakaroon ko ng relasyon kay Mayette at ako nama’y tinigilang kong mag-expect ng mga bagay na hindi niya kayang ibigay. Pero wala talaga kaming tinatawag na chemistry. Tinanggap ko na nga lang noon na ganoon siya… na hindi siya katulad ni Kath. Pero mayroon din naman siyang magandang mga qualities. Unfair naman na sabihin kong puro negative ang nakikita ko sa kanya. Hindi lang talaga kami magkasundo sa mga napakaraming bagay
Puwede kong sabihin na isa sa mga naging magandang resulta ng pagtatrabaho ko dito sa South Korea ay ang pagkakaroon ng physical distance ni Anna. Mahirap kasi talaga na magkasama kami sa iisang bahay. Nakakapagtakang bigla na lang kaming magkakaroon ng disagreement kahit tungkol sa mga napaka-petty na mga bagay.
“Ang gara naman ng arrangement ninyo. Why did you decide to stay with her despite… you know…”
“Despite the absence of sex… despite the fact that we literally sleep in different rooms kapag nandiyan ako sa Pilipinas?”
Hindi sumagot si Kath. Parang nakatingin lang siya sa akin.
“Tell me what I should have done Kath. Find another Mayette! Is that what I should have done?”
“I don’t know Marco! I don’t know!”
“Kath… I realized when I was here in South Korea who I should have had as a wife. I finally came to know kung sino ang gusto ko na makasama hanggang sa pagtanda ko kung mabibigyan kami ng pagkakataon. Kung magkakaroon ulit ako ng bagong relasyon I want it with only one person… with her. Kung hindi siya… huwag na lang.”

Hindi Nga Ba Ukol? (3)
(3rd of 7 parts)
Tama ang hula ko. Iyon nga ang itatanong ni Kath.
“O bakit kumukunot ang noo mo… nagagalit ka?”
“Hindi ah.” Ang sagot ko sa kanya.
“Sagutin mo… may kilala ka bang Mayette?”
Tumango ako.
Alam ko namang hindi maikakaila kay Kath ang kuwento namin ni Mayette. Ilang buwan ding nakasama ko sa trabaho si Kath at marami siyang naging kaybigan doon. Makakarating at makakarating sa kanya ang nangyari sa amin ni Mayette.
“Kaylangan ko pa bang ikuwento sa iyo?”
Ngumisi si Kath at sinabing…
“I think hindi na. Alam ko ang lahat nang nangyari. Detalyado… mula sa pagkakahuli sa inyo ni Anna sa apartment ni Mayette hanggang sa kinaylangan kang itapon diyan sa South Korea ng mama at tito mo. Gusto ko lang na aminin mo sa akin.”
Hindi muna ako sumagot.
“Tama ba Marco? Puwersahan kang dinala sa Korea para makaiwas ka kay Mayette.”
Tumango na lang ako. At pagkataos ay…
“Natatandaan mo pa iyong huling pagkikita natin noon? Noong may problema kayo ni Jay?”
“Oo nga, napagusapan natin kanina di ba? Bakit?”
“Sasabihin ko na sana sa iyo noong ang tungkol sa amin ni Mayette… sasabihin ko rin sana noon sa iyo na pupunta ako ng Korea dahil sa problemang iyon.”
“Grabe ka Marco. Ang likot mo kasi sa aparato. Lahat ba kami na naging intern mo eh…”
“Oo na… oo na…” Hindi ko na hinihintay kung ano pa sana ang idudugtong ni Kath. “Sige na… masama na akong tao.”
Hindi sumagot si Kath. Aaminin kong medyo napikon ako sa pagkakataong iyon. Hindi ko na lang dinugtungan ang sinabi ko’t baka kasi bigla akong makapagtaas pa ng boses.
Matagal na wala kaming imikan ni Kath.
Pinagmasdan ko siya. Nakatakip ang kamay niya sa kanyang noo.
Ako na ang bumasag sa katahimikang biglang namagitan sa amin.
“Natutulog ka na ba Kath?”
“O sige matulog ka na kung ayaw mo na akong kausapin. O sige na… logout ka na.”
Nabigla ako sa tugon niyang iyon.
“Ano ba! Tinatanong ko lang naman kung natutulog ka na.”
Mula sa pagkakahiga eh muling naupo si Kath.
“Diyan ba Marco sa Korea, may girlfriend ka rin ba? Naka-ilang Koreana ka na?”
Napailing ako sa sinabi niyang iyon.
“Sabihin ko mang wala eh hindi ka naman maniniwala sa akin, di ba.”
“Sana nga wala. Sana eh pagkatapos ng nangyari sa inyo ni Mayette eh natapos na ang pambabae mo.”
Medyo napipikon na talaga ako. Kung alam lang sana ni Kath ang buong pangyayari.
“Kasalanan mo eh.” Aniko.
“Ha… kasalanan ko ang alin?”
“Iniwan mo ako.”
Tumawa ng tumawa si Kath matapos kong sabihin iyon…. tawang pinalutong ng inis.
“That’s ridiculous. Ginusto ko bang ilipat ako ng office. At saka, ano bang meron tayo noon ha? Meron bang tayo noon? Ano bang role ko sa buhay mo noon? Hingahan ng problema. Sumbungan ng mga pagkukulang ni Anna?” Hahalikan kung kaylangan mo ng kahalikan. Ano? Ano ba talaga ako sa iyo noon?”
Si Kath naman ang nagtaas ng boses.
“At natatandaan mo naman siguro ang hindi mo pagsipot noong dapat eh nagkita tayo at dadalawin sana natin ang mama mong nasa hospital. Sabi mo pa may pupuntahan tayo noon. Baka hindi mo alam, pinuntahan ko pa rin noon si mama… I mean ang mama mo. Pinagmukha mo akong tanga noon Marco.”
Parang may sinipa sa may bandang paanan niya si Kath. May narinig akong lagabog.
“Wala akong balak na hindi ka siputin. Ang problema, nang sabihin ko kay Anna na dadalawin ko si mama sa hospital ay sinabi niyang sasama siya. Kaya dinelay ko nang dinelay ang alis namin dahil baka kako puntahan mo pa rin si mama. At ibinulong nga sa akin ni mama noon na muntik na tayong mag-pangabot sa hospital.”
“You never told me that. You never explained. Dapat man lang tumawag ka. Kahit text lang eh okay na. Sana sinabi mo na hoy gaga hindi ako darating.”
Pinakinggan ko lang si Kath. Hinyaan ko siyang ilabas kung ano man ang mga bagay na gusto pa niyang sabihin.
“At ano ba talaga ang dahilan kung bakit ako inilipat noon?” Kagagawan ba iyon ni Anna? Alam ko namang very close sila ng tito mo. May nalaman ba si Anna tungkol sa atin?”
Bumuntong-hininga ako bago sumagot.
“Kath… si mama ang may kagagawan niyon. Ni-request niya sa tito na ilipat ka ng office.”
“What? I can’t believe this. I thought okay kami.”
At dapat ko nang sabihin kay Kath ang matagal ko nang dapat sinabi.
“Alam ni mama ang tungkol sa atin. Alam ni mama ang balak kong gawin noon… and she wanted to protect you. Huwag na huwag ko daw gagawin iyon kung ayaw kong magkagalit kami.”
At sinabi ko nga kay Kath na balak ko nang hiwalayan si Anna noon. Na noong araw mismo na dapat ay magkikita kami at hindi ako sumipot ay noon ko dapat sasabihin sa kanya ang gusto kong mangyari. Balak ko noong mag-book kami ng flight papuntang Cebu para maglagi doon habang inaayos ko ang paghihiwalay namin ni Anna.
Nakita kong tumulo ang mga luha ni Kath habang nakikinig siya sa mga sinasabi ko.
“Ayaw ni mama na mangyari iyon hindi dahil ayaw niya sa iyo. Gustong-gusto ka ni mama. Ayaw niyang mangyari iyon dahil ayaw niyang masira ang buhay mo dahil sa akin.”
“Damn you Marco. Bakit wala kang sinabi sa akin noon. Sa halip after that day na hindi ka sumipot sa usapan natin eh parang unti-unti ka pang nagbago.”
“Because Kath… I felt you rejected me”
“What? Rejected you?
“Natatandaan mo pa ba the day after hindi ako sumipot sa usapan natin? Inabot tayo ng gabi noon sa opisina. Di ba? May tinapos tayong report. Matapos mong iabot sa akin iyong kapeng tinimpla mo eh niyakap kita’t hinalikan.”
“How can I forget that. You never kissed and touched me that way. Natakot ako noon.”
“Gusto kong may mangyari sa atin noon. I wanted us to go all the way. Para mas madali kitang ma-convince na sumama sa akin.”
“At sa palagay mo naman eh papayag ako noon?”
“I know. I felt it. Kaya nga tumigil ako. Noong time na iyon ay talagang desidido na akong hiwalayan si Anna at yayain kitang sumama sa akin kung saan man ako pupunta. Kahit pa itakwil ako ni mama. When I felt na ayaw mo eh inisip kong baka hindi ka talaga sigurado sa feelings mo sa akin. You never told me you love me.”
Muling namagitan ang katahimikan sa amin. Napayuko siya.
Maya-maya’y biglang na-cut ang aming video call.
Siguro ayaw na akong kausapin ni Kath… o naglobat lang siya. Sinabukan kong tumawag. Hindi niya nire-reject pero hindi rin niya ina-accept ang tawag ko sa Messenger.
Nakalimang beses sigurong ganoon. Hanggang tumigil na ako.
Nag-message siya…
“Minahal kita noon pero hindi ko puwedeng ipaglaban iyong nararamdaman ko dahil kay Anna. Mali eh. Ang linaw namang mali di ba. Each time we kissed eh sobrang guilty ako. Isa pa, I never knew na seryoso ang intentions mo sa akin. You never told me a damn thing about it. Feeling ko noon eh gusto mo lang ako gawing… alam mo na.”
Nabasa ko iyon. Siguradong nakita niyang “seen” ang message niya. Pero hindi ako nag-reply.
Medyo nakaramdam ako ng lungkot. Katulad ng lungkot naramdaman ko noong nag-resign siya. Katulad ng lungkot na naramdaman ko nang sabihin niya sa aking ikakasal na sila ni Jay.
Minabuti kong magpaalam na lang sa kanya.
“Happy birthday ulit Kath. Thanks for the chat. Goodnight. Ingat ka lagi diyan.”
At bigla siyang tumawag sa Messenger.
Matagal bago ko sinagot.
“Sawa ka na bang makipagusap sa akin?”
“Hindi naman Kath… nakakalungkot lang.”
“Ang alin?”
“The way things turned out for us.” Ani ko.
Nagtinginan lang kami. Seryoso siya. Matagal ulit na wala kaming imikan.
Sa wakas ay ngumit siya.
At tinanong niya ako.
“Ilang buwan na nga kayong kasal ni Anna bago ako naging intern sa office mo noon?”
“Two months.” Ang sagot ko. “Na-delay ng two months ang dating mo sa buhay ko.”
“Talaga lang ha. Sige… bola pa more.”
Birong totoo ang sinabi kong iyon. Dalawang buwan matapos kaming ikasal ni Anna ay dumating sa buhay ko si Kath. Kaming dalawa naman ni Anna ay halos six months lang na magkakilala nang magpasya kaming magpakasal. Biglaan kung tutuusin kaya hindi namin lubusang kilala ang isa’t-isa. Pareho kami ni Anna na kagagaling lang sa break-up noon. Iniwan ako ng girlfriend ko dahil ayaw kong sumunod sa kanya sa US para doon kami mag-settle at iniwan naman ni Anna ang kanyang boyfriend dahil dimauno ay tamad ito at ayaw magtrabaho after ng graduation nila. Si Anna naman, dahil ninong niya ang tito ko eh sa opisina namin pumasok at doon nga kami nagkakilala.
“Sayang talaga Kath.”
“Marco… it’s plain and simple. Hindi ukol. We were not meant to be.”
“Yeah. Mahirap tanggapin pero ganoon na nga iyon.”
Hindi natuloy ang paghihiwalay namin ni Anna. Pilit kamin pinagayos nina tito at mama. At pinadala nga nila ako dito sa Korea para malayo ako kay Mayette. Pinatawad ako ni Anna sa lahat ng kabulustugang ginawa ko. Isa sa amin ang dapat magparaya para maayos ang pagsasama namin. Ako iyon. Tinigilan ko ang pagse-set ng standards. Tinanggap ko na si Anna ay si Anna. Hindi siya si Kath. Si Kath na susuportahan ako sa mga plano ko… Si Kath na puwede kong makausap sa ano mang level na gusto ko… Si Kath na puwede akong sakyan sa mga kababawan ko at pupurihin ako kung may kapuri-puri sa akin… Si Kath na malumanay magsalita… Si Kath na marunong maglambing.
Noong tinanggap kong si Anna ay si Anna ay nakita ko na marami rin naman siyang mga magagandang katangian. Tinanggap ko na lang na hindi kami magkatugma sa paniniwala at pananaw sa maraming bagay. Inunawa ko lang ang pagiging sumpungin niya. Isa lang ang puwedeng dahilan kung hihiwalayan ko man noon si Anna – si Kath.
“Sorry Kath.”
“For what?”
“That when I lost you, eh parang nagwala ako. Bukod kay Mayette eh may isa pang intern akong nakarelasyon. Ang nagiging ganti ko kay Anna tuwing inaaway niya ako eh pambababae. I wasn’t not proud of what I did.”
“Mabuti nama’t hindi mo hiniwalayan si Anna para magsama kayo ni Mayette.”
Natawa ako sa sinabi ni Kath.
“Ganyan talaga kasama ang tingin mo sa akin.”
“Eh bakit nga ba hindi mo ginawa with Mayette iyong balak mong gawin sana natin?”
“Mayette is not Katherine. As simple as that.”
“Shoot nanaman ang bola ng lolo ko. Eh bakit noong sinabi ko sa iyong magpapakasal kami ni Jay ni hindi ka naman apektado.”
“I was. I was so affected.”
“Marco… Ilang beses ba tayong nagkita after ko mag-resign noon? Maraming beses ‘di ba. Pero we never talked about these things.”
“Yeah… finally we did.” Ang sagot ko kay Kath.
“Ang mahalaga eh okay na kayo ngayon ni Anna.”
“And… okay na rin kayo ni Jay.”
“Hoy lolo…. alas-tres na ng madaling araw. Tulog na muna tayo. Let’s chat some other time.”
“Okay Kath. Goodnight.”
“Goodnight Marco!”
Bago ako natulog eh nagsend ako ng message kay Kath.
“Luv u… my friend.”
“Friend? Friendzone na ba?”
“Ha!? What do you mean Kath?”
“Joke lang… Don’t take it too seriously.”
“Can I take it seriously Kath?”
“Magtigil ka Marco… good night na.”
“Okay…okay…”
“Marco… idelete mo nga pala itong convo natin ha.”
“Bakit?”
“Basta! I-delete mo.”

Hindi Nga Ba Ukol? (2)
(2nd of 7 parts)
“Do you really need to ask me that?”
“Okay lang naman kung ayaw mong sagutin.”
Medyo may katagalan bago muling nagsalita si Kath.
“Bakit mo tinatanong iyan Marco.”
Bakit ko nga ba itinatanong iyon? Mahalaga pa ba na itanong ko iyon? Eh ano naman kung sabihin niyang oo. At paano kung sabihin niyang hanggang ngayon eh mahal pa rin niya ako? O gusto ko lang na may pag-usapan kami. Ano nga ba ang dahilan?
“Hey… bakit mo kako tinatanong.”
“Kath… ang dami nating dapat linawin. Mga bagay na tuwing nagkikita tayo noon after mo mag-resign eh ayaw nating pag-usapan. Mas pinili nating huwag pag-usapan. Hindi ko alam kung takot ba tayo na pag-usapan iyon o hindi naman mahalaga na dapat pang pagusapan dahil wala rin namang magandang pupuntahan.”
Hindi agad sumagot si Kath. Nakayuko ito at pailing-iling.
Hindi ko na mahintay ang sagot niya.
“I get it now. Assuming lang siguro ako na may mga bagay na dapat pag-usapan natin. All these years, ang dami kong assumptions na mali.”
Pagkasabi ko niyon eh pinili kong manahimik hangga’t hindi sumasabot si Kath.
Siguro nga eh ganoon. Ako lang ang nagiisip mula noon na meron kaming dapat pagusapan… na may mahalangang namagitan sa amin.
Hanggang…
“Ano na nga ang tanong mo?”
Sa wakas eh nagsalita siya. At inulit ko nga ang tanong ko.
“Did you really love me before?”
“Bakit Marco? Hindi mo ba alam ang sagot?
“Hany naku… why don’t you just answer?
Medyo yata nataasan ko siya ng boses.
“Siguro naman eh hindi ka galit niyan.”
“No… no… no… Sorry Kath. Bakit kasi ayaw mo pang sagutin?”
“Okay… okay… Did I love you before? Of course I do… I do. I mean I did. DIDDDD!”
Parang gusto kong matawa sa sagot niyang iyon.
“Oh ano ang nginingisi-ngisi mo diyan?”
“Wala… So it’s did. Not do.”
“You heard it!!!”
“Meaning… you…. you don’t love me anymore?”
“Napakagago mo talaga Marco.”
“Yes or no lang ang sagot doon di ba.” Ani ko.
“There are questions that are better left unanswered Marco.”
Hindi ko na pinilit si Kath na sagutin ang tanong kong iyon. Gusto ko sanang sabihin na I can read between the lines pero tumahimik na lang ako.
“Masaya ako kapag nakikita ko ang mga photos ninyo ni Anna tuwing umuuwi ka dito sa Pinas. You are obviously happy living life together now.” Dagdag pa ni Kath.
“So tsine-check mo pala Facebook ko ha.”
“Bakit Marco, masama ba? Facebook ko ba hindi mo ino-open?”
Inamin ko sa kanya na tuwing bubuksan ko ang aking FB eh hindi ko nakakalimutang tignan ang kanyang timeline.
Pagkatapos niyon ay tinanong ko siya.
“Eh… ano naman iyong gusto mong itanong sa akin?”
“Alam mo na iyon Marco. Hindi ka naman siguro engot para hindi mo mahulaan ang gusto kong tanungin kanina ‘di ba?” But as I said… maging honest ka sana sa sagot mo.”
“Alin ba sa dalawa ang gusto mong saguting ko – Did I love you before? Oh Do I still love you now.”
Nakita kong napangiti si Kath.
“What? Which of the two?”
“I want you to answer both…”
“Do you really need to ask me that?”
Natawa si Kath sa sinabi kong iyon.
“Gara… parang linya ko yata iyang kanina ha Marco.”
“Honestly Kath… hindi mo alam ang sagot sa tanong na iyan?”
“Nakakainis ka. Sagutin mo na nga lang nang matapos na.”
“Okay… okay…” Aniko.
Minahal kita noon Kath.”
Nangiti siya.
“Alam ko naman iyon. Eh mahal mo pa ba ako hanggang ngayon?”
“Kath… there are questions that are better left unanswered.”
Pagkasabi ko niyon ay nagkatawanan kami ni Kat.
“I can read between the lines Marco.”
“I can too Kath.”
At muli nanaman kaming nagtawanan.
“Hay naku Kath…”
“Teka nga… may I go out muna ako ha. Wiwi muna ako.” Aniya.
“Okay… go.”
Habang hinihintay ko si Kath eh nagbalik nanaman sa ala-ala ko ang maraming bagay. Nasa iisang opisina lang kami at mula umaga hanggang hapon, minsan eh inaaabot ng gabi na nandoon kami. Noong una, lalo na noong intern ko pa lang siya, strictly business kaming dalawa, nothing personal. Pero unti-unti na ang mga kuwentuhan namin kapag hindi kami busy sa trabaho eh nasentro sa mga personal na bagay. Hanggang dumating ang punto, lalo na nang naging regular employee na siya, na inihihinga ko na sa kanya ang mga problema namin ni Anna. Nagkukuwento din siya noon tungkol kay Jay na nililigawan pa lang siya.
Mahirap i-define kung ano ang relasyon namin ni Kath. Basta isang gabi noon habang may inoovertime kaming trabaho eh hindi ko napigilang hawakan siya sa kamay at halikan. Naghalikan kami. Matagal. Kung hindi malakas ang pangontrol ni Kath eh baka tuluyang bumigay siya noon.
Mas naging close kami ni Kath after that. Kapag darating ako sa opisina, halik ang isasalubong niya sa akin. Ganoon din ang gingawa ko minsan. At minsan binubulungan ko siya ng “I love you” oh “I miss you.” Kapag gabi at nasa opisina kami ay minsang may nangyayari. Pero hanggang halikan lang. Ayaw niyang lumampas pa doon. Naghahalikan man kami pero kahit minsan eh hindi niya ako nasabihan ng “I love you.” Never. Kaya nga ang hirap sabihin kung ano ang namagitan sa amin.
Kung ano mang meron sa pagitan namin ni Kath eh tiniyak naming pareho na walang makikitang unusual ang mga kasamahan namin sa trabaho. Lalo na nga’t sa katabing opisina lang naka-assign si Anna.
Malaking travel agency ang pagmamay-ari na iyon ng tito ko na dating sundalo, kapatid ng aking ina. Recruitment agency siya at the same time. May kasosyo siyang Koreano na naging matalik niyang kaybigan noong Korean war. May malaking factory din dito sa Korea ang partner ng tito ko at maraming Pinoy na nagtatrabaho doon. Iyon ang dahilan kung bakit ako napunta ng Korea, ako ang nagsusupervise sa mga Pinoy factory workers dito na kami mismo ang nagre-recruit. Ayaw ko sana pero pinilit akong i-assign dito ng tito at nanay ko dahil sa isang problema na nagawa ko sa opisina sa Pinas.
Maya-maya pa’y…
“I am back. Okay lang ba na nakahiga ako while we’re chatting? Ngalay na kasi puwit ko.”
Tumango lang ako. Nahiga si Kath sa sofa na kinauupuan niya. Naka-shorts pala siya. Maikli. Medyo din manipis ang suot niyang t-shirt. Halatang wala siyan bra. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Kahit nagkaedad na’t may anak na si Kath eh maganda pa rin siya at slim pa rin ang pangangatawan.
“Hoy Marco, baka lumuwa ang mata mo niyan ha. Bawal maakit.”
“Matagal mo na akong naakit.”
“Susme, kumana nanaman ang bolero.”
You’re still very attractive Kath.”
“I know.”
“Naniwala ka naman?”
“Hindi! Alam ko nga kasing bolero ka. Kaya nga siguro lahat ng naging intern mo eh naging dyowa mo ano?”
“Hoy, hindi ah.”
“Talaga lang ha. O sige. May isa pa akong tanong.”
Tanong? Napaisip ako. Mukhang alam ko na kung ano ang itatanong ni Kath.
“Sabi mo nga kanina, ang dami nating mga isyu na dapat linawin ‘di ba? Ang dami nating mga bagay na ayaw pag-usapan noon. Sige… humanda ka… ngayon pag-usapan natin. Lahat ng dapat natin pag-usapan eh pag-usapan na natin.”
Tumango lamang ako bilang tugon.
“Marco… may kilala ka bang Mayette?”
