UTANG
Karamihan sa atin ay hirap umiwas sa utang. Okay lang iyon. Hindi naman masama ang mangutang, lalo na’t kung ang paggagamitan ay tama at kaylangang-kaylangan. Sa panahon ng kagipitan, hindi maiiwasan na maghanap ng paraan upang magkaroon ng sapat na pera. Ang masama ay ang maging balasubas… iyong tatakasan mo ang iyong utang… iyong hindi mo tutuparin ang ipinangako mong araw ng pagbabayad… iyong kapag siningil ka na eh ikaw pa ang magagalit.
Ang tulang ito ay isang pagpapaala-ala na ang utang ay isang obligasyon, isang pangakong dapat tinutupad. Kung puwede, at kaya din lang, eh umiwas na sa utang. Pagkasyahin na lang kung ano ang kaya ng budget… na huwag gumastos ng sobra sa kinikita… na ilaan ang pera sa mga bagay na mahala at kaylangan… hindi upang gastusin sa mga luho at bisyo. Mahalagang tandaan na ang utang ay hindi dapat ginagamit upang matugunan ang mga luho at bisyo. Sa halip, ito ay dapat gamitin upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan at makatulong sa pagpapabuti ng buhay.
Posted on October 22, 2023, in Debt, Filipino Poetry, Poetry, Tula, Utang, Video Poetry and tagged Balasubas, Creative writing, Debt, Poetry in Filipino, Tula, Utang, Video Poetry. Bookmark the permalink. 2 Comments.

mahirap kumbinsihin ang maraming Pinoy tungkol dito…gusto nila bagong i-phone kahit ang sahod ay mas mababa kesa sa phone at maraming bayarin sa bahay 😭
LikeLiked by 1 person
That’s true sir. May mga tao, kahit saang kultura at bansa, na uunahin ang pagpapasikat instead of mga essentials. Materialism is so strong in the world now, lalo na sa West.
LikeLike