PWEDE PO BANG MAGTANONG?

question

Sa paligid ay igala ang paningin
Mayroon bang nagbago sa bayan natin,
Asam na pag-unlad atin na bang narating,
Kapayapaang hangad atin bang angkin?

Tigilan na ang pagbulag-bulagan
Mata mo’y imulat sa katotohanan
Bayan nati’y lugmok sa kahirapan
‘Di makamit asam na kapayapaan

Ang tanong, “Sino ang dapat na sisihin?”
Sino ba ang hindi tumupad sa tungkulin?
Mga pinuno bang iniluklok natin,
O imaheng katitigan mo sa salamin?

Pinunong halal lang ba ang may tungkulin
Na paglingkuran ang inang-bayan natin?
Kung doon sa hapag mo’y walang pagkain
Sila nga lang ba ang dapat na sisihin?

Kaninong pinuno ka ba nasiyahan?
‘Di ba’t silang lahat ay iyong pinintasan?
Palaging may mali, palaging may kulang,
Kay hirap sundin ng iyong pamantayan.

Subalit kung ika’y aking tatanungin
May nagawa ka ba para sa bayan natin?
Sobra-sobra kung pinuno’y batikusin
Eh ikaw, “Ano ba ang kaya mong gawin?”

Para kasing kay talino mo’t kay galing
Eh ‘di sige mungkahi ko iyong sundin
Maging pinuno iyo kayang subukin
At problema ng bayan iyong lutasin

Kung hindi kaya aba’y manahimik ka!
H’wag ka nang makisawsaw sa pulitika!
Ang gawin mo sana’y maghanap-buhay ka
Ang itaguyod… sarili mo’t ang pamilya

Sa halip na pulitika ang atupagin
Buhay mo muna ang dapat na ayusin
Dahil kapag tagumpay… iyong narating
Maging ang bayan mo’y makikinabang din.

Advertisement

About M.A.D. LIGAYA

Teacher-Writer-Lifelong Learner I have three passions - teaching, writing, and learning. I am a Filipino currently residing and teaching in South Korea. I blog and vlog the things I write. I have two websites and two YouTube channels where I publish my works in my areas of interest. I also use Wattpad and Pinterest to publish my creative works. I am into research as well. Some of my articles were presented at conferences and published in indexed-journals. TO GOD BE THE GLORY!

Posted on November 12, 2017, in Philippine Poetry, Philippine Politics, Poetry, Tula and tagged , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: