Nang Ako’y Iwan

kite

(Based on William Brothers’ “Can’t Cry Hard Enough”)

Naging bingi ako sa iyong panaghoy

Bulag sa luha mong sa pisngi dumaloy

Bakit ba puso’y parang binasang kahoy

Sa init ng kalinga mo’y ‘di mapag-apoy

 

Ako’y tinik na sa laman mo’y binunot

Tiniis mo ang hapdi, naluha sa kirot

Mapagmahal mong puso biglang napagod

Lumisan ka’t ako’y ‘binaon sa limot

 

Nang maglaho ka’t sa tanaw ‘di maabot

Mundo ko’y parang tumigil sa pag-inog

Kapag kita’y naisip dibdib ko’y kikirot

Sa ilog ng pighati ako’y nalulunod

 

Sarangola ka palang kapag nabitawan

Madudurog ang puso sa panghihinayang

Sana pala hawak sa iyo’y hinigpitan

Hangin ma’y lumakas ‘di dapat binitawan

 

Para akong musmos na humahagulhol

Tumakbo papunta sa dulo ng burol

Sa sarangolang binatawan nais humabol

Inaabot pising dito’y nakabuhol

 

Sa langit malaya ka nang lumilipad

Nagtatampisaw sa ibabaw ng ulap

Tumitingala’t pilit kang hinahahap

Baka pisi mo’y akin pang mahagilap

Advertisement

About M.A.D. LIGAYA

Teacher-Writer-Lifelong Learner I have three passions - teaching, writing, and learning. I am a Filipino currently residing and teaching in South Korea. I blog and vlog the things I write. I have two websites and two YouTube channels where I publish my works in my areas of interest. I also use Wattpad and Pinterest to publish my creative works. I am into research as well. Some of my articles were presented at conferences and published in indexed-journals. TO GOD BE THE GLORY!

Posted on November 22, 2016, in Poetry, Tula and tagged , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: