Ang Pulubi at ang Pulis

beggarSa isang simbahan pulubi’y pumasok
Matapos mag-antanda’y kagyat lumuhod
Mga mata’y ipinikit at yumukod
At taimtim na nanalangin sa Diyos.

“Panginoon ako’y muling lumalapit
Heto’t sa gutom ako’y namimilipit
Sa gutom ako’y hayaang makatawid
Kahit kape lamang po at isang biskwit.”

“Panginoon ako sana’y Inyong bigyan
Beinte pesos lamang aking kaylangan
Sampu sa Skyflakes… sampu sa 3-in-1
At sikmura ko po’y hindi na kakalam.”

Dalangin ng pulubi may nakarinig
Ito’y ang katabi niyang mamang pulis
Tumayo ito’t sa pulubi’y lumapit,
“Heto amang, pambili ng kape’t biskwit.”

Natuwa ang pulubi at nagpasalamat.
Wika ng pulis, “Galing iyan sa Taas.”
At nang ang pulis palayo nang naglakad
Binilang ng pulubi barya sa palad.

Nang makitang na pera’y sampung piso lang
Ang mamang pulubi’y parang nagulantang
Muling nag-antanda’t lumuhod nanaman
Nanalangin sa Diyos sa Kaitaasan.

“Salamat po’t panalangin ko’y dininig
Pero bakit po pinaabot n’yo sa pulis
Humati po kasi ang lespung matinik
Kaya, mabibili ko lang po eh biskwit.”

https://madligaya.com/_works-in-filipino/tula/tinulang-jokes/

Advertisement

About M.A.D. LIGAYA

Teacher-Writer-Lifelong Learner I have three passions - teaching, writing, and learning. I am a Filipino currently residing and teaching in South Korea. I blog and vlog the things I write. I have two websites and two YouTube channels where I publish my works in my areas of interest. I also use Wattpad and Pinterest to publish my creative works. I am into research as well. Some of my articles were presented at conferences and published in indexed-journals. TO GOD BE THE GLORY!

Posted on August 23, 2019, in Mixing Humor and Poetry, Pinoy Jokes, Poetry, Tula and tagged , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: