Kumusta Si Ina?
May nagbago ba?
O gayon pa rin?
May trabaho ka na ba?
O tambay pa rin?
Umasenso ka na ba?
Umasenso na ba si Inang Bayan?
Naibsan ba ang trapik?
Naubos ba ang mga adik?
Nabawasan ba ang mga switik at ganid?
Tahimik na ba?
Payapa na ba?
Reality check.
LINTIK!!!
Huwag kang sinungaling!
Hindi ka bulag!
Hindi ka engot!
Alam mo ang sagot!
O ano!? Ako kulay berde.
Sila… asul at pula.
Ikaw? Dilaw?
So what?
Pink na lang kaya tayong lahat?
Pink na matingkad!
O!!!
May nangyari ba sa pakulay-kulay natin?
Mas mabisa ba ang kulay ninyo sa kulay namin?
Sige, kampihan pa more!
Batuhan ng kamatis pa more!
Murahan pa more!
Sige patuloy tayong mag-ilusyon
Na ang solusyon
Ay ang mga honorable na gunggong!!!
So?
Ano na?
Paano na?
Kumusta na si Ina?
Eh di nganga!
Kalaba’y nakakulong… pinatalsik!
Kakampi? Nagbalik.
Eh di wow!
Nakupo!
Weather weather lang po.
Kahit sino ang maupo,
Believe you me…
Ganito pa rin.
Dahil ang tunay na suliranin…
ang tunay na salarin…
ang kanser na dapat gamutin…
ang tunay na adik na dapat rehabin…
ay guess who?
Manalamin.
Posted on August 29, 2018, in Kumusta na ang bayan?, Poetry, Tula and tagged Kumusta na ang bayan?, Poetry, Tula. Bookmark the permalink. Comments Off on Kumusta Si Ina?.