Cholesterol Hub

isawMay lugar sa ating mga baya’t siyudad
“Cholesterol hub” ang dapat na ibansag
Kung mataas (Gets mo ‘to…) ang iyong “high blood”
Payo ko sa iyo huwag ka doong maglakad

Kasi doon maraming abnoy at bugok
Nakahalo sa mga penoy at balut
Kapag nakita ika’y mapapalunok
Mataas na “high blood” mo tiyak malilimot

At may pinipiritong balat ng manok
Kung gusto mo naman balat ng pork
Sige lang manong lamon basta may gamot
Tikman mo na rin masarap na hepalog

Kwek-kwek… sige baka gusto mong subukan
Sagana sa calories bawat piraso niyan
IUD, adidas, helmet… hala tikman
Basta ba fully-paid na ang life insurance

Sa “cholesterol hub” patuloy maglakad
May makikitang nakahaing “betamax”
Ito ay “curdled chicken or pork blood”
May balun-balunan din o chicken gizzard

Ateng, kuyang…rayuma din ay isipin
Chicharong bituka huwag nang amuyin
Sa atay at baga – umiwas ng tingin
Magturo na lang ng ibang iihawin

Suggestion lang fish balls na lang ang tusukin
Isawsaw sa sukang may sili’t maasim
Safe din ang kikiam, iyong subukin
At kapag nauhaw suka ay higupin

Isa-isip ang high blood pati uric acid
Para mas safe, ang ipaihaw mo’y pusit
H’wag ng maglaway sa pang-takeout na sisig
Iwasan din – long-legged na day-old chick

Advertisement

About M.A.D. LIGAYA

Teacher-Writer-Lifelong Learner I have three passions - teaching, writing, and learning. I am a Filipino currently residing and teaching in South Korea. I blog and vlog the things I write. I have two websites and two YouTube channels where I publish my works in my areas of interest. I also use Wattpad and Pinterest to publish my creative works. I am into research as well. Some of my articles were presented at conferences and published in indexed-journals. TO GOD BE THE GLORY!

Posted on June 22, 2018, in Poems, Poetry, Street Foods in the Philippines, Tula and tagged , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: