LAMIG
Lamig na sa katauhan ko’y lumukob
Di kayang itaboy ng balabal at kumot
Di rin malusaw ng kapeng hinihigop
Kaylangan ko’y yakap mo oh aking irog
Sa kalungkutan ako ay nanginginig
Malayo ka kasi’t ngayon ay tag-lamig
Kapag ako’y nakita kagyat lumapit
Kandungan ako’t ikulong sa ‘yong bisig
Pasikatin ang ngiti mo’t nyebe ay tunawin
Lungkot ko’t inip sa tawa mo’y basagin
Tabihan ako’t hagkan mo at yakapin
Pamamanglaw sa iyo’y tuluyang lusawin
Halika giliw kamay ko na’y abutin
Sa mahigpit mong yakap lamig ay durugin
Nanlamig na puso’y muling pag-alabin
Namamanglaw na gabi’y ating pag-initin
Posted on December 13, 2016, in Poetry, Tula and tagged Poetry, Tula. Bookmark the permalink. Leave a comment.
Leave a comment
Comments 0