Blog Archives
Malaya Ka Ba Juan?
Kumusta Juan? Usap nga tayo sandali. May itatanong lang ako. Nakita mo naman siguro ang pamagat ng akda kong ito na nakasulat sa itaas. Iyan ang gusto kong itanong sa iyo. Totoo bang malaya ka na? Wala na nga bang sa iyo’y umaalipin? Wala na nga bang sa iyo’y pumipigil upang makamit mo ang mga pangarap mo sa buhay? Wala na nga bang sagabal upang marating ng bayan mo ang kaunlaran?
Syempre ang una mong reaksyon eh, “Ano bang tanong ‘yan?” Napaka-absurd! Obvious naman na malaya ka na dahil wala na ang mga Kastilang umalisputa’t sa iyo’y umalipin. Maging ang mga Amerikanong pumalit sa kanila ay matagal nang wala, pati nga base-militar nila’y pinalayas na natin ‘di ba? Napakatagal na rin namang tapos ang World War II at ang mga Hapon na nandito’y hindi mga sundalo kundi mga turista at mga asawa ng mga dating OFW sa Japan.
So, wala nang sagabal sa pag-unlad mo dapat ‘di ba? Kaya sasabihin mo bang malaya ka na? Wala na rin naman sa Malacanang ang mapaniil na diktaduryang Marcos. Kahit na nga ba alive and kicking pa ang aleng Imelda pero harmless na s’ya. Pero teka, ‘di ba Marcos din ang nakaupo ngayon, at may kapatid pa siya sa Senado na posibleng mamuno doon. Hala, pinsang buo pa pala niya ang nagpapatakbo ng Kongreso ngayon. Pero hindi sila ang kaaway at hadlang sa pag-unlad mo.
Kung gayon, kung hindi sila, eh sino kalaban at sagabal sa pag-angat mo sa buhay? Iyon bang nasa kabilang kampo… ang mga Duterte? Ay naku hindi rin. Mali ka t’song.
Hindi ang mga Marcos o Duterte at kung sino mang kumakampi sa kanila ang batong suong mo sa balikat kaya sa buhay ay hindi ka makausad. Hindi sila ang mga tanikalang nakakabit sa iyong mga paa kaya hindi ka makahakbang patungo sa mga pangarap mo… kung may pangarap ka nga.
Eh kung hindi sila, sino ang kaaway na hanggang ngayon ay umaalipin sa iyo kaya hindi mo masasabi na malaya ka.
Eh sino?
Nasaan siya?
Nakatira s’ya sa bahay n’yo. Isinusuot nga n’ya ang mga damit mo, medyas , at sapatos. Pati underwear mo! Pati nga pala toothbrush mo. Kumakain nga s’ya sa pinggang kinakainan mo.
Ano ulit kamo? Sino? Tatay mo? Nanay mo? Hindi kaya isa sa mga kapatid mo? Kuya mo? Engot! Ikaw iyon. Ang matinding kaaway mo ay ang sarili mo. Manalamin ka nang makita mo ang itsura ng totoo mong kaaway. Sige na humarap ka sa salamin.
Ayaw mo? Nahihiya ka! Ayaw mong aminin na ikaw mismo ang dahilan kung bakit hanggang d’yan lang ang narating mo. Ayaw mong aminin na ikaw ang pinakamatinding sagabal sa ‘di mo pagunlad at ng bansa mo?
O h’wag kang magalit sa akin. Totoo naman ah. Ano iyon? Hindi ka nagsisikap dahil kahit anong gawin mo ay hanggang d’yan ka na lang kasi hindi ka ipinanganak na mayaman? Na ang mga magulang mo kasi ay isang kahig isang tuka lamang. Tapos ano pa idudugtong mo? Na nasa guhit ng palad mo na maging mahirap. Na baka sirain lang ng bagyo o lindol ang ano mang bagay na ipupundar mo. Don’t give me that crap Juan! Ang sabihin mo hindi ka nagsisikap dahil tamad ka. JUAN TAMAD!
Tamad ka! Batugan! Iniaasa mo ang lahat sa iba. Aba’y hanggang ngayon eh nasa poder ka pa yata ng mga magulang mo. Baka ultimo pambili mo ng sigarilyo eh hinihingi mo pa sa nanay mo. Bakit ayaw mong maghanap ng trabaho.
Adik ka ba Juan… sa droga o ayuda?
Alipin ka ng katamaran mo Juan. Kaya h’wag mong sabihing malaya ka. At ‘di bale nga sana kung sarili mo lang pinuperwisyo mo. Kaso mo hindi eh. Pati ang bayan eh apektado. Ikaw ang sagabal kung bakit ang bansa mo’y gumagapang pa rin hanggang ngayon sa balag ng alanganin. Bakit? Oh come on Juan. Alam mo ang dahilan, h’wag ka nang magmaang-maangan pa. Batid mong isa kang modernong Hudas na nagkakanulo sa sarili mong bayan para sa halagang P500 o P1,000 (o magkaano man ang iyong tinanggap noong Mayo 12).Tuwang-tuwa ka sa ibinayad sa boto mo, pambili ng yosi at pangtoma. Pero ano ang kapalit? Hayun, maraming mga buwaya at linta ang nakaupo pa rin sa pamahalaan. Malabo pa sa burak ang asensong pinapangarap.
At pagkatapos ng eleksyon ano ang ginawa mo? Sa halip na kumilos ka para maabot mo ang iyong pangrap eh ano ang pinili mong pagkaabalahan? Ang pagkampi kay Marcos o kay Duterte? O baka sa ikatlong puwersang nanahimik pero nagsisimula na namang mag-ingay.
Anak ng tokwa, wala kang mapapala diyan. Bago ka kumabit kanino mang panig, unahin mo ang paghahanap ng pagkaing isasalpak mo diyan sa iyong bibig. Kaylangan ng katawan mo ng damit. Kaylangan mo ng bahay na masisilungan sa panahon ng tag-araw o tag-init. Mga iyan ang unahin mo. Tiyakin mo ring may pambili ka ng gamot kapag ikaw eh nagkasakit.
Sa halip na pagpapaunlad ng sarili mo at kabuhayan ang iyong atupagin eh pakikipagbangyan sa mga hindi mo kapanalig sa pulitika ang ginagawa mo. Makakadagdag ba iyan kahit singkong duling sa pitaka mong naghihingalo. Panay ang pagpopost mo ng mga opinyon laban sa kabila. Eh ano ba alam mo? Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo? Nag-aral ka ba ng abugasya para magpahayag ka ng opinyon na may kaugnayan sa batas? Ano ba basehan mo sa iyong mga sinasabi? Mga sabi-sabi? Nag-research ka ba? At kung abugado ka man eh wala bang halong pulitika ang interpretasyon mo sa mga nangyayari? Hindi ba ikaw iyong tipo ng abugado na babaluktutin ang isyu pabor sa pinili mong panig… o sa panig na binayaran ka upang sayawin ang tugtog na gusto nila.
Hayaan nating Korte Suprema ang magpasya kung aling panig ang tama at legal ang ginagawa. Sila lang ang puwedeng gumawa niyan, hindi ang grupo mong kinabibilangan. Hayaan mong kasaysayan ang humusga sa mga politiko na sa tingin mo eh taliwas sa tamang katwiran ang mga desisyon. Hayaan mong ang mga abugado ng magkabilang panig ang magpingkian ng talino. Tumahimik ka dahil wala namang bilang ang opinyon mo.
Palayain mo ang iyong sarili sa walang kabuluhang pakikipagkagalit sa mga hindi mo kapanalig. Ako eh maka-Duterte, hindi ko itanago iyan mula noon. Oh kung ikaw eh galit sa mga Duterte eh dapat ba tayong mag-away. Hindi ba puwedeng irespeto mo ang paniniwala ko. Ano man ang dahilan ng panggagalaiti mo sa kanilang angkan eh igagalang ko yan. Bahala kang ma-stress sa galit mo sa kanila.
Ang problema kung makapanglait ka sa mga hindi mo kakampi eh akala mo perpekto kang tao. Kung makabatikos ka ng mga pulitikong kinasusuklaman mo parang wala kang bahid dungis. Kung makapangmenos ka ng mga taong hindi sumasangayon sa iyo eh akala mo ubong ka ng galing at talino. Brad, manalamin ka paminsan-minsan.
Palayain mo ang sarili mo sa pakikisawsaw sa away ng mga pulitiko? Inaalipin ka ng maling paniniwala na sa pagsali mo sa mga usaping ganyan eh makakatulong ka na magkaroon ng pagbabago sa atin lipunan. Diyos ko po! Gumising ka. Makakagulo ka lang. Hindi mo kayang baguhin ang mga politiko natin. Ang puwede mo lang gawin eh tiyakin na iyong mga karapat-dapat sa kanila ang iyong iboboto at… huwag kang magpapabayad. Iyong lang brad ang puwede mong gawin. Pero ginagawa mo ba? Hindi, di ba? Dahil nakakasilaw ang P500 o P1,000. Lalo na kung mahigit pa. Alipin ka ng kasakiman sa kaunting pera na iniaabot sa iyo tuwing eleksyon.
Sa halip na makisawsaw ka sa mga usaping pulitika eh unahin mo ang iyong kapakanan at ng iyong pamilya. Wala naman pakiaalam sa iyo ang mga pulitikong iyan. Ni hindi ka nga nila kilala. Asikasuhin mo na lang ang pagbabuti ng iyong kalusugan – katawan at isip. Iwanan mo ang politika, masyadong toxic iyan. Walang idudulot yan sa iyo kundi inis at away.
Pansinin mo Juan, kunwari lamang na umalis ang mga Kastila noon. Nandito pa rin sila’t alipin pa rin ang tingin sa iyo. Sila ang mga namimili ng boto mo upang paulit-ulit silang maupo sa pwesto at patuloy na salantain ang bayan mo.
Juan! Brad! H’wag kang magalit sa akin. Sinasabi ko ito dahil gusto kong magkasama tayong tahakin ang landas ng pagbabago. Ako man kasi’y kaylangan ding lumaya mula sa mga bagay na nakakasagabal sa pag-asenso ko. Ikaw, ako…TAYO, ang pag-asa ng bayan natin.
H’wag nating sayangin ang sakripisyong ginawa nina kuya Jose, Andres, Emilio, Marcelo, Gregorio at iba pang mga kuya natin. Hindi ko naman sinasabi na magpunta tayo sa Monumento at hiramin natin ang itak ni kuya Andres at pagtatagain ang mga natitirang Kastila na nagkukuwaring mga Pilipino. Ayaw kong maging mainitin ang ulo mo katulad ni Antonio, oo… iyong kapatid ni Juan, at pagbabarilin ang politikong sa tingin mo eh dapat nang sunugin sa dagat-dagatang apoy.
Juan, may isang linya sa isang kanta ni Michael Jackson na gusto kong ipaunawa sa iyo at gusto ko rin mas maunawaan pa… “If you want to make this world a better place, take a look at yourself and make a change.”
Kapag nagawa natin yan saka natin masasabi na malaya na tayo.
What Do Filipinos Need to Realize (1)
(1st of 4 parts)

If we, Filipinos, think that our leaders by themselves could deliver us to the proverbial “promised land”, then we are gravely mistaken. If we think that among them is a messiah who could bring about the socio-political and economic reforms needed to make our country progressive and peaceful, then we are hallucinating.
It is not because nobody among them is qualified and capable to lead the Philippine to greatness. It’s just that nation-building doesn’t work the way we think it does – that it can be done single-handedly by whoever we elect as President.
That actually is one (probably the worst) of our major problems as people – the mindset that the leaders we elect have magic wands they can wave to solve all of society’s ills and all of our nation’s problems. This is the prevailing belief among Filipinos. We pin our hopes for a brighter future on our leaders. We expect them – the governors of our provinces, the mayors of our towns and cities, and the captains of our barangays to solve all of our problems. We expect them to weave their magic and cast their spell then when the smoke dissipates we suddenly live a better life. We, think of our congressmen and senators as witches and wizards who through their out-of-this-world powers could make our country a better place to live in. We think that our President is Ironman and the members of the cabinet as the rest of the Avengers who could slay all of our nation’s Thanoses. Well – they are not.
It’s time to wake-up. We need to realize that those elected (and appointed) politicians and leaders manning the executive, legislative, and judicial branches of our government are not superheroes. They don’t have superpowers. They cannot solve all of the nation’s problems by themselves. They need our support as citizens. Each citizen – rich or poor, professional or not – has a role to play. Each of us should contribute to nation-building.
What can ordinary citizens do to help make the Philippines a better nation?
Let us begin by not selling our votes during elections.
We expect too much from our government yet we are not voting for the best and most qualified among those seeking public office during elections. Instead, most of us write in the ballot the names of the candidates who are willing to buy our votes.
Vote-buying is an open secret in our country. It is freaking rampant. It has seemingly become the norm. It’s making the electoral process lost its essence. Leaders are elected not on the strength of their qualifications, abilities, and platform of government but on the power of the money they are capable of paying each voter who would promise to cast their votes for them.
On the eve of an election day, bidding wars begin. Once candidates get the information that their political rivals offer a certain amount for each voter, they will likely double that. Starting price is usually P500. Then candidates will try to maneuver until the price becomes P1000 per vote. The desperate among the politicians would sometimes coughed up P2000 (or even more) for each voter.
Would elected officials admit that they are guilty of vote-buying?Of course not. So, we could only wonder how many percent of our elected officials literally bought the positions they are currently occupying.
Stopping this culture of vote-buying and selling is difficult but it has to be done. One thing that we need to realize is that the leaders we put into office should have the moral ascendancy to lead. It is difficult, if not impossible, to look up to leaders whom we know cheated their way to their offices. They are not credible as leaders. We could not apply the principle of “public office is a public trust” when we know that the persons occupying public offices “bought” their mandate. These scheming politicians feel that the office they are occupying is their “private property” because they paid for it. They can do therefore as they please and their constituents cannot and (shouldn’t) complain because they have been paid.
Those who thought that they duped the politicians by taking the money they offered to them are wrong. They were so happy with that P500 (or P1000… make it P2000) which they received. Such amount is nothing as compared to the millions of pesos they will get when the politicians dip their dirty hands into the coffers of government. The money those politicians use to buy votes are considered an investment. Once they get elected, they would make sure that they will get the return of their investment… with the corresponding interest.
Then we complain about how our government is performing. What kind of performance would we expect from politicians to whom we awarded the mandate to lead not because they are qualified and capable but because they have the money to buy votes?
As Thomas Jefferson puts it, “The government you elect is the government you deserve.”
This is what every Filipino need to realize. Suffrage is not just a right but a moral obligation as well. It’s not for sale. Don’t reason out that you’re selling your votes because someone’s buying. “It takes two to tango.” Both vote-buyers and vote-sellers are guilty of this wrongdoing.
Don’t expect the politicians to stop buying votes. They would never do that. Politicians will do everything to ensure they would get elected and have the power they crave so much to have. It is not public service they are thinking of when they ran for elective positions. Power, as they say, is addicting. They want it so badly and on top of that, they salivate so much for the accruing benefits and the opportunities that they would get once they are in position. And only those who were born yesterday don’t know what benefits and opportunities are those.

