Blog Archives
KABIT-KABIT
Dulang May Isang Yugto
(One-act Play in Filipino)
S Y N O P S I S
Matalik na magkaibigan at magkumpare pa sina Christian at Patrick. Pareho silang nagtatrabaho sa ibang bansa.
Si Patrick ay napakamasikretong tao. Hindi siya mahilig magkwento ng mga personal na bagay. Para sa kanya may mga bagay at sikreto na hindi na kaylangang ipagsabi kahit sa mga kaybigan. Kabaligtaran niyan si Christian na tiwalang nasasabi kay Patrick halos lahat ng bagay tungkol sa kanyang buhay – lalong-lalo na ang mga kalokohan niya sa babae.
Lahat ng mga babaeng nakarelasyon ni Christian ay ikinukweto ng detalyado kay Patrick, bukod lamang sa isa. Meron siyang sikretong kinakatagpong babae tuwing umuuwi sa Pilipinas na ayaw niyang ikwento sa kanyang kumpare’t kaibigan.
Dumating ang pagkakataon na parang nagsawa na sa mga ginagawang kalokohan si Christian. At sa gabing iyon, siya ay nagpasyang makipagkalas sa babaeng sikreto niyang kinakatagpo tuwing nagbabakasyon siya sa Pilipinas. Gagawin niya iyon alang-alang sa uliran niyang asawa at sa mabait na anak.
Ang pagtatangka ni Christian na iayos ang kanyang buhay ay sasalubungin ng isang malaking sorpresa.
**********
MGA TAUHAN
Christian, Patrick, Missette, Clarissa & Matthew
**********
ANG TANGHALAN
Nakadisenyong itanghal ang dulang ito sa isang intimate theatre na kung saan may dalawang malaking screen sa magkabilang bahagi ng entablado. Layon kasi nitong ipakita kung paano ginagamit ng mga tao ang mga social networking sites habang sila’y nasa loob ng pribado nilang kwarto – kung papaanong ang cyberspace ay nagsisilbing entablado para sa mga drama nila sa buhay.
Ang dalawang malalaking screen ay kunwaring dalawang computer monitors na kung saan ay makikita ng malinaw ang palitan ng mga messages at video-chats sa pagitan ni Christian na nasa loob ng entablado at ng iba pang tauhan na kausap niya sa cyberspace.
Isang study table ang makikita sa gitna ng stage. Nakaupo si Christian sa gitna na nakaharap sa isang laptop at sa audience. May dalawang mas maliliit na lamesa na makikita sa bandang kanan at kaliwa ng study table at sa likuran niya ay ang kanyang kama. May mga pagkain at inumin sa isang lamesa. Bukod sa laptop ay may isang 24-inch flat screen TV na ginagamit na extended monitor ni Christian. Ang kinalalagyang bahagi ni Christian sa entablado ay nakapagitna sa dalawang malalaking screen. Sa pamamagitan ng mga ito ay makikita ng audience ang lahat ng mga activities ni Christian na nasa screen ng kanyang laptop at sa nakakabit na extended monitor dito.
Dim light lang ang gagamiting ilaw sa entablado. Merong spotlight mula sa harapan ng stage na nakafocus kay Christian.
**********
PANAHON
Kasalukuyang panahon
**********
[Madilim.
Maririnig sa background ang kanta ng Journey na “Faithfully” na sinasabayan ni Christian. Kasabay ng huling salita ng second stanza ng kanta ay bubukas ang ilaw sa stage at makikitang nakaharap si Christian sa audience payuko sa kanyang ginagamit na laptop, sinasabayan pa rin niya ang kanta. Kasabay sa pagbukas ng ilaw ay makikita sa screen sa kaliwa na pinapalitan niya ang kanyang profile picture sa Facebook at sa kanang screen naman ay bukas ang Youtube at pine-play ang video ng kanta ng Journey na “Faithfully”. Matapos niyang ma-upload ang kanyang picture ay makikita sa screen sa kanyang kanan na tumatawag sa Skype ang kanyang kumpareng si Patrick. Ipo-pause ni Christian ang music video at sasagutin ang Skype call.]
Christian: Oh pare natawag ka. [Makikita sa kanang screen si Patrick, may hawak na mug.]
Patrick: Oo eh, kasi miss na miss na kita. [Tatawa.]
Christian: Excuse me, hindi tayo talo bruha. [Tatawa at pagkatapos ay susubo ng pizza.]
Patrick: Wow, pizza!!![Ipapakita ni Christian ang fried chicken, coke at beer.] Food trip ba? Kumain na tayo kanina bago tayo naghiwalay ah.
Christian: Gutom pa rin ako eh! Bitin ako sa kain natin kanina! Anong oras ka nga pala nakabalik d’yan sa apartment mo?
Click on the link below to continue reading…
“Pablihasa Lalake”
(Dulang May Isang Yugto)
Synopsis
Sina Alfred, Jojo, Nick at Rudy ay mga gurong nagtuturo sa ibang bansa. Sila ay matuturing na magkakasanggang-dikit…parang magkakapatid ang kanilang turingan.
Upang i-celebrate ang kanyang kaarawan ay naghanda ng maraming pagkain at inumin si Alfred at inimbita ang tatlo. At katulad ng dati ay nagkaroon nanaman sila ng mahabang kwentuhan at balitaktakan.
Madalas na kung ano-ano ang kanilang pinagusuapan… pulitika, trabaho, babae, mga isyu sa Pilipinas, at kung ano-ano pa. Sa gabing iyon ang naging sentro ng kanilang kwetuhan ay ang pinasok ni Alfred na isang relasyon. Naging mainit ang usapan nila tungkol sa sitwasyon ni Alfred. Maanghang ang naging palitan ng kanilang mga opinyon.