Advertisements

Kwadrado

Dulang May Isang Yugto
(One-act Play in Filipino)

kwardrado

S Y N O P S I S 

Matalik na magkaibigan at magkumpare pa sina  Christian  at Patrick. Pareho silang nagtatrabaho sa ibang bansa.

Si Patrick ay napakamasikretong tao. Hindi siya mahilig magkwento ng mga personal na bagay. Para sa kanya may mga bagay at sikreto na hindi na kaylangang ipagsabi kahit sa mga kaybigan. Kabaligtaran niyan si Christian na tiwalang nasasabi kay Patrick halos lahat ng bagay tungkol sa kanyang buhay – lalong-lalo na ang mga kalokohan niya sa babae.

Lahat ng mga babaeng nakarelasyon ni Christian ay ikinukweto ng detalyado kay Patrick, bukod lamang sa isa.  Meron siyang sikretong kinakatagpong babae tuwing umuuwi sa Pilipinas na ayaw niyang ikwento sa kanyang kumpare’t kaibigan.

Dumating ang pagkakataon na parang nagsawa na sa mga ginagawang kalokohan si Christian. At sa gabing iyon, siya ay nagpasyang makipagkalas sa babaeng sikreto niyang kinakatagpo tuwing nagbabakasyon siya sa Pilipinas. Gagawin niya iyon alang-alang sa uliran niyang asawa at sa mabait na anak.

Ang pagtatangka ni Christian na iayos ang kanyang buhay ay sasalubungin ng isang malaking sorpresa.

 **********

MGA TAUHAN 

Christian – OFW, isang chickboy

Patrick –  OFW, masikretong tao

Missette – asawa ni Christian

Clarissa –  asawa ni Patrick

Mathhew – anak nina Christian at Missette.

 **********

ANG TANGHALAN

Nakadisenyong itanghal ang dulang ito sa isang intimate theatre na kung saan may dalawang malaking screen sa magkabilang bahagi ng entablado.  Layon kasi nitong ipakita kung paano ginagamit ng mga tao ang mga social networking sites habang sila’y nasa loob ng pribado nilang kwarto – kung papaanong ang cyberspace ay nagsisilbing entablado para sa mga drama nila sa buhay.

Ang dalawang malalaking screen ay kunwaring dalawang computer monitors na kung saan ay makikita ng malinaw ang palitan ng mga messages at video-chats  sa pagitan ni Christian na nasa loob ng entablado at ng iba pang tauhan na kausap niya sa cyberspace.

Isang study table ang makikita sa gitna ng stage. Nakaupo si Christian sa gitna na nakaharap sa isang laptop at sa audience. May dalawang mas maliliit na lamesa na makikita sa bandang kanan at kaliwa ng study table at sa likuran niya ay ang kanyang kama. May mga pagkain at inumin sa isang lamesa. Bukod sa laptop ay may isang 24-inch flat screen TV na ginagamit na extended monitor ni Christian. Ang kinalalagyang bahagi ni Christian sa entablado ay nakapagitna sa dalawang malalaking screen. Sa pamamagitan ng mga ito ay makikita ng audience ang lahat ng mga activities ni Christian na nasa screen ng kanyang laptop at sa nakakabit na extended monitor dito.

Dim light lang ang gagamiting ilaw sa entablado. Merong spotlight mula sa harapan ng stage na nakafocus kay Christian.

 **********

PANAHON

Kasalukuyang panahon

 **********

[Madilim. 

Maririnig sa background ang kanta ng Journey na “Faithfully” na sinasabayan ni Christian. Kasabay ng huling salita ng second stanza ng kanta ay bubukas ang ilaw sa stage at makikitang nakaharap si Christian sa audience payuko sa kanyang ginagamit na  laptop, sinasabayan pa rin niya ang kanta. Kasabay sa pagbukas ng ilaw ay makikita sa screen sa kaliwa na pinapalitan niya ang kanyang profile picture sa Facebook at sa kanang screen naman ay bukas ang Youtube at pine-play ang video ng kanta ng Journey na “Faithfully”. Matapos niyang ma-upload ang kanyang picture ay makikita sa screen sa kanyang kanan na tumatawag sa Skype ang kanyang kumpareng si Patrick. Ipo-pause ni Christian ang music video at sasagutin ang Skype call.]

Christian: Oh pare natawag ka. [Makikita sa kanang screen si Patrick, may hawak na mug.]

Patrick: Oo eh, kasi miss na miss na kita. [Tatawa.]

Christian: Excuse me, hindi tayo talo bruha. [Tatawa at pagkatapos ay susubo ng pizza.]

Patrick: Wow, pizza!!![Ipapakita ni Christian ang fried chicken, coke at beer.] Food trip ba? Kumain na tayo kanina bago tayo naghiwalay ah.

Christian: Gutom pa rin ako eh! Bitin ako sa kain natin kanina!  Anong oras ka nga pala nakabalik d’yan sa apartment mo?

Click on the link below to continue reading…

KWADRADO

Advertisements

About HARDPEN

Teacher-Writer Hardpen is my nom de plume. My real name is Massuline Antonio Dupaya Ligaya. Many times I was asked the question, "Why do you write?" I don't write for rewards nor adulation. When I write poems, stories, and essays, when I do research, seeing them completed gives me immense joy and satisfaction. I don't write for cash incentives, "likes," and "praises." I would be thankful if I'll have them but the happiness and sense of fulfillment I feel when completing my works are my real rewards. Is teaching difficult? No! When I teach, I don't work but I play. The classroom is my playground, the students are my playmates, and the subject is our toy. Proud to be me! Proud to be a FILIPINO! TO GOD BE THE GLORY!

Posted on April 3, 2018, in Dula, Dulang May Isang Yugto, Extra-marital Affairs, Infidelity, One-act Play and tagged , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: