T A K D A
(A Short Story in Filipino)
SYNOPSIS
Magkasalungat ang paniniwala namin ni Alfred tungkol sa tadhana. Hindi niya kaylanman sinangayunan ang paliwanag ko na ang tao ang gumagawa ng sarili niyang tadhana’t kapalaran. Ang kalahatan ng mga desisyong ginagawa ng isang tao sa buhay ay magdidikta sa kanyang kakahinatnan at s’ya ring huhubog sa kanyang kinbukasan. Tuwing sasabihin ko iyon ay kukuwestyonin ng aking kapatid ang pagiging Kristyano ko. Bakit hindi daw ako naniniwala na bago pa man isilang ang tao ay may kapalarang nakaguhit na sa kanyang palad. Naniniwala ang kapatid ko na ang Panginoong Diyos ang nagtatakda nito. Para sa kanya, nang ang tao’y isilang sinimulang pagulungin ng Lumikha ang gulong ng kanyang kapalaran. Hindi raw kayang pigilin ng tao ang pagikot ng gulong ng kanyang palad, minsa’y papaibabaw siya’t minsan nama’y papailalim.
At nangyari ang isang trahedya sa kanyang pamilya…
Sa pagkakataong iyon ay puwedeng sabihin ni Alfred na tila natumbok sya’t nagulungan ng gulong ng kanyang kapalaran. Tila hindi maganda ang nakaguhit na tadhana sa kanyang palad. Ang babaeng sinasamba’t pinakamamahal n’ya ay binawi nang nagpahiram ng buhay sa isang napakasakit na paraan.
Sa gitna ng matinding pagdadalamhati ni Alfred ay tinanong n’ya ang isang katanungang magpahanggang ngayon ay walang makasagot, “Bakit nangyari ito?”
Click on the link below to continue reading…
Posted on January 13, 2017, in Fiction, Short Story and tagged Fiction, Short Story. Bookmark the permalink. 1 Comment.
Reblogged this on HARDPEN'S PORTFOLIO.
LikeLike