DELILAH
Based on Tom Jones’ “Delilah”
Buhay ang ilaw mo nang ako’y dumaan
Bukas mong bintana’y dagling nilapitan
Humihip ang hangin kurtina’y hinipan
Tagpong bumulaga ako’y ginulantang
Kambal-tukong anino sa aking harapan
Sumasayaw sa indayog ng kataksilan
At nang marating rurok ng kaliluhan
Luha’y sinalubong inyong kagalakan
Nanginig ang tuhod palayong humakbang
Ngunit impit mong tili ako’y sinundan
Katawang umindayog sa kahalayan
Umukit sa isip ayaw akong tantanan
Ako’y kumatok pintuan mo’y binuksan
Ako’y pumasok s’ya nama’y nagpaalam
Nang kita’y tanungin ako’y tinawanan
Ngunit tahimik ka nang punyal ko’y hawakan
Saan nga ba Delilah ako nagkulang
‘Di ba’t buhay ko sa iyo nakalaan
Nagtitiis kahit iyong sinasaktan
Ngunit ‘di tatanggaping iyong pagtaksilan
Posted on November 12, 2016, in Tula and tagged Poetry, Tula. Bookmark the permalink. Leave a comment.
Leave a comment
Comments 0