TINULANG KANTA

Mahilig akong kumanta kahit ang kanta’y walang hilig sa akin. Kahit na nga ba ang boses ko ay basag basta kapag gusto kong kumanta eh kakanta ako…walang makakapigil.

Ilan sa mga kantang English na madalas kong kantahin kapag kami ng mga kaybigan ko’y nagpupunta sa noraebang (videoke bar) dito sa South Korea  ay  paminsan-minsang napagkakatuwaan kong gawing tula sa Filipino.

Sa Pilipinas, medyo takot akong kumanta sa videoke. Bakit? Paborito ko kasing kantahin ang “My Way” eh alam n’yo na, gusto ko pang mabuhay nang matagal (LOL).

Heto’t inipon ko sa sulok ng website na ito ang mga kantang English na ginawan ko ng tula sa Filipino.

Pero ano nga ba ang mabigat na dahila bakit mga kanta’y tinula ko?

Heto ang dahilan.

Nang isinali ko sa patimpalak ng Palanca (April, 2017) ang unang sampung kantang tinula ko ay ginawan ko ng INTRO. Hindi po ako nanalo. Katulad kasi yata ng mga kanta ko eh sintunado rin ang aking mga tula.

H’wag Nang Itanong
Huli Na Ang Lahat
Mas Nanaisin
Muling Mahalin
Ika’y Talinghaga
Siya
Nang Ako’y Iwan
Delilah
Nang Ako’y Ngitian
Turuan Ako
Paghilumin
Ako’y Layuan
Puweda Ba
Maging Akin Ka Sana
Katangi-tangi Ka
Masaya Ka Na
Kay Hirap Paniwalaan
Sa Sayawan

    Leave a comment