Blog Archives

Pagpupugay Sa Aking Mahal Na Ama’t Ina

(Tribute to My Beloved Father and Mother)

Kung ano ako ngayon, kung ano man ang narating ko, ay ipinagpapasalamat ko ng malaki, una sa Maykapal, pangalawa sa aking mga magulang – sa aking ama at ina.

Walang sinomang makakahigit sa mga sakripisyong ginawa para sa akin ng aking mga magulang – lalong-lalo na ng aking ina na ang sinanapuna’y pinaglagakan ng mga semilyang binuklod ng Panginoon upang pagsimulan ng buhay kong pahiram Niya sa akin.

Sino ba ang pwedeng makahigit sa ginawa ng aking ina na siyam na buwang hinayaang ako’y maging bahagi ng kanyang katawan? Ang sinapupunan niya’y ang unang mundong aking ginalawan. At nang dumating ang panahon na kaylangan ko nang lumabas patungo sa isang bagong mundo ay ibinuwis niya ang kanyang buhay.

At sino rin ang pwede makahigit sa ginawa ng aking ama na nagbanat ng buto upang tiyakin na kaming mga mahal niya sa buhay ay may bubong na masisilungan at sa hapag-kainan ay may makakain?

Tiniis ng aking ina ang sakit upang ako’y mailuwal. Sinuong ni ama ang ulan at init upang ibigay ang aming mga pangangaylangan. Napakalaki ng ginawa nilang sakripisyo, magkatuwang ang aking ina at ama, sa pagpapalaki at pag-aruga sa akin at aking mga kapatid. Hindi ko pwedeng kalimutan iyon. At iyo’y hindi pagtanaw ng utang na loob. Iyon ay bunga ng itinanim nilang pagmamahal. Hindi ba’t nakatakda nating anihin ang alin mang ating itanim, mabuti man o masama.

Kaya nga nakakatawa nang sabihin ng isa kong tiyahin na ako raw ay maka-ina. Aba’y dapat lang. Ganoon naman ang natural na nagiging takbo ng mga relasyon sa pamilya. Madalas na ang mga anak ay nagiging maka-ina sa dahilang mas madalas nakikita ng mga anak ang kanilang ina sa bahay.

Subalit alam ko ang dahilan kung bakit madalas hindi namin kapiling ang ama sa bahay. Siya’y kaylangang maghanap-buhay upang kami’y suportahan. Maka-ina ako pero pantay ang pagmamahal ko sa aking mga magulang. Wala akong itutulak at kakabigin.

Nagtanim ang aking ina – ganoon din ang aking ama – ng pagmamahal na tumubo sa aking puso’t isip. Hindi ba matatawag na pagtatanim ng pagmamahal ang ginawa nilang pag-aalaga sa akin mula ako’y isang sanggol na walang kamalay-malay hanggang sa punto ng buhay ko na kinaya ko nang tumayo sa aking sariling mga paa. Inaani nila ngayon ang bunga ng pagmamahal na iyon at hindi nila ito kaylangang sungkitin, kusa itong lumalaglag patungo sa kanila.

Isang milyong beses mang magkamali ang aking ina ay hindi ko siya pwedeng talikuran. Katulad ng hindi ko pagtalikod sa aking ama noong siya’y nabubuhay pa kahit ako’y buhay na saksi sa mga pagkukulang niya. Tama o mali man ang aking mga magulang eh sila ang kakampihan ko. Simple lang ang dahilan – mahal ko sila. Hindi pwedeng burahin ng anomang depekto sa pagkatao ng aking ina at ama ang pagmamahal ko sa kanila.

Ang dalawang pinakamahahalagang aral sa buhay na natutuhan ko ay hindi galing sa mga guro ko sa eskwelahan. Ang mga aral na naturan na nagsilbi kong gabay upang mamuhay ng tama ay galing sa aking mga magulang.

Ang una – ang itinuro sa akin ng aking ama’y huwag akong umasa sa ibang tao. Dapat daw ay matuto akong tumayo sa aking sariling mga paa. Unang narinig ko sa aking ama ang mga konsepto na “magtiwala sa sarili” at “magbanat ka ng buto.” Simpleng tao lamang ang aking ama at pilit akong nagsikap at nagsusumikap pa dahil batid kong ang buhay na meron ako’t ang daang tinatahak ko ay ang katuparan ng kanyang pangarap.

Pangalawa’t huli – tinuruan ako ng aking ina na magdasal at magkaroon ng matibay na pananampalataya sa Panginoon. Ang pananampalatayang iminulat niya sa akin ay panghahawakan ko upang huwag akong maligaw ng landas. Hindi man perpekto ang buhay na tinahak ng aking ina at ama ay tiniyak nilang maituro sa akin ang daan patungo sa aking tagumpay at kaligtasan.

Ang isang bagay naman na natutuhan ko pareho sa kanila ay ang kultura ng pagbabasa. Sobrang hilig ng ama kong magbasa – 2 diyaryo sa isang araw. Hindi man siya nakatungtong ng high school eh “Inglisero” ang ama ko. Ang nakakatuwa, kapag siya’y nalalasing, hindi siya nagsasalita ng Tagalog, puro English. Dumudugo noon ang ilong ko sa pakikinig sa kanya, lalo na kapag pinipilit niya akong sumagot sa mga sinasabi niya sa English.

Ang ina ko nama’y magasin at komiks. Madalas ko din siyang nakikitang nagbabasa ng libro dahil nagpatuloy siyang mag-aral sa kolehiyo noong kaming magkakapatid ay malalaki na’t hindi na alagain. At tuwing hapon noon, matapos kaming magdasal ng rosaryo, kasama ang aking lola, ay nsgsilbi naming tutor ang aking ina.

Salamat po ama… ina sa lahat-lahat. Diyan sa langit ay baunin ninyo ang pasasalamat at pagmamahal naming magkakapatid at mga apo ninyo.

Dakila kayong mga magulang. Lubos-lubos ang pasasalamat ko sa Panginoon na kayo ang mga itinalaga niya na naging ama’t ina ko.

—–
Who I am today and whatever I’ve achieved, I owe an outstanding debt of gratitude—first to the Almighty and second to my parents, father, and mother. No one can surpass the sacrifices they made for me, especially my mother, who carried within her the seeds that the Lord bound together to begin the life He has lent to me.

Who could ever surpass what my mother did, allowing me to be a part of her body for nine months? Her womb was the first world I ever knew. And when the time came for me to enter this new world, she risked her life to bring me into it. And who could outdo my father, who toiled tirelessly to ensure we had a roof over our heads and food on our table?

My mother endured the pain to bring me into this world, and my father braved the rain and heat to provide for our needs. Together, their sacrifices were immense, raising and nurturing me and my siblings. I can never forget that, and it’s not just about repaying a debt of gratitude; it’s the love they planted in me. After all, don’t we reap what we sow, good or bad?

It’s amusing when one of my aunts says I’m a “mama’s boy.” Of course I am! That’s the natural course of family relationships. Children often grow closer to their mothers because they’re more frequently at home. But I understand why we didn’t always have our father with us. He had to work to support us. I may be close to my mother, but my love for my parents is equal. I wouldn’t push one away or pull the other closer.

My mother planted love in me—so did my father—and that love grew in my heart and mind. Isn’t it fair to call it sowing love when they cared for me from when I was an innocent baby until I could finally stand on my own feet? They are now reaping the fruits of that love and don’t need to reach for it—it falls naturally into their hands.

Even if my mother made a million mistakes, I could never turn my back on her, just as I never turned away from my father when he was alive, despite witnessing his shortcomings. Right or wrong, my parents will always have my support. The reason is simple—I love them. No flaw in their character can erase my love for them.

The two most important lessons I’ve learned in life didn’t come from my teachers at school. The lessons that guided me to live rightly came from my parents.

The first was that my father taught me never to rely on others. He said I must learn to stand on my own feet. From him, I first heard the concepts of “self-reliance” and “hard work.” My father was a simple man, and I have strived and continue to strive because I know that my life and the path I walk fulfill his dreams.

The second is that my mother taught me to pray and have unwavering faith in the Lord. The faith she instilled in me will guide me so I don’t lose my way. Though my parents’ lives were imperfect, they showed me the path to success and salvation.

One thing I learned from both of them is the culture of reading. My father loved to read—two newspapers a day. Even though he never finished high school, my father was fluent in English. It was amusing; he spoke only in English whenever he got drunk. I used to get nosebleeds just listening to him, especially when he insisted I respond in English.

As for my mother, she loved magazines and comics. I often saw her reading books, especially since she continued her studies in college after we, her children, were grown. And every afternoon, after we prayed the rosary with my grandmother, my mother would serve as our tutor.

Thank you, Father… thank you, Mother, for everything. In heaven, may you carry with you the gratitude and love of your children and grandchildren.

You were extraordinary parents. I am deeply thankful to the Lord for choosing you to be my mother and father.