Blog Archives

K-Drama

Dulang May Isang Yugto
Comedy Tragedy

Mga Tauhan:

Jack
Arnold
Joy
Waitress
Rose
Korean Man
Korean Woman
Customer

Tagpuan:
Sa isang restaurant sa South Korea.

Panahon:
Isang araw, buwan ng Marso sa kasalukuyang panahon.
(Magkakailaw sa tanghalan. Makikita ang interior ng isang pribadong bahagi ng isang restaurant sa South Korea. Nakasabit sa pader (nakaharap sa audience) ang mga larawan ng mga pagkain na inihahain ng restaurant katabi ang isang malaking larawan ng Jeju Island. Makikitang nililinis ng waitress ang mga ginamit ng mga papa-alis na customer. Nasa gitna ang mesa na kasya ang anim na katao. Walang upuan.)

Waitress: Kamsahamnida! Tashi Oseyo. Annyonghikaseyo.
Isa sa mga customers: Ne! Kamsahamnida!

(Tuloy lang ng paglilinis ang waitress. Nilagyan ng mga bagong hugas na kutsara at chopsticks ang lagayan. Maririnig mula sa labas ang mga usapan.)

Click on the link below to continue reading…

Advertisement

“Usapang Lalaki” (A One-Act Play in Filipino)

3

Sina Alfred, Jojo, Nick at Rudy ay mga gurong nagtuturo sa South Korea. Sila ay matuturing na magkakasanggang-dikit…parang magkakapatid ang kanilang turingan.

Upang i-celebrate ang kanyang kaarawan ay naghanda ng maraming pagkain at inumin si Alfred at inimbita ang tatlo. At katulad ng dati ay nagkaroon nanaman sila ng mahabang kwentuhan.

Madalas na kung ano-ano ang kanilang pinagusuapan… politika, trabaho, babae,  mga isyu sa Pilipinas, at kung ano-ano pa. Sa gabing iyon ang naging sentro ng kanilang kwetuhan ay ang pinasok ni Alfred na extra-marital affair. Naging mainit ang usapan nila tungkol sa sitwasyon ni Alfred. Maanghang ang naging palitan ng kanilang mga opinyon.

Source: “Usapang Lalaki” (A One-Act Play in Filipino)

%d bloggers like this: