Kumpareng Baby
“Sino itong Baby na nagte-text sa ‘yo?”
Tanong ng GF sa BF na palikero.
“Aking giliw, lalaki ‘yan, kumpare ko.”
Sagot ng BF sa GF na nagtatampo.
“Si pareng Baby ‘yan, kabarong barako.”
Ang paliwanag ng batikang bohemyo
“Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko,
Ako giliw ay pagkatiwalaan mo.”
“O ano nga pala ang isasagot ko?”
Ang tanong ng GF sa BF nito.
“Kasi ‘di na daw tuloy ang lakad ninyo,
Biglang nagka-mens ang kumpareng Baby mo.”
Posted on June 6, 2018, in Filipino Humor, Philippine Poetry, Poetry, Tula and tagged Filipino Humor, Philippine Poetry, Poetry, Tula. Bookmark the permalink. 3 Comments.
Hahahahaha! Natawa ako sa biglaang nagka-mens si Kumpareng Baby. LOL!
LikeLiked by 1 person
Pasalamat siya at hindi niya nabuntis ang kumpare niya. Hehe!
LikeLiked by 1 person
Hahahahaha 😂
LikeLiked by 1 person