Ang Bird ni Father

Umiiyak si Father isang umaga,
Bird kasi niyaβy naglaho sa hawla.
May nagnakaw β ang kanyang suspetsa
Kayaβt nagpasya itong magimbestiga.
Bird na naturan mahal na mahal niya,
Hinihimas palagi gabiβt umaga,
Kasa-kasama kahit saan magpunta,
Maging sa pagtulog⦠hawak-hawak niya.
Kayaβt sumumpa sβyang itoβy hahanapin.
Sukdulang bawat bahay hahalughugin.
Pagiging pari sumumpang gagamitin,
Upang ang bird niya muling makapiling.
Nanawagan pagkasampa sa pulpito,
Pasimpleng tinanong ang mga Katoliko.
Ang tanong, βSino ba ang may bird sa inyo?β
Syempre nagsitayo lahat ng ginoo.
Paring nagtanong tila nagulantang
Kayaβt ang tanong ay kagyat pinalitan.
βAnyone seen a bird?ββ¦ bagong katanungan,
Nagsitayo mga dalaga at ginang.
Posted on March 21, 2018, in Filipino Humor, Pinoy Jokes, Poetry, Tula and tagged Filipino Humor, Pinoy Jokes, Poetry, Tula. Bookmark the permalink. 2 Comments.



Ayus ‘to Kuya πππ
LikeLiked by 1 person
Nakatuwaan ko lang na gawing tula iyong mga jokes na narinig ko before.
LikeLiked by 1 person