Dito

embrace

Naninikluhod… tula ko sana’y basahin
Ang bawat pantig nawa’y iyong bulayin
Bawat taludtod sana ay unawain
Daloy ng ritmo ang samo ko ay damhin

Dahil sa tula na lang kita mamahalin
Sa bawat pantig ikaw ay yayakapin
Sa taludtura’y halik ipatitikim
Sa ritmo ikaw ay aking susuyuin

Dito saliksikin tunay kong damdamin
Mga tanong mo dito ko sasagutin
Pagdurusa nati’y dito tatapusin
Sugat sa puso dito paghihilumin

Dito pangarap nati’y magpapatuloy
Pag-ibig sa puso ay muling dadaloy

Leave a comment