Takda

Man-on-a-Journey

Narating na ng kwento kanyang sukdulan
Naubusan ng sangang pwedeng ugpungan
Sa kwento ay merong takdang katapusan
May AKDA’y nagpasyang ito ay tuldukan

Marami pang kwento na pwedeng sulatin
Muli’y tatanganan ang gulong ng damdamin
May AKDA ito’y pipihiti’t iikutin
Kapalaran ng tauhan sa pluma uukitin

Sa may AKDA’y matutuwa maiinis
Kapalaran ng tauhan siya ang guguhit
Kahihinatnan ng kwento sya ang uukit
Iuugoy ka sa duyan ng pananabik

May AKDA muli ang syang magpapasya
Bagong  kwento ba’y trahedya o komedya
Luluha ba ang tauhan o tatawa
Kwento ba’y tatapusin sa lungkot o ligaya

 

Leave a comment