Sa Hapis Hanguin

Nakaratay sa banig ng karamdaman
Ang naghihingalong bayang sinilangan
Ang araw niya ay pinangangambahang
Hindi na muling sisikat sa silangan

At bakit masisisi ang ating hahanapin
Paghahanap ng lunas dapat atupagin
Dapat kumilos gampanan ang tungkulin
Inang bayan sa hapis ating hanguin

Huwag asahan ganid na pulitiko
Sila’y mga Kastilang nanatili dito
Sila’y nagkukuwaring mga Pilipino
Ang tingin nila’y alipin pa rin tayo

Elias at Ibarra nasaan ba kayo
Nasa “May Lakan Dyan” si Padre Damaso

Leave a comment