Blog Archives

Isang Pagninilay

JesusFinalHours-56a149da5f9b58b7d0bdda13Sa bundok ng Golgotha’y umakyat
Pinasan ang krus hirap na hirap
Ikatlong hapon nang maganap
Pagkakatawang taong nagwakas

Kasalanan ay koronang tinik
Sibat na tumusok sa gilid
Kay Hudas tayo ay ang naghatid
Nang sa Mesiya s’ya ay humalik

Hinayaang si Hudas magtaksil
Di ba’t kusang loob nagpakitil
Utang nati’y sa Kanya siningil
Ang utang nating mga nagtaksil

Di ba’t dugo n’ya’y ipinanlinis
Sa pagkatao nating madungis
Kusang loob buhay ibinuwis
Nang tayo’y makapiling sa langit

Huminto’t magnilay kahit saglit
Lumuhod tayo’t mata’y ipikit
Sa Panginoon tayo’y sumandig
Walang hanggan ang Kanyang pag-ibig

Advertisement
%d bloggers like this: