Tula
Pinagsama-sama ko ang aking mga tula ayon sa mga kategoryang pinili ko. Ang mga tula kong may temang pag-ibig ay aking inipon sa pahinang may pangalang TIBOK habang ang mga tulang tumatalakay sa bayan, pagkamamamayan at mga isyu patungkol sa pulitika ay sa BAYAN MUNA.
Ang mga paboritong kong love songs sa English eh ginanawan ko rin ng tula at mababasa ang mga ito sa TINULANG TUGTOG.
Sumulat din ano ng mga tula ukol sa kung ano-anong bagay at mga isyu o mga paksa na hindi tumatalakay sa pag-ibig at sa bayan. Pinagsama-sama ko ang mga ito sa SAMU’T-SARING TULA.
May mga sinulat rin akong satirikong tula na bumabatikos sa mga sa palagay ko’y ugaling ‘di maganda ng mga taong nakapaligid sa akin at ng mga taong nakakasama ko sa trabaho. Ito ay parunggit ngunit hindi ako nagmamalinis dahil maaring angkin ko rin ang mga ugaling hindi ko nagugustuhan sa iba kaya’t kapag nababasa ko ang aking mga tulang ito’y nagbubulay-bulay din ako. Pinagsama-sama ko ang mga tulang ito sa pahinang pinangalanan kong SA PILING NG MGA HAYOP. Bahala na ang babasa kung ano sa tingin nila ang kahulugan ng salitang hayop sa sa bahaging sa pangalan ng pahinang ito.
Lumikha rin ako ng pahina para sa mga tula kong sinulat habang ako’y nakasakay sa jeep o insipired ng mga experiences ko sa pagsakay sa jeep. Matatagpuan ang mga tulang ito sa pahinang binansagan kong HETO NA ANG JEEP
May mga sinulat rin akong APATANG TALUDTOD (Quatrains). Nag-eksperimento rin ako sa isang uri ng tula na tinawag kong PAKWELANG TALUDTURAN na sa unang tatlong taludtod ay parang seryoso ang tinatalakay subalit sa pang-apat (clincher) ay ang sundot na patawa.
‘Source: Tula
Posted on March 12, 2017, in Poetry, Tula and tagged Poetry, Tula. Bookmark the permalink. Leave a comment.
Leave a comment
Comments 0